Episode 21

187 19 18
                                    

Sorry for mistakes.

proceed.......

**********

Third Person's POV

Muling tumira si Arah/Euphorbia ng isang move pa. Iniabante niya ang isang pawn para sa isang request. "Gusto kong magamit ang katawan ko" aniya.

Ibig niyang sabihin ay nais niyang makontrol ang sariling katawan kahit na nasa malayo ang kanyang kakayahang mag-isip.

Ngumiti lang ang mahiwagang espiritu sa kanya at ikinumpas ang kamay nito.

Gamitin mo ayon sa iyong nais.

Pagkatapos ay tumira ang kalaban, iniabante niya din ang kanyang pawn na ginagampanan ng isang succubus. Naglalaro sa isipan ni Arah/Euphorbia kung ano ang magiging resulta ng safe move na yun. Safe move sapagkat walang nasaktan o masamang nangyari sa mga taong iniingatan niya. Gusto niyang magtanong pero naisip niyang sayang naman ang isang move niya kung dun niya lang gagamitin.

Titira na sana siya ng biglang narinig niyang nagsigawan ang mga tao. Napalingon siya sa tila lohogram monitor at nakita niyang ang mga taong nahulugan ng piraso ng nabasag na salamin ay tuluyan ng naapektuhan. Ang mga halimaw na nasa loob ng salamin ay lumipat na sa katawan ng mga tao. At nakaparami nila. Inaatake nila ang ibang mga taong hindi naapektuhan. Ang masaklap pa, walamg pakundangang pinapatay nila ang mga inosente.

Tumira si Arah/Euphorbia, a  knight. At dahil may kalakasan ang knight nabahaginan niya ng sapat na lakas ang katawan niya. Kahit nasa malayo, nagagawa na nga niyang kontrolin ang sariling katawan na tila naroon siya. Napagkaisa niyang muli ang katawan at isip niya. Subalit nararamdaman na rin niya ang sakit na dulot ng spiritual thread na gumapos sa puso niya at sa buong katawan. Nahirapan siyang huminga dahil na rin sa may katagalan din siyang nawala sa kanyang katawan. Kahit magkalayo ang kanyang isip at katawan, pumapasok na sa isipan nya ang lahat ng nangyayari o nararamdaman ng kanyang katawan kung kaya't napapakilos niya na rin ito ng maayus at naaayun sa kang nais.

"Ma!......." naririnig niya ang sigaw at paghikbi ni Emilee.

Humugot siya ng hangin bago umusal ng salita."A-anak....."

"Ma.......nag-alala po ako sa inyo.....akala ko po di na kayo magkakamalay....natakot po ako..." niyakap niya ang anak. Isang mahigpit na yakap. Alam niyang labis itong nahirapan. Ang pagbalik niya saglit ay sapat na para magbigay ng pag-asa sa kanyang anak.

"Im sorry...." nakakausap na niya ang anak at para sa kanya, malaking bagay na yun.

Muling tumira ang kalaban, muli nitong itinira ang knight sa katauhan ni Norman.

Muling kinabahan si Arah sa move na yun. Napatingin uli siya sa tila hologram monitor. Ayon sa nalalaman niya ay nasa loob pa rin ng sasakyan ang nobyo kaya hindi niya alam kung ano ang magagawa ng tirang yun ng kalaban.

Lingid sa kaalaman niya na may isang nilalang na kumuha kay Norman sa katauhan ni Emilee.

Pinanood niya muna sa tila hologram monitor ang kaganapan sa daigdig, nakita niyang lumabas si Norman ng sasakyan, na hindi niya alam na ang taong yun ay hindi na ang taong inaasahan niyang makita. Hindi sapat ang kapangyarihan niya para maramdaman ang kalagayan nito. Napapakilos niya lang ang sariling katawan subalit hindi niya magamit ang kapangyarihan niya dahil sa nababalutan ng spiritual thread ang katawan niya.

"Emilee...ang papa mo."

"Ma?! Ano pong tungkol kay papa?" wala na siyang ibang magagawa kundi utusan si Emilee na sunduin ang kanyang ama upang iligtas sa napipintong kapahamakan, kung ano yun, hindi niya alam. Hindi niya mabasa ang inisip o binabalak ng kalaban. Kahit sa kilos nito wala siyang makuhang clue, ang inaasahan niya lang ang mga safe moves kung saan masasagot ang kanyang mga katanungan pero hindi niya alam kung katotohanan ang magiging sagot nito.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon