Episode 19 (Edited)

247 17 13
                                    

Note: This episode is dedicated to: @kagomehigurashi

-ayieeeee, madami itong epic beh, pakiintindi na lang hah, hehe. Have a nice reading. ^_^

Proceed........

***********
Arah's POV

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatunganga. Nakatitig lang ako sa dagat na di naman nagbabago. Napabuntung-hininga na lang ako. At nung nagsawa na ako, tumayo na ako at lumipat para maupo sa may mesa. Pagtingin ko, tumambad sa akin ang isang nilalang na nakaupo na sa kabilang dulo ng mahabang lamesa, sampung metro ang haba. Mababa lang ang lamesang yun at may kakitiran, at walang upuan kundi ang damong malambot at may kakapalan, parang bermuda grass pero kakaiba, mas masarap upuan ang damong yun para bang pagkalambot lambot. Nakaupo lang siya dun, at nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na naroon. Hindi ko man lang siya naramdaman. At kahit ngayong kaharap ko na siya, wala akong maramdamang kahit ano. Para lang siyang hangin na sobrang banayad, nakakakalma. At hindi ko na alam kung gaano katagal na niya akong tinitingnan.

Nakatayo lang ako. Hindi ako makakilos. Basta nakatitig lang ako sa kanyang mukha na sobrang amo. Sobrang perpekto ng mukha niya. Nakangiti siya. Naniningkit na nga ang mga mata niya dahil sa pagngiti. Parang hindi siya nangangawit sa kakangiti.

Natitigan ko ang kanyang mga mata. Wala akong makita. Hindi ko mabasa. Pero nakakaakit ang mga mata. May kung ano ang mga mata niya na hinahatak akong tumitig doon.

Lalaki siya. Lalaking may mahabang buhok, hindi ko alam kung gaano kahaba at sumasayaw ito sa hangin.

Sino ba siya?

Isa siyang ispiritu------mahiwagang ispiritu?! At hindi ko alam kung gaano siya kahiwaga. Hindi ko maramdaman at hindi ko masukat.

Pero bakit nakangiti lang siya at hindi nagsasalita?

"Sino ka?" Bungad kong tanong.

Pero hindi siya kumikibo. Nakaupo lang siya dun, nakangiti habang tinitingnan ako. "Kanina ka pa diyan?" Tanong ko ulit.

Isinenyas niya sa akin na maupo ako sa kabilang dulo ng mesa. Sumunod naman ako. At tapos ay tiningnan ko uli siya, mas kitang-kita ko siya ngayon, yung mukha niyang maamo na parang tupang hindi marunong magalit. At wala akong maramdamang kahit ano. Kahit yung galit at inis ko kanina'y parang nawala lahat.

"Hindi mo man lang tinikman ang inihanda ko para sa'yo" inisa-isa niyang pinasadahan ng tingin ang lahat ng pagkaing nasa ibabaw ng mesa, lahat na yata ng pagkain ay narito na. Pero hindi ko nga ginalaw kahit na isang piraso ng maliit na prutas. Hindi ko siya sinagot. Mas natuon ang atensyon ko sa tinig niya. Parang narinig ko na yun. Yung tinig niya. Saan nga ba? Kailan ba? Pero hindi ako maaaring magkamali, narinig ko na siya dati. Hindi ko lang maalala sa ngayon. Konting hugot pa sa nakaraan.

"Noong bata ka pa." Sabi niya na nagpatigil sa aking pag-iisip.

Sinasagot niya ba ang tanong ko sa sarili ko o may gusto siyang sabihin?

"Doon tayo nagkita. Pero hindi yun ang una. Ang totoo, mula ng isilang ka, binabantayan na kita. Sa lahat ng oras. Hanggang ngayon. Nakatutuwa hindi ba? Na nasa harapan mo ako ngayon, nakikita mo, nakakausap, hindi tulad dati na ako lang ang nakakakita sa'yo. Napakaganda mo na. At malayo na ang narating mo. Bagay na, sobrang ikinatutuwa ko. Hindi ako nagkamali, napakahusay ko. Dahil ikaw ang napili kong bantayan" hindi ko siya maintindihan. Wala akong maunawaan.

"Sino ka!? Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Uhm......paano ko ba ipapakilala ang sarili ko sa'yo?" Pinagalaw niya ang mahaba niyang buhok sa pamamagitan ng hangin. "Ako?? Sino nga ba ako??--------ah! Ako lang naman ang nagmamay-ari ng mundo. At lahat ng naroon...... Ooops! Wag mong sasabihin sa iba na ikaw ang paborito ko sa lahat ha, baka magselos sila....alam mo naman ang mga tao....mapupusok at hindi nag-iisip. Ayokong kainggitan ka nila. Pag nagkataon--------" pinalutang niya ang isang bato sa ibabaw ng kanyang kamay at dinurog ng kanyang kapangyarihan hanggang sa maging pino ito at maging alikabok na nilipad ng hangin, "mapapaaga ang kanilang kamatayan.....at gustong gustl ko yun..." dugtong niya.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon