Episode 15 (Edited)

282 21 16
                                    

This episode is dedicated to: BaddestBiatch

*****************

Tomoki Gabriel's POV ( the fifteen year old one)

Iminulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko. Kahit ramdam ko pa ang bigat ng talukap nito'y pinilit kong dumilat. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako. Pinilit kong aninagin ang paligid kaya lang, malabo ang lahat. Hindi ko alam kung yung paningin ko ang nanlalabo o sadyang malabo ang paligid?

"Kumusta?" Isang tinig ang pumukaw sa aking atensyon. Pinilit kong hanapin siya. Nasa harapan ko siya, mga tatlong dipa ang agwat niya sa akin. Nakaupo siya sa upuang hindi ko maaninag kung anong klase, basta nagliliwanag sa pagkaginto. Pero parang yung tinig na yun, pamilyar sa akin. "Wag mo ng piliting aninagin ako para makilala mo kung sino ang nasa harapan mo ngayon-----ako nga ito. Walang duda. Hindi malabo ang paningin mo, at lalong hindi malabo ang paligid. Ang totoo, napakalinaw nga eh. Kitang-kita ko ang lahat. Ang mukha mo, namimiss ko ng hawakan. Yung pisngi mo, yung mga labi mo....ang gwapo mo pa rin. Pero bakit naman ginawa mo yan sa mata mo? Kunsabagay, gustong-gusto ko ang singkit na mga mata kaya lang, mas gusto ko na yung dating mata mo, nakakainis, akala ko malilibang akong panoorin kang matulog. Kaya lang nawalan ako ng gana nung dumilat ka." Ang dami niyang sinasabi,hindi ko maintindihan. Nakatulog pala ako. Gaano katagal kaya? Ibig sabihin, pinanonood niya lang ako habang natutulog?!

Hindi na muna ako nag-isip. Mas pinakikinggan ko na lang yung tinig niya. Saan ko ba yun narinig? Kailan? Saan ko ba siya nakita? Nakasama ko ba siya dati? Saan? Kailan? Sino siya? Parang kilala ko ang tinig niya pero parang  may kakaiba. Parang may nagbago.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Para kasing kakaiba. Malinaw nga ang paningin ko, pero may part na malabo.

"Wag mo ng pagtuonan ng pansin ang bagay na yan, sasabihin ko na para hindi na magasgasan pa ang lumiliit mong utak. Baka hindi ka na tuluyang makapag-isip niyan." Hindi ko talaga siya maaninag kaya nakinig na lang ako. Wala din naman akong ibang magagawa eh. "Inilagay kita sa loob ng water ball, kaya malabo ang paningin mo sa labas nito. Pero may hangin naman yan kaya nakakahinga ka. Wag kang mag-alala, hindi kita papatayin. Ang totoo, inililigtas pa nga kita eh."

"Sino ka ba? At ano ang kailangan mo sa akin?" Tinawanan niya lang ang tanong ko. Hindi ko alam kung interesado siyang sagutin yun. Yung tawa niyang yun, pamilyar  din sa akin. Pero bakit parang hindi ko maalala?

"Bakit ko naman sasagutin ang mga bagay na alam mo na? Ibahin na lang natin ang usapan ha, ilang beses na kitang iniligtas pero sobrang kulit mo talaga, pasok ka pa rin ng pasok sa mga gulo na hindi ka naman kasama. Kaya hayan tuloy, nahihirapan ka. Hindi kita laging mababantayan, baka nga ito na ang huling maililigtas kita. Kaya nga, ikinulong kita diyan sa kinalalagyan mo para hindi ka na makaalis pa, pinamanhid ko ang buong katawan mo para wala kang magagawa kundi ang maghintay."

Kaya pala! Kaya pala kanina ko pa iginagalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa. Kahit yung talukap ng mata ko, gusto na ring bumagsak. Sinadya niya pala. "Bakit? Bakit mo ako iniligatas at saan? Kailan? Paano?"

"Ang dami mong tanong basta, sa lahat ng oras iniligtas kita lalo na nung nasa loob ka ng portal kung saan naging dalawa ang lagusan palabas, pinaliit ko yung isa para dun ka pumasok sa kabila pero nagpumilit ka pa rin. Masyado kang makulit!" Siya pala ang may gawa ng lahat ng yun.

"Bakit?!"

"Yan ang bagay na hindi ko pa masasagot sa ngayon. Pero kung gusto mong malaman ang dahilan ko, ikaw na ang mag-isip, matalino ka naman di ba? Diyan ka magaling eh. Ang sagutin ang mga tanong mo. Pero bibigyan kita ng konting clue; katulad ng sinabi niya sa'yo.....gamitin mo ang mga mata mo.......hindi lahat ng bagay ay nasasagot ng isipan, minsan kapag pinilit mo napupunta ka pa sa malayo at tuluyang naliligaw samantalang ang kasagutan nasa harap mo lang, isang tingin lang...." tumayo na siya. Binabalak na niyang umalis. "Masyado na akong nagtagal dito, kailangan ko ng umalis. Marami akong inaasikaso ehh, pasensya na,  hindi kita maaasikaso ngayon. Marami sana akong gustong sabihin pa kaya lang masyadong mahaba ang naging tulog mo, naubos na ang oras ko."

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon