Episode 27

146 6 10
                                    

Emilee's POV

"Papa???..."

Hindi ordinaryong mga halimaw ang nakasanib kay papa. Mahihirapan kaming paalisin ang mga 'yon o baka nga hindi namin magawa. Kasalanan ko 'to, kung sana nakarating ako agad para sunduin siya n'ong oras na 'yon sana hindi ganito ngayon.

"Papa!..."

Kahit anong pagtawag ko sa kanya hindi pa rin niya ako pinapansin. Kahit sulyap man lang hindi niya ginawa para sa akin. Kay mama Arah lang nakatuon ang atensyon niya. Nararamdaman ko ang kagustuhan ng mga halimaw na nakasanib sa katawan ni papa na makuha si mama. Nakahanda naman kaming protektahan si mama habang wala pa siyang malay pero hindi ko alam kung magagawa naming pigilan ang mga halimaw na ito.

Pagpasok pa lang niya sa loob ng bahay ay winasak na ng kapangyarihang taglay ng mga halimaw ang mga kasangkapang babasagin. Sa bawat sambit ni papa sa pangalan ni mama ay nasisira ang mga gamit. Nababasag ang mga at pumuputok ang mga babasagin sa lakas ng impact ng kapangyarihan ng halimaw kahit tinig lang ang ginagamit niya. Nasa loob kami ng kwarto nilagyan kasi ni Tomoki ng water shield ang lugar para hindi makalapit si papa samantalang si Gab naman ay nasa sala, nakaabang siya at naghihintay ng tamang tyempo sa pagsugod sa halimaw.

"May alam ba kayong makakapagpaalis sa mga halimaw na 'yon sa katawan ni papa?" Tanong ko sa dalawang kasama ko. Inilabas ni Tomoki 'yung sword ni Gab. "Balak mong patayin ang papa ko?" Galit kong sabi sa kanya.

"Sa blackhole at sa halimaw na hindi nakasanib sa tao lang p'wedeng gamitin ang sword na 'yan." Saad ni Gab.

"Gan'on? Eh kung, spell kaya? Orasyon? Dasal? 'Yung ginagawa ng mga expert sa paranormal?" Tanong ni Tomoki kay Gab.

"Hindi rin 'yun p'wede. Tatawanan lang tayo n'yan. Mga halimaw sila sa underground, hindi sila namamatay naikukulong lang sila at naibabalik sa underground. Kapag natatamaan sila sword naglalaho lang sila at bumabalik sa underground pero kapag nakasanib sa tao wala tayong magagawa, makakaapekto 'yon sa katawan ng tao, masasaktan siya o kaya ikamamatay niya. Totoong espada 'yan, nakakasakit, nakakamatay." Sagot ni Gab. "Spell...susubukan ko ang spell." Naglagay si Tomoki ng mga spiritual spell letters na tila nakaguhit sa semento ng pabilog. "Kailangan natin siyang maipasok dito." Sabi niya sa amin.

"Okay." Biglang sinugod ni Tomoki si papa para  itulak palapit sa ginawa ni Gab. Isang malakas na sipa ang pinakawalan niya pero hindi man lang natinag si papa kahit hindi ordinaryong tira ang ginawa ni Tomoki. Nalipat tuloy sa kanya ang atensyon ng halimaw. Ginantihan siya nito ng isang sipa rin at tumilapon si Tomoki bumangga siya sa pader ng bahay.

Napansin kong hindi nag-iisip 'yung mga halimaw parang may sinusunod lang silang utos mula sa kung sino. Ginagaqa niya lang kasi ay alisin ang hadlang sa kailangan niyang gawin at pagkatapos ay muling ibinabaling niya kay mama at atensyon niya. "Arah...Arah..." Sinambit na naman niya ang pangalan ni mama, naninilisil ang kanyang mga mata at namumula pa.

Inihanda ko ang sarili ko sa kung sakaling makarating siya sa pwesto ko, hindi niya p'wedeng makuha si mama. Hindi ako papayag!

Ilang hakbang ba ang ginawa niya nang bigla siyang natigilan. Nakita kong nasa likuran niya pala si Gab at parang dinudukot niya ang mga halimaw para ilabas sa katawan ni papa.

Nagagalit ang mga halimaw sa ginagawa ni Gab sa kanila, paiba-iba ang aura na nararadaman ko sa kanila, iba-iba rin ang antas ng kapangyarihan ng mga 'yon. Nakipaglaban ang mga halimaw kay Gab, gumagamit din si Gab iba pang spell para magtagumpay hanggang sa may nakuha siyang isa. Kinuha naman ni Tomoki ang pagkakataong balisa ang mga halimaw  na nasa loob ng katawan papa, muli niyang sinipa si papa ng paulit-ulit hanggang sa makapasok sa loob ng spell na ginawa ni Gab.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon