Episode 04 (Edited)

451 25 6
                                    

This epiaode is dedicated to: @crushernel

-thankyou for always reading my works, hope you enjoy and like it-

proceed........

******************************

Third Person's POV

"Hanggang ngayon wala ka pa ring kadala-dala? Hindi mo pa rin natatanggap na hindi mo ako kayang talunin? Ilang taon na ang nakakaraan, kinamatayan ko na ang labang yan, nakakasawa na." Nayayamot na tugon ni Ayessha.

"Marami pa akong ituturo sa'yo. At marami din akong ipapaalala ulit. Dahi napakarami mong nakalimutan" bakas sa mukha ni Jullienne na nais niyang makaharap ang kausap dahil isang bagay. Isang rason na hindi niya kayang ipagsawalang bahala lang.

"Wala na akong panahon sa mga drama. Wala na akong luhang papatak pa, kaibigan ko." Iniunat ni Ayessha ang kamay niya at itinuro si Euphorbia pagdaka'y inilipat sa isa pang Euphorbia. "Kayong dalawa-------pagsasabayin ko kayo!" Sumugod siya ng mabilis subalit mas mabilis ding naiharang ni Jullienne ang sarili para pigilan siya.

"Sa akin ka!" Sigaw niya. "EMILEE!!!" Tawag pa niya.

"PWEDE KITANG ISABAY SA KANILA KAYA WAG KANG INGGETERA! WAG KA NG MAGHANAP PA NG KAKAMPI DAHIL WALA DIN SIYANG MAGAGAWA!" Sumugod ulit si Ayessha subalit....

"Opo!" Tugon ni Emilee sa pagtawag ni Jullienne, tutuparin niya ang isang kahilingan ni Jullienne dahil sa natalo siya sa laro nilang chess, na sa totoo lang naman ay talagang nagpatalo siya dito. At ngayon, oras na para ibigay ang gantimpla. Ikinulong ni Emilee ang kanyang ina sa kanina pang nakaabang na dimension kasama si Jullienne, na ginawa niyang invisible para di malaman ng iba. At tulad ng plano ni Jullienne, sa loob sila maglalabang dalawa ni Ayessha.

"Pfft! So, sabwatan ganun?!" Naiinis na sabi ni Ayessha. "At ngayon tayo na lang dalawa...." pinasayaw pa ni Ayessha ang mahaba niyang buhok sa hangin, "tatapusin ko ito ng madali para makabalik agad. Isang kisap mata ka lang, matalik kong kaibigan!" Mabilis niyang sinugod si Jullienne, magpapakawala sana siya ng apoy subalit, walang lumabas. Huminto na lang siya at nag-isip sandali. "Tss! Natutunan niya na rin itong gawin?!" Pagtutukoy niya sa kanyang anak. Ilang sandali pa lang niyang tinuruan si Emilee sa paggawa ng dimension pero ang dimension na pumipigil sa isang nilalang na gumamit ng kapangyarihan ay nabuo na rin niya kahit hindi naman niya itinuro. Isang perpektong dimension para sa mga espesyal na nilalang upang pansamantalang maranasan ang pagiging normal.

"Anong nangyari sa'yo?! Hindi ka naman ganyan dati......bhesie???" Anang Jullienne. Bahagyang nagulat si Ayessha ng marining ang daging tawagan nila noon nung nabubuhay pa siya pero matapos yun tinawanan niya na lang yun ng malakas.

"Bhesie?! AHAHAHAHAHAHAHA hanggang ngayon, di ka pa rin nakakapagmove on?! Matagal ng patay ang bestfriend mo, Jullienne..."

"Ikaw pa rin yan, kahit ano pa ang sabihin mo, gusto komg malaman, anong nangyari sayo? Bakit ka nagkaganyan?! Yung mabait, mapagmahal, at makatarungan kong BESTFRIEND??? Anong nangyari sa kanya???" Nagsimulang tumulo ang luha mga mata ni Jullienne. Hinahanap niya ang dating Ayessha na nakilala niya. Ang Ayesshang itinuring niyang kapatid.

"Anong nangyari sa kanya?! Hayun! Naging pataba sa ilalim ng lupa.....kunin mo at ilagay mo sa mga halaman mo sa garden sigurado ako, lulusog sila."

"Ayessha!!! Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo?! Bakit ayaw mo pang manahimik?! Magpahinga?! Hayaan mo na sila. Hindi ka ba nagsasasawa? Hindi ka ba napapagod? Ano bang mapapala mo sa ginagawa mo?!"

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon