Episode 18 (Edited)

262 16 14
                                    

This episode is dedicated to:@Paulana
Hi bebeh, sana magustuhan mo ito ^_^

Proceed..........

******************
Still Emilee's POV

Agad akong lumabas ng dimension upang puntahan si Mama. Naglalaro kasi sa isip ko na may nagyaring masama sa kanya o sa totoong mundo. Bigla na lang akong kinabahan nung sandaling kinausap niya ako, para kasing may mali. Para bang wala siya sa bahay samantalang si Tomoki ang nagsabi sa aking iuuwi niya si Mama. Hindi ko rin kasi alam kung ilang araw na ako sa loob ng dinension. Naging palipasan ko na kasi ng araw ang lugar na yun sa tuwing malungkot ako, nag-iisip o nababahala. Kahit pa pinagbawalan nila akong huwag ng gamitin o pumunta dun hindi ko mapigilan ang sarili kong magtago dun. Mula pa dati, kay Mama Ayessha pa, ang dimension na ang tila naging kakampi ko sa lahat ng oras. At nung sandaling kinontak ako ni Mama Arah, sa mismong loob ng dimension, parang may mali na. Paanong napunta siya sa gaanong lugar. Yung nakita kong lugar na kinaroroonan niya na para bang paraiso, paraisong sa mga fantasy ko lang nakikita, alam kong may mali na.

Ano naman ang gagawin niya dun?

At paano niya akong nakontak sa dimension?

Baka may nangyari ng masama sa bahay.

At dahil sa pagmamadali ko, para bang mas tumagal pa ang paglalakbay ko. Sa dami rin kasi ng iniisip ko, nakalimutan kong magteleport, ginamit ko ang mismong dimension para makarating agad ako sa kwarto namin. At pagkalitaw ko, si mama ang agad na bumungad sa akin. Nakahiga siya sa kama. Para bang normal lang siyang natutulog sa paningin ng normal na tao. Pero sa akin, kitang-kitang ko ngayon ng malinaw na sinakop na ng thread ang puso niya.

Nakikita ko ng malinaw. Na kahit hindi ko aninagin ay parang ipinapakita iyon sa akin na para bang mas bigyan ko ito ng mas higit na atensyon. Hindi ko mapigilan ang muling pagtulo ng mga luha ko. Ang makita siya sa ganoong kalagayan, at maisip kong ako ang siyang may kagagawan nun, kumikirot ang puso ko. Hindi ko magawang lumapit sa kanya. Nagagalit ako sa sarili ko. Iniangat ko ang kamay ko at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa sa aking pisngi, at muli kong nakita ang thread na nakagapos doon. Mabilis kong ikinubli ang kamay ko sa aking likod. Kung magagawa ko lang na putulin ang sarili kong kamay, kung sana ay matatapos dun ang lahat, kanina ko pa sana ginawa yun. Pero alam kong hindi yun ng sagot sa problema.

Pumasok muli sa isip ko ang mga sinabi ni Mama sa akin sa dimension,

Matapang daw ako. At matalino. Maparaan.

Pero bakit parang hindi ko makita sa sarili ko ang mga katangiang yun, nangingibabaw pa rin sa akin ang galit sa sarili ko. Hindi ako makapaniwalang nakapagdesisyon ako ng isang bagay na pagsisisihan ko. Hindi kaya tama si Mama Ayessha sa sinabi noon?

Flashback

Tinupad ni Tita Arah ang pangako niya sa akin na maibalik si Mama upang makausap ko kahit sa huling sandali. Mula sa underground, iniuwi niya si Mama na isa ng bihag. Kahit pa halos ibuwis niya ang buhay para sa kahilingan ko. Kitang-kita ko ang hirap ni Tita Arah, bakas sa kanyang katawan, katawan na ginagamit ni Papa ngayon. Kahit wala ako dun, parang alam ko na kung gaano kawalang-puso ang ginawa ni Mama sa kanila. At para sa akin na anak niya, labis ko yun ikinahihiya.

Iniwan kami ni Tita Arah upang makapag-usap.

Sa itsura ni Mama, ayaw niya akong makausap. Ni hindi siya kumukurap. Titig na titig siya sa akin. Yung titig na para bang sinsabi niyang sa huli siya pa rin ang nagwagi. Ang inaasahan ko, makita ko sa mukha niya o kahit sa mga mata niya na lubos siyang nagsisisi para sa akin. Kahit para man lang sa akin. Humingi siya ng kapatawaran, at para sa akin, mag-iwan man lang sana siya ng isang magandang alaala.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon