Episode 09 (Edited)

406 22 14
                                    

This episode is dedicated to: @ArleneKusano

-thankyou for always reading and voting the updates. You made me happy by doing that. Thankyou so much, its really mean to me. Enjoy reading.-

proceed...........

****************************
Arah's POV

Maaga akong nagsara ng shop para magkausap kami ng binatilyong ito ng masinsinan. Sinabihan ko din si Emilee na tumuloy na lang sa bahay pagkatapos niya sa school.

Nagtitimpla ako ng hot chocolate habang naghihintay si Tomoki sa sala. Mga ilang minuto din, lumabas na akong dala ang merienda, hot chocolate at ensaymada na namumutakti sa cheese. Hmmmm sarap sarap. "Magmerienda ka muna para may lakas ka, mukha kasing madami kang kailangang sabihin sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Salamat po.''

Hinayaan ko muna siyang humigop ng chocolate. Pinagmasdan ko siyang mabuti, as in mula ulo hanggang paa. Hinanapan ko talaga siya ng palatandaan na siya si Tomoki, pero di ko nga pala malalaman kasi di ko nga pala ganun kakilala si Tomoki dito, pero ayun sa aura nila magkatugma talaga. Syempre, kaya pala yung naramdaman ko nung una ko siyang makita na nagbibisekleta sa ere ganun na lang yung aura na naramdaman ko, tulad nung kay Tomoking cute nga. Infairness, ang cute na bata pag lumaki gwapo o maganda talaga, "Siya nga pala, bakit palagi mo akong pinagmamasdan mula sa malayo?" Bungad ko. Halos mapaso siya sa tanong ko. Di ko alam kung nabigla siya o kinabahan. Palagay ko pareho kasi yung tibok ng puso niya parang dinaanan ng daan-daang kabayo na tumatakbo. Kanina lang naglalakad yung mga kabayong yun.

"Ah, kasi po.....ang totoo po niyan, gusto ko po talaga kayong makausap."

"Tungkol sa?....."

"Ibinilin po sa akin ni guro na puntahan ka at sabihin sa'yo ang magiging lagay ng mundo sa hinaharap" curious na ako sa sinasabi niyang lagay ng hinaharap na yan. Kanina pa siyang umaga ha. Isa pa, gusto ko talagang malaman. Kapag hindi ako nakontento sa sagot niya, ako na mismo ang pupunta sa panahng yun.

"Bakit?! Ano ba ang magiging lagay ng hinaharap?" Emphasizing the word "hinaharap". Nakapagtataka lang, sa dami ng may third eye sa mundo ako pa talaga ang napili ng guro niya na pagsabihan nun!? "Ano naman ang magagawa ko sa hinaharap eh hindi ko naman yun panahon? Ikaw ang tagaroon, eh di ikaw ang mag-ayos dun." Sabi ko.

"Hindi po maaari, kasi ang hinaharap ay karugtong ng ngayon at ang ngayon ay karugtong ng kahapon. Kapag nagkaproblema ang hinaharap yun ay dahil sa may nangyayaring hindi maganda sa kasalukuyan" paliwanag niya.

"Hmmm, so....ano yun?! Wala kasi akong nakikitang kakaiba sa ngayon" na matindi hah, maliban dun sa bumabagal ang pag-ikot ng mundo at dun sa muntik ng magbukas ang blackhole kanina. "Hindi kaya, nagkakaroon ng pagbabago dahil nandito ka?"

Bahagya siyang nabigya sa tanong ko, di niya tuloy nakagat yung ensaymada na madaming madaming madaming cheese, parang buong cheese na nga ang itsura nun eh, "Hindi po. Wala po kasing nangyayaring ganito sa mundo noong nilandas ko ang buhay niya. Kaya nagtataka po ako. At isa pa, hindi po yun ang ibinilin ni Guro sa akin na sabihin sa inyo." Hmmm, the word "nilandas". Ang mga taong may kakayahan o may third eye ay may tatlong sarili, the past self na siyang pinagmulan o ugat ng sarili niya, present self kung saan siya naman ang naglalakbay ng buhay na siyang magiging nakaraan na matatala sa aklat niya ng buhay, and the future self kung saan siya naman ang tagagawa ng landas na magiging idea ng isang tao, dahil sa buhay na binubuo ng future self natatanaw ng present self ang kanyang bukas at natututo siyang mangarap sa kung ano ang bukas niya. At ngayon.....kaharap at kausap ko ang isang future self....na dapat ay wala dito ngayon.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon