Episode 11 (Edited)

338 22 29
                                    

This episode is dedicated to:@KokakFroglet

-natagpuan ko na naman ang bago kong apo. Welcome sa imagination ko, kung saan ako nakatira at ngayon magdecide ka kung willing kang sumama. Pwede ka rin namang mamasyal paminsan-minsan. Just enjoy and be happy, wink wink wink.-

*ang agang blessing nito ngayong umaga-------salamat po.*

Proceed...........

**********************
Emilee's POV

Pagkarating ko sa shop naabutan ko si Tomoki na nakikipagkwentuhan kay Mama. Parang close na close na sila, grabe lang magtawanan itong dalawang ito. Bakit ba nandito ang feelingerong ito?! Nakakainis!! Tinakasan ko na nga tapos dito pa talaga siya nagpunta!!! Ibinagsak ko yung bag ko sa upuan para matigilan sila sa kwentuhan nila.

"Oh, hi. Ang tagal mo naman saan ka ba galing?" Nagtanong pa talaga siya na para bang pinaghintay ko talaga siya ng pagkatagal-tagal.

"Bakit ka nandito?!" Nanggigil kong tanong.

"Ah, dinadalaw ko si Tita Arah. Bakit ang tagal mo?" Tanong niya ulit.

"Wala kang pakialam!" Sagot ko.

"Tigilan niyo na nga yan, kumain na lang tayo." Sabi ni Mama at nagsimula na siyang magready ng pagkain. Naupo ako sa katapat nung inuupuan niya at tiningnan ko siya na para bang pinapaalis ko na siya pero kinindatan lang ako ng bwisit na ito. Kaya sinipa ko na lang yung paa niyang gagalaw-galaw sa ilalaim ng mesa.

"Aww!" Angal niya sabay hilot sa paa niya.

"Umalis ka na!" Mahina kong sabi pero madiin.

"Inimbitahan ako na dito kumain ng lunch.....bakit ba?" Nakasimangot niyang sabi.

"Wala akong pakialam! Basta alis na!" Binelatan niya ako, sisipin ko sana siya pero dumating na Mama na may dalang pagkain.

"Emilee, pakikuha yung mga plato" utos ni Mama, sumunod ako at tapos ay nadinig kong nagsalita si Tomoki.

"Ako na po ang kukuha ng tubig na inumin" tapos nakita ko na lang siyang nakatingin sa akin habang kumukuha ng tubig sa fridge. May diperensya siguro ang mata niya. Panay kasi galaw, hindi naman yun kindat kasi hindi naman bagay. Sabay kaming bumalik sa mesa at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ako habang kumakain.

"Kayong dalawa," tukoy ni Mama sa amin, "Magmula ngayon, wag na kayo masyadong gagamit ng powers ha! Matuto kayong mamuhay na normal. Ikaw Emilee, malaki ka na, matalino ka kaya dapat mag-isip ka, iayos mo ang buhay mo, akala mo ba hindi ko alam kung saan saan ka nagpupunta? Wag ka ng gagamit ng dimension para lang tumakas." Hindi na lang ako sumagot, kasi naman, yung isa lang naman diyan ang tinatakasan ko ayy. Tiningnan ko ulit si Tomoki ng masama, pero tuloy lang siya sa pagkain. "Saan ka nga ulit nakatirang bata ka?" Baling ni Mama kay Tomoki.

"Sa Japan po." Walang kaabog-abog niyang sagot.

"Mahusay ka, mahusay kang magpatawa. Pwede ka ng maging komedyante." Sabi ni Mama, "yung totoo?"

"Huh?! Pero hindi po ako nagbibiro. Talagang sa Japan po ako nakatira. Nagpupunta po ako dito para makita ko si Emilee." Nabulunan ako sa narinig, gusto kong tumawa. Nakakatawa talaga ang kalokohan niya.

"Bakit mo naman siya gustong makita, eh ang layo-layo mo? Saka paano mo siya nakilala?! Bakit marunong ka magtagalog na parang indi ka naman Japanese?" Seryosong tanong ni Mama.

"Ahh, hehe" napakamot na lang ng ulo si Tomoki sa dami ng tanong ni Mama sa kanya, "kasi po....nakita ko po siya dati habang nagliliwaliw ako, yun po. Tapos nag-aral ako magtagalog, nanonood ako sa You Tube, nagbabasa ako ng mga libro at minsan naggogoogle po."

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon