Episode 26

65 5 2
                                    

Third Person's POV

Tiningnan niya ang kristal sa kanyang mga kamay. Nagliliwanag ito at nakakaakit pagmasdan. May lungkot ang kanyang mga mata ngunit may kakaibang ngiti sa kanyang mga labi. Matapos ang isang malalim na buntong-hininga ay muli niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa malaking tila bintana kung saan nakikita niya mula doon ang mga kaganapan sa mundo. Muli niyang tinapunan ng kaunting pansin si Shean. Naningkit ang kanyang mga mata na tila ba may kung anong kinaiinisan sa taong iyon. Maayos naman lahat sa mundo, naayon naman sa kanyang mga plano, subalit may naglalaro sa isipan niya na kanyang ikinakabahala. "Normal na tao lang siya pero bakit gan'on na lang ang ikinilos ni Tomoki kanina? Ano'ng naganap sa pagitan nila na hindi ko nakita?" Malalim niyang tanong sa sarili. "Hindi na bale. Hindi ka naman magiging hadlang sa mga pinaplano ko kahit pa nabubuksan na anh third eye mo. Wala ka naman magagawa. Saka, itinapon ko na siya (pagtutukoy kay Jullienne) sa kawalan. Wala ka naman kakayahan para ibalik siya."

Anumang napag-usapan nina Gab at Shean ay hindi niya nasaksihan sapagkat hinadlangan iyon ng kapangyarihan ni Jullienne subalit kahit batid niyang may napag-usapan nga ang dalawa tiwala siyang wala itong magagawa laban sa kanya.

Sinulyapan rin niya ang iba pang kaganapan sa mundo at sa mga taong nasa ilalim ng kanyang mga kamay. Huminto ang kanyang paningin sa isang tao, biglang nag-iba ang aura niya. Ang kaninang mahinahon ay napalitan ng galit at pagkasuklam. Nagkuyom ang kanyang kanyang kanang palad upang mailabas dito ang matinding galit na kanyang nararamdaman sa kanya.

"Eu---phor----bia..." Usal niya habang pinagmamasdan si Arah na naglalakad at nakikipagkwentuhan kay Tomoki. "Nasasabik na akong makaharap ka. Konting-konti na lang. Ang buhay kong winasak mo pagbabayaran mo ng husto. Akala mo ba ang lahat magiging madali lang para sa 'yo? Nagkakamali ka. Dahil hangga't naririto ako hindi ka magiging masaya! Hindi ako papayag! Kinukuha mo ang buhay na dapat ay sa akin! Malapit na tayong magkaharap at sana 'wag mo akong bibiguin. Gusto kong makita sa aking mga mata kung gaano ka kahusay. Matalino ka bang talaga? Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin nalalamang ako 'to? Na sa simula pa lang ako na ang mahigpit mong kaaway? Ngayon pa lang ako magsisimula ng aking ganti! Ibabalik kita sa dapat mong kalagyan! Hindi ka na dapat nabubuhay ngayon! Pero hindi ko hahayaang mamamatay ka ng gan'on lang. Gusto kong mabuhay ka magpakailanman upang maranasan mo ang hirap ng paulit-ulit na nawawalan!"

Bakas sa kanyang mga mata ang matinding galit na tila naipon ng mahabang panahon. Galit at paghihiganting pinipigilan pa niyang kumawala. "Hindi pa panahon subalit kaunti na lang ang aking hihintayin." Tiningnan niya ang mahiwagang sinulid na bumabalot sa mundo. Kaunti na lang at malapit nang masakop ng kapangyarihan ng sinulid ang buong mundo. Bagay na kanyang pinakahihintay sapagkat sa sandaling iyon ang lahat ay nasa kanya ng mga kamay.

Ikinumpas niya ang kanyang kanang kamay at kumunektà ito sa kamay ni Emilee na balot ng sinulid.

Napahinto naman si Emilee nang makita niyang may kumukontrol muli sa kapangyarihan niya.

Nakita niyang lumiwanag ang sinulid at alam niyang kumunekta ito kay Arah. Nakita niyang nahihigit ang sinulid na nakagapos sa puso ni Arah. Nagmadali siyang tunguhin ang ina.

Samantala, napahinto si Arah sa paglalakad nang maramdaman niyang sumasakit na naman ang puso niya. Tiniis niya lang iyon subalit hindi niya rin nakayanan. Bumagsak siya at nawalan ng malay-tao.

"Higit pa 'yan sa sakit na nararamdaman ko. Pasalamat ka nahihimatay ka lang samantalang ako patuloy na nagdurusa!" Saad niya na may matinding poot. "Pero 'wag kang mag-alala mararanasan mo na rin ang ganti ko! Malapit na."

Gab's POV

Pinuntahan ko ang lugar kung saan ay naramdaman namin ni Emilee na may makakalaban si Tita Arah pero pagdating ko wala na sila dito. Hinanap ko ang aura nila para masundan ko. Makalipas ang ilang segundo naramdaman kong biglang humina ang aura ni Tita Arah hanggang sa tuluyang nawala ito. Buti na lang nasasagap ko ang aura ni Tomoki 'yung ako sa panahong 'to at saka si Emilee na magkasama na sila. Nagmadali akong tinungo ang kinaroroonan nila. Pagdating ko sa lugar nakita kong pinagtutulungan nina Emilee at Tomoki si Tita Arah na ipasok sa loob ng bahay. Hindi na muna ako nagtanong tinulungan ko na sila sa pagpasok kay Tita Arah sabloob ng bahay gamit ang kapangyarihan ko. Pinagaan ko ang bigat ni Tita Arah para mabuhat nila ng maayos.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon