Episode 06 (Edited)

549 23 6
                                    

This episode is dedicated to:@seale21

-ang ate ko sa wattpad hihihi; ang saya ko naman may ate na ako-

Note: sa episode po na ito, magsisimula na ang mga flashbacks. Pero baka po magulat kayo, na yung flashback ay hindi talaga flashback from previous book ha. Ayoko po kasi magtype ng natype ko na o magkwento ng nakwento ko na; alam ko namang ayaw niyo ring magbasa ng nabasa na haha....di ba? Actually, magpatiuna na po ako ha, yung mga flashback po sa story dito ay yung mga continuation nung mga hindi natapos na kwento dun sa last book. Lahat po ng mga naiwan o nabitin, malalaman niyo na po, mula dito sa episodes na ito......have a happy reading mga apo.

Proceed.......

****************

Makalipas ang ilang buwan.......

August, 2014

Arah's POV

"Ma! Matagal pa po ba kayo?" sigaw ni Emilee mula sa labas ng bahay namin, alam kong kanina pa siya nag-hihintay dun at inip na inip na siya. Ang aga niya kasing gumayak, para pumasok sa school ngayon, at hindi ko alam kung excited siya o gusto niya lang talagang maagang makapasok. Ang lapit lapit lang naman ng school nila, dalawang kanto lang, tapos nagmamamadali!

Hanu ba itong batang ito?? Parang may katagpo sa ilalim ng puno ng balite.

"Andiyan na!" sagot ko. Lumabas na rin ako matapos kong makapagpulbos. "Ang aga aga pa kaya, bakit ba nagmamadali ka?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Hindi na maipinta yung mukha niya ganun ko na ba siya katagal pinaghintay para sumimangot siya? "Ayy, tingnan mo nga kung pantay ang pulbos ko." Tanong ko bago kami umalis. "Hindi kaya ako gaanong nakapagpulbos ng mabuti, ikaw kasi nagmamadali eh."

Hindi man lang ako sinagot ng loka-lokang ito! Insecure ba siya sa kagandahan ko? Mhayghad!! "Monday po ngayon, at may flag ceremony." Seryoso niyang sagot nung nakailang hakbang na kami na hindi ko man lang kakikitaan ng konting pagkatuwa ang mukha niya. Sa itsura niya para lang siyang napipilitang pumasok sa school dahil kailangan lang sa buhay. Para lang magkaroon ng magandang trabaho in the future. Hindi katulad ng ibang estudyante na kaedad niya na tuwang-tuwa sa first day. Eh kasi nga naman, bago ang lahat. Mga gamit sa school, classmates, teachers, sorroundings.

Hayy, si Emilee, hindi na nga siya bata, para siyang dalaginding na nasa katawan ng isang bata.

"Wag ka kaya magmadali, ang bilis lang maglakad? May katagpo ka ba?!" Sabi ko, hindi lang siya mabilis maglakad grabe pa kung hatakin trolly bag niya, kulang na lang mabungkal yung semento. "gusto mo ako na ang magdala ng bag mo?" tanong ko habang naglalakad kami patapik-tapik pa ako sa balikat niya. Para kasing hirap na hirap siya sa paghila ng trolly niya, mali! Nahihirapan siyang kaladkarin yun hahaha. "Para kasing mas malaki pa sa'yo yung bag mo. Yung tatay mo kasi, hindi alam kung anong klaseng gamit ang babagay sa'yo. Kung kasama akong namili niyan, hindi yan trolly, lady bag." Sabi ko pa.

"Ma!" Saway niya sa akin.

"Sorry, biro lang yun. Kaw naman, masyadong seryoso. Para maliit na bagay lang naman." ang seryoso niya talaga!

Ilang buwan na nga ba buhat ng sunduin niya ako sa Mount. Makiling? Ah! mga apat na buwan na rin pala ang nakakalipas, at marami na ang nagbago sa buhay namin mula noon. Isa na dun ang pagtira niya sa apartment ko, na mula nung wala ako dun ay talagang dun pala sila tumira ng tatay niyang ugok. Sa mababaw na dahilan, nagbabakasakaling bumalik ako dun, atleast daw may aabutan ako. Hmmmmm, kahit maabutan ko sila dun, palalayasin ko naman sila hahahahaha.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon