Episode 13 (Edited)

317 21 16
                                    

This episode is dedicated to: @TheLostAngelOfMyLife

-salamat sa pagbasa ng stories ko ha, kahit nagkakaproblema ka sa gadget go ka pa rin. Kaya pa yan, tiwala lang hihihi-

*-* Voting is my happiness; Commenting is a world to me; and following leads me to my dream. *-*

Proceed.........

********************
Tomoki Gabriel's POV (the fifteen year old one)

Ang isa sa dalawang liwanag na yun ay ang lagusan na dapat kong labasan para makapunta ako sa present. Pero bakit dalawa?! Kaya kailangan kong kontakin si Emilee para malaman ko kung alin sa lagusang ito ang lugar na kinaroroonan nila.

Ba't ang gulo-gulo mo? Ang sakit sakit na ng utak ko sa ginagawa mong pagkontak sa akin ayy, please lang tigilan mo na. Nakasarado na nga ang third eye ko,natetelepathy mo pa rin ako.

Sa wakas sinagot din ni Emilee ang pagtelepathy ko sa kanya. Kaya pala ilang beses ko na siyang kinukontak laging bumabalik sa akin. Buti na lang naisipan kong i-connect mismo sa loob ng utak niya para mas mapadali. Pero bakit kaya siya nagsara ng third eye? Sa pagkakaalam ko, hindi naman niya yun ugali eh. Kahit gaano ako kakulit sa panahong yun, hindi siya nagsasara ng third eye. May nangyari kaya?

Ako ito. Yung nakita mo sa dimensyon.

Pakilala ko.

Alam ko.

Hehe...alam pala!

Kailangan kong makapasok--sa panahong yan, tulungan mo akong makapasok, please.

Umaasa akong tutulungan niya ako.

Pakialam ko ba sa'yo. Hindi naman kita close eh.

Halu! Kailangan ba close lang ang tinutulungan?

Tsaka ano ba ang sinsabi mong tulungan kitang makapsok?!
Hoy! May balak ka bang pumasok sa silid ko!?

Wah! Yun agad ang nasa isip niya!!!!? Grabe talaga mag-isip, masyadong advance ang utak ng babaeng 'to! Kwarto agad??? Di ba pwedeng sala muna hahaha.

-Hindi ah! Hindi lang ako makaalis sa loob ng portal.

-Ang gulo mo ha. Diyan ka na lang kasi! Diyan ka na tumira.

-Wag naman! Sige na please....dalawang kasi ang lagusan na maaari kong labasan kaya nalilito ako kung alin ang tama. Itaas mo ang kapangyarihan mo para madetect ko ang kinaroroonan mo.

Ilang minuto siyang hindi sumagot. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Hindi ko siya masisi....hindi naman niya kasi ako kilala eh.

Nandiyan ka pa ba?

Tinanong ko siya ulit, baka kasi maisipan niyang iwan ako. Ayokong bumalik sa panahon ko, nakakapangilabot. Ako na lang ang natitirang buhay. Tsaka, kailangan kong gumawa ng paraan para mabago ang lahat. Ang totoo, hindi ko alam kung papaano ko gagawin. Ang hawak ko lang kasi ay ang buhay na tinahak ko. Yun lang ang kaya kong baguhin. Kung yung kasaysayan, hindi ko alam kung paano. Kailangan kong makita at makausap si Guro. Sa present.

Hindi ko alam kung nasaan ka, hindi kita madetect.

Sa wakas sumagot siya ulit.

Itaas mo lang ang kapangyarihan mo at ako na ang bahala.

Hinintay kong gawin niya yun, sa loob ng time dimension, walang oras. Nakahinto lang ang lahat. Ni hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito.

Gaano ba kataas ang gusto mo? Nakatodo na kaya ang powers ko.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon