Episode 14 (Edited)

124 7 0
                                    

This episode is dedicated to: @AizaYamagishi

-thankyou so much for always supporting and voting every chapter of all my works; I really appreciate it soooo muuuuuch! Hugs hugs -

Proceed..........

******************

Emilee's POV

Sa utos ni gwapong cute mabilis kong pinuntahan si Tomoki para kunin yung espada niya. Bakit ba kasi binigay niya dun sa makulit na yun?! Bakit kaya sila magkakilala?! Ano kaya koneksyon nila?! Nakakainis pa, di ko pa natanong yung pangalan niya. At teka, nasaan ba si Tomoki? Saan ko nga ba siya pupuntahan? Bigla kong naalala yung sinabi niya;

Japan?!

Sigurado kaya siyang dun siya nakatira? Pag ako nagpunta dun, at wala siya----humanda siya sa akin.

Nagteleport na ako para makarating agad sa Japan na teritoryo niya---raw. Pagsulpot ko sa himpapawid, agad kong hinahanap kung nasaan siya, itinaas ko yung aura ko para madetect siya. Bakit di ko siya mahanap? Saan ba yun nagpunta ang antipatikong yun?! Kung kailan siya kailangan, saka siya wala. Pag naaalibadbaran ako, dun siya sulpot ng sulpot!

Mga sandali pa natuntun ko na din ang kinaroroonan niya. Mabilis akong nagtungo dun. Nasa himpapawid ako at kitang-kita ko ang bahay nila. Hindi ito bahay, mansion?? Pero hindi eh, sa laki nito di bagay ang mansion dito----uhm, palasyo?! Masyado itong malaki, at kitang-kita sa gara at pagkaelegante ng palasyo niya kung gaano sila kayaman. Nag-isip ako kung paano ko siya pupuntahan sa kaloob-looban ng lungga niyang palasyo. Parang ayaw kong pumasok sa loob. Nakakahiya. Tsk! Wag na nga lang.

"Hoy!" Nagulat ako ng biglang may gumulat sa akin. Si Tomoki. Hingal na hingal siya. At pawis na pawis. Hawak niya yung espadang kailangan ko. "Anong ginagawa mo dito? Namimiss mo ako?" Ang lakas ng hangin sa himapapawid.

"Saan ka galing? Bakit pagod na pagod ka? Anong ginawa mo?"

"Nag-aalala ka ba kaya ka nagtatanong?"

"Hindi, nakikichismiss lang! Care ko naman sayo?!" Lokong 'to at nagawa pa akong tawanan! "Akin na nga yan!" Hinablot ko yung espada sa kamay niya.

"Anong gagawin mo diyan? Di pa ako tapos. Marami pa akong blackhole na isasara." Sabi niya at nakipag-agawan siya sa akin na makuha yung espada.

"Anong kalokohan mo? Nadedetect kaya kita kanina sa loob ng lungga mo!"

"Tsk! Syempre nag-iwan ako replika dun. Akin na yan! Bakit mo ba inaagaw?"

"Eh, bakit di kita nadedetect sa ibang lugar??!"

"Kasi nga ayokong may makadetect sa akin, akin na nga yang sandata ko! Pinuntahan lang kita kasi akala ko namimiss mo ako eh." Tas naagaw niya ung espada sa akin kaya pinilit ko ulit agawin.

"Asa your face! Akin na yan! Mas importante ang paggagamitan ko nito. FYI----hindi sayo yan! Kailangan ko yang ibalik sa may-ari."

"Eh ako nga ang may-ari nito kaya." Sabi niya.

"Hindi! Kay gwapong cute yan kaya akin na!" Pagkasabi ko nun bigla na lang siyang tumawa ng tumawa. "Napano ka?!"

"Ahahahaha......gwapong cute ba???? Ahahahaha, gwapo na cute pa?????ahihihihi" bwisit talaga itong isang 'to antipatiko talaga! Naagaw ko yung sandata sa kakatawa niya. Paalis na ako ng biglang lumitaw ng sabay sabay ang mahigit sampung blackhole.

"Teka, naisara ko na yan ah! Bakit nagbukas ulit? Paano nagyari yun?" Ayan! Nahinto rin siya. Nagtataka siya-----ako rin. Kung naisara na bakit nabuksan ulit?!

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon