Episode 22

166 15 13
                                    

Proceed.....

*********

Emilee's POV

Oo nga pala! Nakalimutan ko na siya. Sa dami ng iniisip ko di ko na siya naalala.

Pero mukha naman siyang okey. Nakaligtas naman pala siya. Ang galing naman niya. Kaya lang, may napansin akong kakaiba.

Ibang iba na ang itsura niya ngayon. Hindi na siya tulad ng dati. Bakit ganun na siya? Anong nangyari sa kanya?

Napahinto ako sa paglakad sa pagkakagukat ko sa itsura niya ngayon. Natigilan ako. Sobrang biglang bigla ako. Ibang-iba na kasi ang itsura niya ngayon. Wala na siyang katawan. Spirit na lang siya. Nakaligtas nga siya pero patay na siya?!

Mas ikinagulat ko pa, ng biglang may sumulpot na dalawang inccubus sa mula sa bandang likuran niya.

Succubus?!

Bakit?!

Paanong nakasundo niya ang mga 'yon?!

Tomoki's POV( the fifteen year old one)

Paglitaw ko sa ibabaw ng lupa nakita ko agad si Emilee na sakal ng halimaw. Napakaraming halimaw na nakapaligid sa kanya at gusto siyang patayin kaya itinulak ko sila gamit ang hangin at nakita na ako ni Emilee. Itsura pa lang niya alam kong nagtataka na siya. Kahit may 30 meters ang layo namin sa kanya kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkabigla. Sino ba namang hindi, sa itsura kong ito na isang espiritu, malamang iisipin niyang namatay na ako. At may kasama pa akong dalawang succubus sa malamang iisipin din niyang nabihag ako at inaalipin ng dalawang makulit na ito. Pero nagpapasalamat na rin ako sa kanila kahit papaano, nakatakas ako sa underground. Tama, sa underground pala ako dinala ng mga pasaway na succubus na dumukot sa akin, pero dahil sa madali din silang utuin kaya sila rin ang siyang tumulong sa para makaalis sa lugar na iyon. Yun nga lang, kailangang iwanan ko ang katawan ko para mas madali ang pagtakas. Nakalabas kami dahil sa pagbukas ng isang blackhole sa malayong bansa at nagteleport na lang kami papunta dito.

Pero ang nakakainis, nakapangako ako na magbibigang ng tiglimang mga lalaki sa dalawang asungot na ito. Tinatanong ko tuloy ang sarili ko, kung sinong mga lalaki ang dapat kong ibigay??? Ang problem may pagkachoosey pa sila. Ang gusto talaga nila ay mga gwapo at makikinis. At palagay ko, habang di ko naibibigay ang gusto nila, matagal ko pa silang makakasama.

Lumakad na ako ng palapit kay Emilee mukha atang hindi na siya makaalis sa kinatatayuan niya. "Hi" bati ko sa kanya pagkalapit ko. Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Napakamot na lang ako ulo. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Kailan ka pa namatay?" Sabi ko na nga ba't yun ang nasa isip niya. "Akalain mong may masamang damo palang mabilis mamatay?" Grabeh naman yung dugtong niya. Kunsabagay, yung mga gwapong tulad ko ang kinakantyawang masamang damo sa panahon ngayon hahaha kasi naman, sa dami ng nagkakagusto sa amin, madami din ang kontrabidang nais kaming patayin. Patayin sa kilig ba. Hahaha

"Hindi pa ako patay. Kapag ba espiritu na patay na agad? Hindi ba pwedeng umalis lang sa katawan?" Sagot ko na agad namang may sagot siya Kaagad.

"sige, ipangalandakan mong kamag-anak mo si vice ganda." Nagsimula na ulit siyang lumakad kaya sumunod na lang ako. "Ano bang kailangan mo? Hanggang ngayon ba, susundan mo ako? Para kang si Tomoki! Mga lantad na stalker" napatawa ako sa sinabi niya. Yun pala ang tingin niya sa akin kahit sa ganoong edad ko. "Ano nga palang pangalan mo? Pagod na akong tawagin kang gwapong mayabang na mahangin." Napatawa ulit ako. Gwapo talaga ang tingin niya sa akin! Naalala ko tuloy ang nakaraan namin. Five years from now magiging official din na girlfriend ko siya hahaha hindi ako makapaniwala! "Bakit ka ba panay tawa!?" Huminto siya sa paglakad at tumingin sa akin. Nakakatakot talaga ang mga mata niya lalo na kapag naningkit na. Galit na yan.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon