Tapos na ang first day namin which turned out to be so tiring. Akala ko nung una petiks lang kasi nga first day, mga orientation, introduce yourself, etc. Pero ang nangyari ngayon ay puro nakakasakit sa ulo. Papunta na ako sa sakayan ng jeep para makauwi ako ng maaga. Naglalakad akong mag-isa at medyo nahihiya pa kasi ang daming tao.
Chin up. Woah. Here he is. Di naman ako naiinis sa presence nya. It's just that nahihiya akong kasama nya ako. Don't get me wrong ha. Kasi naman parang tingin ko sa kanya dyos ng kagwapuhan tas ako typical girl. Ay ewan. Bakit ba ako may pakialam?
Uy. I gave him a sweet smile. Wala naman akong masabi e.
Bakit ang tahimik mo? Antisocial? Napatingin ako sa kanya. Siguro nga. Di naman kasi ako laki sa labas ng bahay. Yung tipong maglalaro ng mga piko, o kung ano pang Filipino games. Naiinggit nga ako sa kanila e. Kasi alam nila yung patintero, tumbang preso, chinese garter at madami pa.
Di naman. May iniisip lang ako. Ewan ko talaga. Ayaw kong maattach sa isang tao ng sobra sobra. Ayaw kong masaktan ulit dahil sa pagtitiwala.
Taga saan ka? Hatid na kita gusto mo? Bigla syang umakbay sakin at for the first time parang may nafeel akong spark. Kinabahan ako sa kanya tapos yung puso ko ang bilis ng tibok. Ewan ko ba.
Hindi na. Malapit lang dito bahay namin. Tsaka strict parents ko e. Pagbibiro ko sa kanya. Natawa naman sya sa way ng pagsabi ng strict ang parents ko. Tumahimik ako saglit kasi di ko gusto itong nangyayari. Paano kung mafall ako? Tapos di naman nya ako saluhin?
E di magpaalam tayo para di sila magulat sa gwapong katulad ko. Dali na. Para naman safe kang makauwi. Sanay ka ba talaga sa Manila? Ang bait naman nito. Concerned kaya to o nang-aasar lang?
Ewan ko sayo. Hmmm. I used to live in Batangas. Ngayon college lang ako nagtransfer dito sa Manila. My father used to live here also since he works here. Bahala na. Maattach na kung maattach. Masaktan man ako ulit. Kakayanin ko. Bahala na.
Sige. Bale ngayon ipagpapaalam mo ako sa Papa mo na palagi kitang ihahatid ha? Aba. Haha. Pursigidong ihatid ako. Nagvolunteer pa. Bahala sya.
Ok. Pero siguraduhin mong di ka basta basta mawawala? Pag ikaw biglang naglaho at ako'y nasanay sayo, patay ka sakin. Iuumpog kita. Pramis. Itinaas ko pa ang kangang kamay ko na parang nangangako.
Sure. Nagpinky promise kami at ayun na nga. Sana naman di sya mawala bigla. Natatakot akong maattach sa kanya kasi baka bigla nya akong iwan. Ayaw ko ng ganun. Pero narealize ko na di naman siguro ako mafafall since takot pa ako. Di ko pa kaya.
BINABASA MO ANG
The One Destined
Teen FictionLove comes in a perfect timing. Love is a feeling I wanna feel. And, love is the least thing I can't have. There'll be no "you and I" Cause WE is a cannot.