Ang boring ng sabado ko. Kaharap ko lang yung laptop ko at nagsurf ng net para dun sa thesis ni Prof Salazar na nakakaasar. Solo ako since odd number ang klase at ayaw nga kasi sakin nung ungas na yun. Ooops, di po ako bitter ha. Its just that, I don't care. Fine! I don't care anymore.
Nak. Si papa. Si papa nga ba? Ang sarap pala sa feeling na tinatawag kang anak. Sobrang saya. Pumunta agad ako sa pinto para pagbuksan sya.
Pa. Bakit po? Tiningnan ko sya at mukhang napakasaya nya. Bakit kaya?
Malapit na ang pasko. Uwi tayo ng Batangas? Oo nga pala. December 13 na. 13 again. Pair 13. Di talaga ako bitter.
Sige po. Kaso sa 21 pa po ang end ng klase e. Tsaka madami pa po kaming aasikasuhin para org. Baka po susunod na lang po ako mga 23? Ang hectic ng sched ko. Ang hirap kasing maging college. Ang hirap mag-adjust pero kinakaya naman kahit papaano.
Ganun ba? Si Marc ba makakasama? Pag sasama sya sayo na lang sumabay para naman may kasama ka. Madalas ka pa namang mahilo. Pag bumabyahe kasi ako ng malayo madalas akong nagsusuka. 5 years old, tanda ko pa dati nung bumyahe kami ni Papa mula Ilocos hanggang Batangas nagsuka ako sa upuan ng bus. Nilinis syempre ni Papa tapos lumipat kami sa unahan since konti na lang naman yung tao kasi malapit na sa bus stop. E nahihilo pa ako after nun tas may sumakay na babae sa tabi pa namin umupo. Sabi ni Papa baka daw masukahan ko sya kaya nakiusap si Papa na lumipat na lang. Yakap yakap nya ako nun at sobrang safe ng pakiramdam ko. Pero ngayon, bihira na lang yung mangyari. Lahat nagbago pamula nung araw na yun.
Nak bakit ka tulala? Natulala na pala ako. Umiling na lang ako at ngumiti.
Wala po. Sige po. Tatanong ko kay Marc kung makakasama sya.
Sige. Magaan talaga ang loob ko sa batang yan. Mukhang mabait. Parang si Isaac. Nga pala, bakit di na bumibisita si Isaac? Ayos talaga 'to minsan e. Wrong timing magtanong. Haha.
Busy po sa school e. Pagtatanggol ko sa kanya. Syempre kahit naman ganun yun ayaw kong sirain ang image nya kay Papa. Malay mo maging kami, ano na lang mangyayari diba? Erase. Erase. Di ako naasa. Wag nga kayo.
Anak, pag may problema ka sa school sabihin mo ha. I'm your father. I must know everything, every single thing. Bakit ganto sya ngayon? May something ba? Tatay na tatay sya ngayon ah.
Pa naman. Bakit po kayo ganyan? Naiiyak na ako. Ewan ko. Di ba ganto daw yun. Hindi naman siguro sya namamaalam diba? Ayaw ko pa.
Gusto ko lang maging isang mabuting ama habang may oras. Di natin kontrolado ang panahon, anak. Dadating ang araw na bigla na lang mawawala ang lahat at maiiwan kang mag-isa. Hangga't may pagkakataon dapat nating gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa atin at alam nating tama. Tapos niyakap nya ako. Pinipigilan ko pa din ang luha ko. May mali e. Sana naman mali ang kutob ko. Sana. Kasi di pa ako handa. Bakit ba ang nega ko? Aish. Wala lang to.
Time. When is the perfect time? But wait, is there a "perfect" time? All I know is that time is a word so magical.
BINABASA MO ANG
The One Destined
Teen FictionLove comes in a perfect timing. Love is a feeling I wanna feel. And, love is the least thing I can't have. There'll be no "you and I" Cause WE is a cannot.