Iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung mutual ata na sinabi ni Lyndon kahit na nung isang araw pa yun.
Di ko mapigilan ang sarili kong i-evaluate ang mga nangyayari. Double meaning e. Parang hindi ako yung girl. Parang ako naman minsan.
First sign. Ang sweet nya sakin. Thoughtful sya. Palagi nya akong hinahatid.
Second. Minsan nakikipagbonding sya samin ni Papa pag weekend. Nakikiquality time.
Third. Ano pa ba? Pinili nya akong maging partner sa madaming activities.
Fourth. Tinanong nya ako kung anong ideal man ko. Minsan nags-stutter pa sya pag ganun yung topic.
Fifth. Sabi ni Lyndon nung tumatanggi ako sa kanya, ayos lang yan. Parang ang meaning sakin ay ayos lang na magkakacrush ako kasi may crush din sya sakin.
Sixth. Palagi nya akong kinukumusta sa text, chat, skype. Lahat na.
Ang kaso, yung isang side naman ay ito.
First. Medyo cold na sya sakin ngayon. Yung mga postive signs sa taas ay noon walang palya. Ngayon, minsanan na lang.
Second. Yung sinabi ni Lyndon na may gusto sya. Mutual ata. Pano kung kaya pala di na ako naihahatid ni Isaac kasi may kamutual na sya at yun na ang hinahatid na? Ang sakit namang isipin nito.
Sino ba kasing nagpauso ng letseng double meaning na yan? Bakit di na lang sabihin ng straight to the point?
Pero may narealize ako e. Kaya nagdodouble meaning minsan yung ibang situation kasi gusto talaga nating itake ang side natin. Gusto natin yung side na pabor satin. Pero dahil takot tayong umasa at masaktan, tinetake na din natin yung negative side. Para naman di tayo maiwang luhaan sa huli if ever yung negative side nga ang meaning. Atleast prepared na tayo.
Pero kaya ko nga bang ganto ang set-up namin? Kaya ko nga bang nanghuhula ako kung sino ba ang gusto nya, habang sya naman ay patuloy na nagiging cold sakin?
Gusto kong malaman ang sagot. Pero di ko alam kung kaya kong marinig.
Bakit ba ganun? Imoral tingnan pag babae ang first move? Mali kapag babae ang mag-iinitiate. E di ganto na lang lagi? Lagi na lang kaming aasa at manghuhula?
Ang unfair naman e. Pag lalaki ka pwede kang magtanong sa babaeng mahal mo kung gusto ka din ba. Pwede kang manligaw at maaaring mafall yung babae on the process. E pano naman yung sitwasyon namin? Bawal kaming magtanong. Baka masabihang feeler. Aba naman. Ganto na lang ba lagi? Yung mga taong gusto namin di namin pwedeng malaman kung may gusto din ba samin.
Gender discrimination regarding love. Aba. Bago to ah. GDRL.
BINABASA MO ANG
The One Destined
Teen FictionLove comes in a perfect timing. Love is a feeling I wanna feel. And, love is the least thing I can't have. There'll be no "you and I" Cause WE is a cannot.