Almost two months na kaming magkaibigan ni Isaac at may nafifeel akong mali. Pakiramdam ko unti unti na akong nahuhulog sa kanya. O baka naman sobra ko lang naaappreciate ang efforts nya. Ah! Ewan. Wala akong alam sa love na ito.
Nasa laboratory kami ngayon para magdissect daw ng palaka. Medyo natatakot ako kasi may pagka-ewan ako when it comes to blood. Parang nakakapanlambot manghiwa ng tyan ng may tyan tapos ipipin mo yung internal organs tapos... waaaa. Ewan ko. Napaparanoid ako ngayon. Kinakabahan na naman ako. Di ko alam kung dahil sa palaka o dahil sa katabi kong mala-Prince charming.
Huy. Pumalakpak sya sa malapit sa muka ko. Palaka lang yan no. Tsaka di naman siguro tayo magkakaron ng kulugo. Ayos lang yan. Smile ka na. He patted my shoulder tapos inayos na yung dissecting kit. By partners 'tong activity namin. Ito daw ang project namin for this month. Oo, tama kayo ng pagkakarinig. This month lang yan, dahil every month ay iba iba ang projects namin. Asar nga e.
Pero pano nga ba kami naging partners? Yie. Nafeel ko ulit yung kuryente sa may puso ko. Love na nga ba 'to? Back to our topic, e hindi naman kami magkasunod ng surname. Hindi rin kami magkatabi. Hulaan mo. Joke lang. Ito na, sasabihin ko na.
Ganto kasi yun. Kahapon pinagpair pair kami ni Prof Martinez. E itong prof na ito may pagkamaluwag pag dating sa batch namin. Nung sinabi nyang ang partner ni Isaac ay si Jenny na top one ng klase, maganda, kaso di kabaitan, pero pangarap ng karamihan na makagroup, (haba ng description), e agad syang nagprotesta at sinabing...
Excuse me Sir, but I want Ms. Marlene Fernandez as my partner. Biglang naghiyawan yung mga kaklase ko. Yung ibang lalaki naman ay kinatyawan sya at sinabing ang lakas mo tol! Feeling ko binuhusan ako ng isang drum na semento kasi naestatwa ako.
Shet. Bakit ganun yung dating? He wants me? As his partner? Parang ang sarap pakinggan. Kinikilig ako pero di ko pa alam kung yun nga yun nafifeel ko. Bahala na.
Quiet class. One good reason Mr. Adams. Tanong nya kay Isaac pero nakangiti naman ng nakakaloko. Ito talagang si Sir porket asensaso ang love life ay pro na din sa love life namin. Oops. Did I say love life? Naku hindi ah.
I can't think of other reasons except from I just want her to be my partner cause I feel comfortable with her, Sir. Since we are comfortable with each other, we can then do the task properly. Ano ba yan. Nahihiya na ako dito. Nakita ko ring parang nainis si Jenny sa nangyayari. First time atang mareject sa pairings. Haha.
Granted. Tapos nagppatuloy na si Prof sa pagpepair ng iba at nung may nagtry ding kumontra ay di sila pinayagan kasi alam ni Sir na lalandi lang ang mga yun. Kilala din kami ni Sir na super close at alam nyang di kami maglalampungan lang sa klase nya.
So ayun nga ang reason. Kakakilig no?
Start na tayo? Tiningnan nya ako at napangiti naman ako. Nagblush sya. What the. Hay naku. Siguro nga in love na ako.
Dahan dahan ang paggamit ng gunting ha. Baka mapano ka. Sabi nya. Kinikilig na naman ako. Ayan na. Alam ko na. Nagresearch kasi kagabi tungkol sa signs ng pagkakilig. At eto, confirmed. Crush ko sya. Haha.
Bumalik na naman sa utak ko yung sinabi nya.
I want Ms. Marlene Fernandez as my partner.
Partner.
Partner.
Partner.
In life ba? Ayaw pa kasing umamin e. Sobrang sweet nga e. Tsaka narinig ko na din naman e. Gusto ko lang sya ang first move.
BINABASA MO ANG
The One Destined
Teen FictionLove comes in a perfect timing. Love is a feeling I wanna feel. And, love is the least thing I can't have. There'll be no "you and I" Cause WE is a cannot.