17: Cold

4 0 0
                                    

Weeks had passed and each day was an ordinary day. Walang love life, mataas na grade. Back to my normal, boring life. Focus sa studies. Studies only. Medyo okay na naman ako. May naging kaclose akong mga katulad ko, mga walang love life pero mukha naman silang masaya. Why can't I?

Nagsearch ako sa net kung paano magmove on. Kaya ito, I'm trying my very best na sundin ang mga yun. Pero, wait. Uso pala yun? Move on kahit di naging kayo? Ang tange ko pala.

Tuwing hapon, imbis na si Isaac ang naghahatid sakin ay si Marc na. Sabi ko wag na pero nagpupumilit. Palagi pang may dalang kung anu ano sa bahay. Parang nanliligaw e. Ang kaso di daw para sa akin, kay Papa daw yun. Ewan  ko sa kanya, torpe din e.

Marlene. Ay, ang haba talaga ng pangalan mo. Kakatamad tuloy banggitin. Hmmm... Nag-isip sya. Aba, sa yun ang gusto ng parents ko e.

Alam ko na. Mar na lang tatawag ko sayo. Proud na proud pa sya.

Best mo na yan? Kamukha ko ba si Mar Roxas? Tsk. Ayaw. Ang pangit. Tapos nagpout ako. Wala lang. Pacute effect.

Uhm, Marl na lang. Para ako si Marc at ikaw si Marl. Oh, diba. Hahahahaha. Tumawa sya nang tumawa.

Sira. Bahala ka sa buhay mo. Pumara ka na ng jeep at sumakay na tayo. Uwing uwi na ako.

Pwede akong sumama sayo? Kakalungkot sa bahay e. Dali na. Magkaibigan naman tayo e. Kahit na ayaw ko kasi tutulog sana ako pagkauwi ay pumayag na din ako. Di ko naman kasi alam ang nararamdaman nya.

Pwede. Kaso baka makatulog ako. Pagod pa ako sa PE class kanina e. Sakit ng katawan ko. Tapos humikab ako. Sabing antok na ako e.

Ayos lang. Manunuod lang ako ng tv. May tv naman sa apartment nya. Pero di na ako kumontra. Sumandal na lang ako sa likod ng upuan ng driver at pumikit. Di ko na talaga kaya.

Wala pa tayo sa inyo tulog ka na. Dito ka. Tapos ramdam kong ipinatong nya ang ulo ko sa balikat nya. Ang bango nya.

---

Nakarating kami sa may kanto papunta sa amin. Normally, sumasakay ako ng tricycle kasi medyo may kalayuan. Pero ngayon,

Marc, lakad na lang tayo. Pag-aaya ko sa kanya. Sabay tingin sa may paradahan ng trike. Tumingin din si Marc dun.

Sige. Exercise. Tumataba ka na e. Sabi nya para mawala ang kunot ng noo ko at hinampas ko naman sya.

Ano nga bang meron at gusto kong maglakad? Yung trike kasi ang daming arte. Pag hindi 5 ang sakay hindi aandar. May dalawa na dun. Baka matagal tagal pa bago yun mapuno. Pero di yan ang dahilan.

Sino ba kasing nandun? E di yung mahirap basahin. Mahirap intindihin. Mahirap kalkulahin. Mahirap. Basta mahirap maattach.

Oo, sya nga. At nakita ko kung gaano kalamig ang tingin nya sakin, sa amin ni Marc. Parang may something na di ko maexplain. Di ko mabasa.

The One DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon