15: Another Promise

3 0 0
                                    

Kain tayo. Sabi sakin ni Marc. Andito kami sa may field at nanunuod ng mga soccer players. May mga babaeng nagsisisigaw. Merong mga bakla na halos mapatidan ng mga ugat. Ewan ko. Natatawa ako sa nakikita ko kahit walang nakakatawa. Kanina pa ako sinasaway ni Marc kasi para daw akong baliw. Kapag ginagawa nya yun bigla na lang akong malulungkot at matutulala. Tapos may papatak na luha sa mga mata ko. Ito na ba yun? Mababaliw na ba ako? Langya naman oh.

Ha? Pati yung mga sinasabi nya di ko maintindihan na para bang alien sya. Tuloy, kelangan pa nyang ulit ulitin. Natutuwa nga ako kasi di sya naiinis e.

Sabi ko po kain tayo. Libre mo. Tapos nagpout sya. Ang cute pala nito. Kaso tama ba rinig ko? Ako ang manlilibre? Hay. Ewan ko. Bahala na. May pera pa naman ako. Basta gusto ko lang makalimot muna sandali.

Tumayo na ako at tumitig sa kanya. Gusto ko lang. Masama ba? Para na siguro akong tanga. Nakatingin lang din sya. Gusto ko sanang tanungin kung san kami kakain pero di ako makapagsalita. Naputol na ata ang dila ko.

Baka naman matunaw ako. Gwapo ko talaga. Napangiti ako sa sinabi nya. Nakakatawa kasi yung pagkakasabi nya. May kasama pang paggulong buhok. E sadyang messy naman ang buhok nya. Pero bagay naman sa kanya.

Wala ka talagang balak magsalita? Wala e. Pasensya na kung boring akong kasama.

So, hindi ka nga magsasalita? Tapos inakbayan nya ako at nag-umpisa na kaming maglakad sa kung saan man. Komportable naman ako sa kanya. Mabait naman 'to e.

Umiling lang ako at ngumiti. Ugh! Bakit ba ako tahimik? Nahihiya na ako. Magsasalita na sana ako nang biglang...

Sa libo libong pagkakataon

Na tayo'y nagkasama

Iilang ulit pa lang kitang

Nakitang masaya

Tapos tiningnan nya ako ngumiti naman ako. Pero bakit ang sakit? Tsaka anong sinasabi nya? Di naman bagay sakin tong kantang 'to e. Ngayon nga lang kami nagkasama at ang pagkakaalam ko masaya naman ako sa piling ni Isaac, though hindi ko sya boyfriend. Shoot. Parang tinamaan ata ako dun. Truth hurts.

Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya

Siguro'y di nya lang alam ang iyong tunay na halaga

Isa pang napakasakit na katotohanan. Bakit nga ba nya ako sinanay sa presence nya at nangako pa syang hindi mang-iiwan. Pero ano to ngayon? Bakit kelangan mangganyan sya? May isa pang kantang bagay sakin e.

Naluluha na naman ako at tahimik na si Marc. Pilit kong kinanta ang mga salitang gusto kong iparating sa kanya.

Di ako sanay sa biglaan

Unti unti na lang sanang...

Nawala.

Tapos tumawa na naman ako. Ayoko nang makita pa ni Marc ang kahinaan ko. Pinipilit kong pagaanin ang aura between us.

Bigla syang nagsalita. Ayos lang kung umiyak ka. Pero mas ayos kung tatawa ka. Mukha ka mang baliw, di ako lalayo at sasamahan kita hanggang sa di mo na kaya. I'll always be here, caring.

Another promise. Maniniwala ba ako?

The One DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon