7: Am I Falling?

4 0 0
                                    

Nung minsang nagreflect ako sa mga nangyayari sa college life ko, narealize kong parang ang bilis ata ng progress ng pagkakaibigan namin. I mean, ang bilis ko syang pinagkatiwalaan. Pumayag ako sa set up namin na ihatid nya ako. Palagi kaming magkatext right after nya akong maihatid tapos pag medyo late in the evening na, pipilitin nya akong matulog. Ang bilis lang. Masyado akong naging komportable. Pero ayos naman sya so far. Mabait, gentleman, matalino. Lahat na. Ideal boyfriend nga e.

Naalala ko yung time na niyaya nya ako papuntang garden. Kanina ko pa iniisip kung ano yung sasabihin nya. Di ako mapakali.

Burst it out. Ayan na naman sya sa talent nyang mind reading. Ang seryoso na naman ng aura nya. Lalo akong kinabahan.

A-ano kasi. Ammm. May tatanong s-sana ako. K-kasi -

Please be calm. Ang lambing naman ng boses nya ngayon. Para bang sinasabing aalagaan kita. Parang may assurance na safe ako.

Huminga muna ako ng malalim tapos nagsalita. Ano ba yung sasabihin mo sana? Yung ano. Last friday? Di ako makatingin ng diretso. Feeling ko anytime sasabog ako. Nafifeel kong may kuryente na dumadaloy everytime nagkakatitigan kami. Ano ba to?

Wala yun. Hayaan mo na. Di ako mapalagay. Kailangan ko yung malaman or else madidistract ako nito sa quiz mamaya. Anong gagawin ko?

Ikaw naman. Sabihin mo na. Parang di tayo friends. Tinry kong tingnan sya, pero wala e. Di talaga kaya. Pinilit ko ding gawing normal yung tono ng boses ko. Sana naman effective.

Ano kasi. Pano ko ba sasabihin. K-kasi. A-ano. Ang bading naman kasi e. K-kasi. Tapos may dumaang mamang sorbetero. Ice cream oh! Tarang bumili. Libre ko. Ano yun? Bakit sya nagstutter? Nagblush pa. Nahalata ko kasi maputi sya. Ang kinis pa nya. Sarap ngang titigan e.

Pero ano ba meaning nun? Oy, sa mga in a relationship dyan, pakisagot naman ng tanong ko. Anong meaning nun? Bakit sya nagstutter? Bakit sya nagblush? At bakit ako kinakabahan at napapangiti? Am I falling in love?

The One DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon