Hindi pa din ako kinikibo ni Isaac. Namimiss ko na sya.
Lalapitan ko sya tapos iiwas sya. Tatawagin ko tapos lilingon lang sya. Tinetext ko sya di man lang nagrereply. Chinachat ko di man lang nangseseen zone.
Bahala na sya. Last na talaga to. Pag di pa nya ako pinansin ngayon, bahala na sya. Tatanggapin ko, kahit masakit.
Ito na. Papalapit na sya. Uupo na sya sa upuan nya which is sa tabi ko. Birthday ko ngayon at malungkot ako dahil nga kay Isaac. Naman oh! Ang saklap nito.
Humugot ako ng lakas ng loob. Kinakabahan na naman ako. Nanginginig ang kamay ko. Pumikit ako at tumalikod muna sa kanya. Tapos biglang may bumulong sakin.
Happy birthday. Namiss mo ko no? Shet. Naiiyak ako. All this time kaya di nya ako pinapansin para dito sa birthday ko? Para isurprise ako? Well, congrats to him. Ang saya ko ngayon kasi super namiss ko sya.
Di ako nakapagsalita kasi nagsimula na akong humikbi. Naramdaman ko naman na niyakap nya ako. Ang sarap sa feeling. Safe. Yan yung nararamdaman ko.
Shhhh. Tahan na. Di ko naman sinasadya e. Tahan na. Tinatapik nya ang likod. Ang sarap pakinggan ng boses nya. Alalang alala sya sakin. Ramdam ko yun. Di ako manhid. Happy. Is an understatement. Wala e. Parang ngayon lang ulit nagpump ng dugo ang puso ko.
Ang bilis ng tibok. Dugdug. Di ko sya matingnan. Mahal ko na nga ata sya. Sana naman...
Ako yung sinasabi ni Lyndon na kamutual nya.
Sana.
---
Happy birthday ulit Taba. Andito kami sa favorite cafe namin. Libre nya daw kasi birthday ko. E di pumayag na ako. Natutuwa ako kasi magkasama na ulit kami. Ang saya.
Salamat Sac. Namiss kita. Di ako tumingin sa kanya. Sa pagkain ako nakatingin nung sinabi ko yun. Baka mabasa nya ang tunay kong nararamdaman. Baka tuluyan na syang umiwas.
Ako din. Tapos ngumiti sya. That smile. Namiss ko yun.
Yung manly scent nya, namiss ko din. Yung kakulitan nya namiss ko din. Yung pagiging cool nya namiss ko din.
Lahat lahat sa kanya. Namiss ko.
Pero may bumabagabag sakin. Pano kung hindi ako yung gusto nya? Dapat ko pa bang ituloy tong nararamdaman ko?
Pano kung hindi pala ako? Kakayanin ko bang makita sila? Makitang masaya sila at ako ay nag-iisa? Nag-iisang nagmamahal sa kanya.
Aish. Erase. Erase. Ang nega ko ngayon ah. Birthday na birthday ko e. Dapat akong magsaya. Kasi finally...
Kasama ko na ulit sya. Sapat na yun. Tsaka na ang what if's.
BINABASA MO ANG
The One Destined
Fiksi RemajaLove comes in a perfect timing. Love is a feeling I wanna feel. And, love is the least thing I can't have. There'll be no "you and I" Cause WE is a cannot.