14: Mahal Ko Na Sya

4 0 0
                                    

Minsan nagdududa na ako dito kay Isaac e. Parang sira. Umiiwas na naman sya. Asar naman e. Inisip ko na lang na nagpapamiss sya.

Tulad ngayon. Naglalakad ako sa may corridor at nakita ko ang barkada nya. Nasa isang tabi at maingay na nagkukwentuhan.

Napatingin sya sakin kaya ngumiti ako. Pero di ko inaasahan ang ginawa nya. Tiningnan nya lang ako at kumunot ang noo nya. Parang di nya ako kilala. Sobrang emotionless ng tingin na yun. Ang sakit. Naiiyak ako. Nanlalambot ang tuhod ko. Di ako makalakad. Alam kong may mali. Nung malapit na ako sa kanila, napatingin ulit sya sakin at nagpaalam sa barkada nya na may pupuntahan. Akala ko ako, hindi pala.

Nilampasan nya ako. Para akong hangin lang. Di ko napigilan at may pumatak na luha sa mata ko. Tumakbo ako papuntang ladies' room at doon umiyak ng tuluyan.

Hindi ko na kaya. Bakit bigla na lang syang naging ganun. May nagawa ba ako?

---

Class dismissed. Sabi ni Prof. Ang bagal ata ng oras. Sobrang tinatamad ako ngayon. Inaantok ako at the same time nasasaktan. Etong katabi ko ba naman ay dun lagi sa left nya nakatingin so nakatalikod sy sakin. Kaya eto, super bored ako.

Tatayo na sana ako nung biglang lumapit si Marc.

Sorry. The eff! Dahil dun? Yun ang dahilan? Putspa ang daldal ng lalaking to.

Nakatungo lang sya tapos hinampas ko ng sobrang lakas rason para mapatingin ang iba naming kaklase, kasama na sya.

Naknang! Bakit mo ako hinampas?

Ikaw pa ang galit? Bulong ko sa kanya pero sobrang lakas kaya malamang e narinig ng katabi ko. Halika nga! Hinila ko si Marc palabas ng classroom. Di naman sya umangal.

Aray! Aray! Abuso ka na ha. Masakit na. Wag ka ngang manapak. Asar na din sya. Nawala na yung pagkamakulit na aura nya. Natakot naman ako kaya nag lie low ako.

Bakit? Pabulong kong sinabi. Hindi ko alam kung masasagot ba nya. Pero yan talaga ang gusto kong malaman. Naiiyak na ako.

Sorry. Sorry sa ginawa ng kaibigan ko. Sorry kung ganun sya. Hindi ko alam kung bakit, pero hayaan mo na lang muna. Kalmado na rin sya. Lalo akong nanghina sa sinabi nya. So hindi pa nga alam ni Isaac ang nararamdaman ko? E bakit sya umiwas? Pinaglalaruan lang ba nya ako? Wala ba talaga akong halaga sa kanya?

Tumungo na lang ako kasi di ko alam ang iisipin. Dapat ba akong magpasalamat sa kanya kasi ngayon alam ko nang wala naman palang gusto sakin si Isaac. O dapat ba akong magalit kasi kaibigan nya si Isaac at baka gawin din nya sakin ang ginagawa ni Isaac?

Wag ka ngang umiyak. Pasigaw na sabi nya. Lalo akong naiyak dahil dun. Bakit ang bilis nyang magalit? Concerned ba sya o ano? Di pa din ako tumitigil sa pag-iyak.

Ayaw kong umiiyak ka. Please tahan na. Ako, hindi kita iiwasan. Di ako lalayo. Niyakap nya ako at lalo pa akong humagulgol. Natatawa na nga ako sa sarili ko e. Para akong namatayan. Sabagay, namatay naman ang puso ko e.

Pero kahit yakap nya ako hindi ko maramdaman yung safety. Ewan. Iba talaga si Isaac. Iba ang yakap nya.

Iba talaga sya. Kasi mahal ko na sya.

The One DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon