10: Mutual Ata

5 0 0
                                    

Nakatapos kami sa project namin ahead of time kasi tahimik lang sya all the time. Parang may wall na nagseseparate saming dalawa. Di ko sya mabasa kung bakit sya ganun. Ang alam ko lang...

Nasasaktan ako.

Hindi ako makakasabay sayo ngayon Marlene. Sige. Una na ako. Shit. Ano yun? Bigla na lang syang umalis ng hindi pa ako umo-oo. Bakit ganun sya nitong nakaraang araw? One week na mula nung nagdissect kami at di na nya ako kinikibo. Minsan na lang. Gusto ko syang tanungin pero di ko magawa. May pumipigil sakin. Parang ayokong malaman ang isasagot nya. May mali talaga e.

Pauwi na akong mag-isa. Meron na din naman akong kaibigan dito sa campus pero syempre may kanya kanya naman kaming buhay at karamihan sa kanila ay in a relationship kaya walang akong nakakasabay pauwi bukod kay Isaac na single at nangakong ihahatid naman talaga ako.

Mahirap talagang maattach sa isang tao. Mahirap pag bigla na lang syang nawala. Paano na kaya ako kung patuloy akong aasa kay Isaac? Pano kung di naman talaga ako yung girl na gusto nya at nag-assume lang ako? Ano nang mangyayari sakin?

Pst. May narinig akong sumitsit pero di ako lumingon. Ang turo kasi sakin, may pangalan ako at wag kong hayaan ang iba na kung ano ano ang tawag sa akin.

Pst. Di pa rin ako lumilingon. Isa pang reason kung bakit ay baka hindi naman ako yung sinisitsitan. Baka masabihan pa ng feeler.

Pst. This time lumingon na ako kasi may biglang humawak sa balikat ko. Nagulat ako kung sino.

Ang snob mo. Kakahingal kang tawagin. Hiningal sya nun? Para tatlong sitsit lang e. Sya si Lyndon. Barkada ni Isaac from Engineering department.

Bakit? Nginitian ko na lang sya kasi okay naman kami nito e. Mabait din to.

May crush ka kay Isaac no? Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ang walangya. Wala man lang preno. Di uso ang busina? Walang warning.

Sinasabi mo Lyndon? Ha-ha. Mangtitrip ka na naman. Umuwi ka na. Baka magalit sakin si- di nya ako pinatapos. Epal talaga to.

Sabi na e. Magagalit sayo si Isaac? Yieee. Kayo na? Pangungulit nya. Ang dapat ko namang sasabihin ay magagalit sakin si Amae, yung die hard fan nya.

Tange ka. Di no. Umuwi ka na nga. Pagtataboy ko sa kanya.

Ayos lang yan. Tingin ko naman ay may gusto yun. Mutual ata. Ewan ko kung anong mafifeel ko. Kikiligin ba ako o masasaktan. Double meaning na naman. Takteng double meaning yan.

Di naman nya sinabing may gusto din sakin. Ang sabi nya ay may gusto yun. Mutual ata.

The heck. Sino ba kasi yun? Ako nga ba? O ibang babae.

The One DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon