13: Indirect na Pag-amin

3 0 0
                                    

Yay! 17 years old na ako and 1 week. Haha. Bilang na bilang e.

Sa loob ng 1 week na yun feel kong blooming ako. Ayiee. Kasi naman e. Back to normal na kami ni Isaac.

Hinahatid na ulit nya ako. Tapos nung byernes, sinundo nya ako sa bahay. Oh, diba. Sino ba namang hindi magiging blooming nyan. Haha. Inaasar nga ako ng mga kapatid ko e. Bumisita kasi sina mama dito sa Manila galing Batangas. Namiss daw ako, di na kasi ako nakakauwi. Nagcelebrate kami ng konti, syempre kasama si Isaac. Ehem.

Baka konti na lang aamin na sya. Haha. I'm waiting. Yeah. Umaasa akong ako nga yung gusto nya. Haha. Bahala na.

Tiningnan ko ang phone kong nagvibrate. Sino naman kaya ang nakaalala sakin? Baka si Isaac?

Oy. Galing sa unknown number. Sino naman 'tong isang 'to?

Sino po to? Syempre mabait ako kaya ganyan ang reply ko. Baka kasi importante e.

Mabilis naman syang nagreply. Hulaan mo. Aba't ginawa pa akong Madam Auring.

Di ko na nireplyan. Baka nangtitrip lang.

Mga 5 minutes ang nakalipas at nagtext ulit sya. Di ka na nagreply. Awts. Pero amin ka na. Di ko naman ipagsasabi. Atin lang. Ah. Si Marc na makulit. Haha. Pinapaamin na naman ako sa feelings ko kay Isaac. Aba. Bakit ako aamin? Baka tuluyan na syang umiwas no. Ayaw ko nga.

Wala nga. Kakulit nare. San mo nakuha number ko? Pag-iiba ko ng topic. Kaso di effective e. Tapos eto ang matinde.

Asus. Crush mo naman yun. Di mo lang inaamin. Tapos nadulas ako.

Pano ko magiging crush? E may crush ata yung iba. Shit. Indirect amin yun a. Sana di nya mahalata. Please. Please.

Ayown. Selos? Gege. Yun lang gusto kong malaman. Ikaw ha. May lihim na pagtingin ka. Haha. What the! Yun lang yun? Di man lang ako pinag-explain? Ganun na lang yun?

Shet. Pano kung makarating kay Isaac? Patay ako neto. Naman e. Iyak iyak. Di naman siguro madaldal yung si Marc.

Sana.

The One DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon