16: Love Life Lang Yan

3 0 0
                                    

Medyo nawala yung sakit na dala ni Isaac. Oo, sya nga. Sya ang dahilan ng kaligayahan ko at sya din ang dahilan ng kalungkutan.

Hinatid ako ni Marc sa bahay bandang 7pm at pinagdinner na din sya ni Papa. Nag-usap sila tungkol sa mga bagay bagay at nagtaka nga ako kasi hindi nang-interrogate si Papa kagaya ng ginawa nya kay Isaac.

Isaac na naman.

San nga ang probinsya mo Marc? Tanong ni Papa habang nanunuod sila ng basketball. Itong si Papa panay ang kwento tungkol sa galing nya sa basketball nung kabataan nya. Bilib na bilib naman si Marc. Nakakatuwa sila. Bagay silang mag-ama.

Sa Laguna po. Magalang nyang sagot. At biglang pumalakpak nung naka-tres yung nakakulay blue.

Aba, malapit lang pala samin. Nabanggit ba ni Marlene na sa Batangas kami? Para syang bata na amaze na amaze kasi nga neighbor province lang kami. Ngayon ko lang ulit nakitang masaya si Papa.

Hindi po. Pero san po kayo dun para makabisita naman ako. Sabi nya habang nakaharap sa tv. Di ko tuloy mabasa ang ekspresyon nya. Pero siguro excited yan.

Marlene. Tawag sakin ni Papa. Tahimik lang kasi ako sa isang sulok at walang imik.

Po? Walang buhay na sagot ko.

Malapit na ang Christmas break nyo diba. Kung gusto nitong si Marc, isama mo sya sa atin. Huh? Balak ko nga sanang isama si I- Erase. Erase.

Pa kelangan nya po ng quality time sa pamilya nya. Minsan na nga lang po yan uuwi sa kanila e. Pagtutol ko. Napatingin sakin si Marc at biglang ngumiti ng mapait. Bakit?

Ulila na ako Marlene. Ramdam ko ang sakit nya. Mabuti nga may makakasama ako sa pasko. Pwede? Tumango na lang ako bilang sagot. Bakit ganun? Si I- basta, si ano medyo ganun din ang kwento ng buhay. Bakit pareho silang problemado sa pamilya.

Maswerte pa pala ako kasi love life ko lang ang may problema. Tama. Puso lang to. Mas importante pa din ang taong nandyan at patuloy na nagpapahalaga. Unfair naman sa kanila kung mawawalan ng kulay ang buhay ko, na sila mismo ang nagbigay kulay, kung malulungkot ako nang dahil sa isang tao.

Isang taong hindi ko malaman ang gusto. Di ko pa sya kilala.

The One DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon