Ang aga pa. Ugh. Nagriring na yung phone ko. Tumatawag na siguro si Marc. Hindi ko na pinagkaabalahang tingnan ang screen at sinagot ko yun.
Yow. Ang aga pa ii. Shhh. Wag ka nang magsalita. Liligo na ako. Bye. I ended up the call without letting him speak. Baka kasi bigla akong tamarin at magpahele na lang sa kanya.
Aish. Agang aga naglalandi na hormones. Tsk. Pumunta na ako ng bathroom at nagritwal. Pagkalabas ko nagulat ako nang mapatingin ako sa wall clock. Seriously?! 6 am pa lang? E ang tagal ko sa CR ah. More than an hour. Ang aga kong nagising. Bwiset na Marc yun.
Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number nya. Asar na asar ako that time kasi puyat talaga ako.
Marc! I yelled at him nung nasagot na nya.
Oh? Bakit galit ka? Ang aga pa ah. Mamaya pang 9 am ang mass. Bwiset. Yun na nga e.
Ewan ko sayo. Nakakaasar ka. Tumawag tawag ka kaninang 5 am tapos itatanong mo kung bakit ako galit. Alam mo namang puyat ako ii. Paiyak na ang boses ko kasi talagang nafufrustrate ako. Ayaw kong gumigising ng maaga lalo pa't puyat ako.
Shhh. Wag ka nang magalit. Kagigising ko lang Marl. E? Sino yung kausap ko kanina? Tsk. Ang bobo ko kasi e. Kung tiningnan ko yung screen e di sana tulog pa ako ngayon! Baka si mama yung tumawag. Ii! Naiinis talaga ako.
E sino yung tumawag? Wag mong sabihing multo. Naiinis talaga ako. Alam mo bang nakabihis na ako! Naghihysterical na ako. OA na kung OA. Aba kung ikaw kaya mapuyat tas gisingin ng umaga. Tingnan ko lang kung di ka magbunganga.
Matulog ka ulit. Pupunta na lang ako mamaya dyan para ako mismo gigising sayo. Yan na naman kabaitan nya. Sana makatulog pa ako.
Binlower ko ang buhok kasi gusto ko pa talagang matulog. Pagkahiga ko nagring ulit ang phone ko.
Di ko na pinansin kasi naaasar ako. Di naman siguro yun emergency sa Batangas kasi kung ganun nga kay Papa yun tatawag at hindi sakin. Wala na 'kong ibang maisip. Baka prank call. Asar sya. Agang aga e.
Marl. Marl. Gising ka na. 8 am na. Si Marc. Kumakatok. Haay. Nakabawi na ako ng tulog. Ayos na ako.
Wait! Wash up lang. Pumunta na ako sa CR at nag-ayos. Ready na ako at bumaba na ako ng hagdan. To my surprise, ang gwapong si Marc ay tulala sa akin. Kroo. Kroo. Ganda ko ba?
Tara na? Si Papa? Tanong ko sa kanya tsaka pa lang sya nabalik sa reality. Tapos biglang tumawa.
May dumi ba ako sa muka? Tanong ko ulit kasi hindi sya sumasagot.
Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa kusina para mag-almusal. Hinayaan ko na yung unggoy na tumawa sa sala.
Yayain mo si Marc. Nagsosolo ka dyan e. Si Papa yun. Kalalabas lang ng kwarto nya at bihis na bihis na.
Yaan nyo sya. Pinagtatawanan ako e. Nagpout pa ako tapos tumuloy nang pagkain.
Maya maya bumukas ang pinto. Akala ko may kukunin lang si Papa. Tapos biglang may pumasok. Di ko naman kita kasi nasa kusina nga ako. Rinig ko lang na kinausap sya ni Papa at pinaupo. Baka si Mang Berting lang yun at mangungutang. Hinayaan ko na.
Marc andun sa kusina si Marlene. Dun na muna kayong dalawa. Sabi ni Papa. Aba, si Mang Berting may balak pa atang isama si Papa sa kung saan. Mag-e-8:30 na kaya. Tapos kaming dalawa lang ni Marc sa bahay. Hay.
Nakatalikod ako sa may pinto ng kusina at lilingon sana ako nang may magsalita.
Marlene.
Sh*t. I froze for I don't know why. Kala ko kaming dalawa ni Marc. Ibang dalawa pala tinutukoy ni Papa. Anong ginagawa nya dito?
I feel like crying without any apparent reason. Kung kelan malapit na akong makamove tsaka sya magpaparamdam. Anong kaulagaan 'to?
BINABASA MO ANG
The One Destined
Ficção AdolescenteLove comes in a perfect timing. Love is a feeling I wanna feel. And, love is the least thing I can't have. There'll be no "you and I" Cause WE is a cannot.