8: Standards

5 0 0
                                    

Habang kumakain kami ng ice cream na parehong cheese flavor ay kinulit ko ulit sya.

Bakit ka nagblush? Yieee. Tungkol sa lovelife yan no? Pinipilit kong maging normal na reaction ang maipakita ko para naman hindi awkward.

Oy. Tumigil ka nga. Binili na kita ng ice cream ah. Kain ka na lang. Inabot nya sakin ang panyo nya in case daw na mag-amos ako dito. Tapos tiningnan nya ako straight to the eyes. May spark akong nafeel. Parang nakakasilaw.

Ay ganun? Suhol to? Nilapit lapit ko pa sa muka nya yung ice cream pero tawa lang sya ng tawa. Para daw akong bata na nalamang may secret ang kaibigan tas namimilit akong malaman yun.

Kasi... Ano... Ano bang gusto mo sa isang lalaki? Di sya makatingin sakin. Parang nahihiya ako. Wait. Parang narinig ko na to ah.

Itanong mo kung anong ideal man nya. Pag may konti ka dun, panalo na yan.

Ganyan ata yung pagkakasabi nun. Ganyan ata yung thought. Yan yung sinabi nina Lyndon kay Isaac. Bakit ako kinabahan? Di ako makapagsalita. Feeling ko ako naman ang mags-stutter ngayon. Oh noes.

Di ako makapagsalita. Naestatwa ako sa kinauupuan kong bench. Sobrang umiinit yung paligid kahit ang hangin naman dito sa field.

Uy! Tinapik pa nya ang balikat ko kasi nakatulala ako sa kanya. Nakakahiya. Bakita ba naman ako tumulala sa kanya. Ano ba yan.

May bigla akong naalala sa tanong mo e. Pinilit ko pang tumawa para naman di sya mag-isip na assuming ako masyado. Pero feel ko nga assumera na ako. Why Isaac Why?

Bale ang ideal man ko ay, hmmmm... Mga tipong ikaw. Mabait, gentleman, matalino, gwapo. Lahat na. Sabi nga ni DJ, Nasayo na ang  lahat~

Gentleman. Gentleman ka Isaac. Sobra. Lalo na yung paghatid mo sakin. Sobrang naapperciate ko.

Mabait. Mabait ka din Isaac. Ikaw pa lang ang nagtangkang maging kaibigan ako.

Magaling. Marunong rumespeto. Madami pa. Lahat ng nasa scout's law. Natawa sya sa huli kong sinabi. Isa isa kong binanggit ang mga nasabi ko at parang description ni Isaac ang ginawa ko.

Palagay mo masusunod kaya yang standards mo? Pagtatakang tanong nya. Actually, gusto ko syempre ganun. Pero one thing is for sure...

Hindi. Ang standards, pangmata at utak lang yan. Pag dumating ang true love, mababalewala yang standards na yan. Kasi puso na ang nagdikta.

The One DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon