19: Fall Out of Love

3 0 0
                                    

Marc. Tiningnan nya ako tapos nagtaas ng kilay na parang nagtatanong. Di sya umimik.

Bakit? Dagdag ko. Bakit nga ba ganyan sya sakin? Ang bait nya. Wala na din sya sa barkada kasi naiinis daw sya kay Isaac. Minsan sumasama naman yan sa kanila pag wala si Isaac.

Bakit ano? Tanong nya sakin. Naguguluhan sya. Pero mas naguguluhan ako. Di ko alam kung pano ko sya tatanungin. Hindi ko rin alam kung tama ba yung tanong ko.

Bakit? Bakit ka ganyan? Nakatingin lang ako sa kanya at halata naman ang pag-iwas nya ng tingin. Nakatingin lang sya sa coke float na inorder nya para sa amin.

Katahimikan. Walang umiimik. Nag-iisip ba sya ng isasagot o ano?

Huh? Anong meron? Bakit ako gwapo? Finally, tumingin sya sakin at ngumiti.

Hindi. Di ko alam kung anong idudugtong ko.

E ano pala? Halatang may tinatago sya. Kung ano man yun, hindi ko alam.

Bakit ang bait mo sakin? Uminom sya sa float at tumingin sakin. Straight sa mga mata. Nakita kong malungkot sya. Bakit na naman? Ang misteryoso pala nito. I know he's hurt deep inside.

Ewan ko. Siguro kasi komportable ako sayo. I want you to be happy. I don't wanna see you cry. I want to be the shoulder you'll cry on. Basta. I don't want to see you hurt. Tapos hinalikan nya ako sa noo. The most sincere kiss a man can give. Ewan. May iba talaga e. Kung ano yun, aalamin ko.

---

Ayokong maging awkward kami dahil sa sinabi nya. Di naman ako nakaramdam ng spark e. Siguro kasi nga ulila sya at wala syang ibang mapag-alayan ng pagmamahal nya.

Kain tayo. Libre ko. Sabi ko sa kanya cheerfully. Ang hyper ko ngayon. Gusto ko lang. Kasi finally di na masakit sakin yung nangyari.

Anong nakain mo at ikaw ang manlilibre? Ginulo nya ang buhok ko kaya nagpout ako.

Kasi po ayos na ako. Haha. Di na masakit dito oh. Nawala na lang bigla pagkagising ko. Tinuro ko yung puso ko. Proud na proud akong nakamove on na ako sa katangahan ko.

Sira ka talaga. Ang pagmamahal hindi nawawala ng biglaan. Hindi yan ilaw na pwedeng i-off agad agad. Kasi ang love may proseso. Depende sa prosesong gagawin mo ang magiging resulta. Either mababawasan hanggang sa mawala, o madadagdagan hanggang sa di ka na makawala.

Tiningnan ko sya. Lakas makahugot ng taong 'to ah. May pinagdadaanan?

Ang deep. So, falling out of love in an instance isn't possible. There must be a process. A long term one.

The One DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon