Chapter 8

228 19 4
                                    

Pinapanood ko lang na mag luto si bakla ng kakainin namin na ni-request ko, akalain mo yun marunong pala syang mag luto, akala ko puro ka-landian lang alam n'yan. 

"Masarap ka bang mag luto, 'day?" tanong ko. Baka maalat pala ang maluto niya o 'di kaya kulang sa lasa.

"Tsk! Syempre, masarap ako kaya masarap din akong magluto" seryoso nyang wika.

Inirapan ko nalang siya at Hindi na pinansin. Wala namang katotohan ang mga lumalabas sa bunganga niya. Bahala s'ya sa buhay niya, masyadong malandi.

Ilang sandali pa hindi ko namamalayan luto na pala ang paborito kong adobo. Nilapitan ko ito at kumuha ng isang pirasong karne at mabilis na kinain

Akalain mo yun alam naman talga niya magluto at ang sarap pa.

"Ang dugyot mo, bruha. Ba't mo kinamay?" nandidiring tanong niya. Anong akala nya saakin marumi? 

Humarap akong naka pamaywang sa kanya  "Hoy! for your information,  mister malinis ako!, " nanggagalati sa inis kong sabi.

Tumalikod ako sakanya at Nag tuloy-tuloy na naglakad papunta sa lalagyan ng mga utensils n'ya. Nanguha rin ako ng dalawang plato at kutsara para sa aming dalawa.

Inilapag ko na ang mga kinuha ko sa harapan nang bigla s'yang nagsalita "Buti namam at kinuhanan mo ako ng plate at spoon " maarteng sabi. Sabay kuha sa mga ito.

"Syempre naman!, may utang na loob ako sayo, eh. Salamat pala bakla at tinupad mo ang wish ko" masayang pasasalamat ko sakanya at ang bakla ang sama ng tingin saakin. Ano naman ang problema nito?.

"Anong akala mo libre lang yan, bruha?. P'wes nagkakamali ka, dahil may kapalit yan" seryosong sabi nya at kasabay ng pagtaas ng gilid ng kanyang labi. Kinilabutan ako sa ginawa niyang pag ngisi, alam kong may plano siya at hindi ko yun gusto.

"letche! Dami mong alam. Ano ba yong kapalit ng gusto mo?"

"Magluto ka ng pinakbet mamaya" excited n'yang tugon, hindi naman halatang favorite niya 'yon.

"Yon lang pala, eh" Akala ko kung ano na ang plano niya yun pala magpapaluto lang, may nalalaman pang pag ngisi ngisi. Pero bagay niya sarap kagatin.

"Good" simple niyang sabi at Hindi na muling nagsalita at maski ako rin naman. Ang sarap kaya ng ulam. Ang linamnam.

Hmmm.

"May jowabells ka ba?" tanong ko.

"What did you said? Jowan?"

"Jowa, as in boyfriend or girlfriend"

"tss. I don't have one"

pag katapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay bigla nalang siya natahimik habang naka titig sa kanyang plato.

"Parehas lang pala tayo. Boy hunting tayo gusto mo?" basag ko naman sa katahimikan. Nakakapanibago siya, bigla bigla na lang mananahimik.

"Pshh! 'Wag na" aniya na may pandidiring tinig.

Nagtaka naman ako sa inasta niya, bakit siya mandidiri kung lalaki din naman ang bet niya? Trip kaya niya?

"E'di wag. Ako na lang maghu-hunting"

"Landi mo"

"Hoy! Makapag sabi ka ng malandi, ah" naiinis kong bulyaw sakanya, wala na akong pakialam kung matalsikan pa siya ng kanin galing sa bunganga ko.

"Yicks! Dugyot mo. Mygash!" maarte niyang sabi atsaka pinunasan ang mga kanin na tumalsik sa kanyang mukha. Muntik na akong matawa dahil don.

"Psh! Arte!"

Tumunog ang kanyang cellphone kaya agad niya itong tinignan, may tumatawag kaya sinagot niya agad ito sabay tayo at lumayo nang kaunti sa p'westo ko.

'kala mo naman maririnig ko. Marahan ko siyang tinapunan ng tingin sa gilid, ang seryoso niyang makipag usap.

Natapos na ang tawag kaya lumapit siya sa akin "Hoy bruha, uwi ka na dali, bibisita sila mommy dito. Bilisan mo. Ayokong mapagalitan" nag mamadali nyang pagtataboy saakin.

"Pinapa alis mo na 'ba ako?"tanong ko

"Hindi ba halata?, makikita ka ng parents ko baka pagalitan ako"

"Mapapagalitan talaga? Ilan taon ka na ba?" tanong ko

"24"

"Yun naman pala eh, matanda ka na bakit kapa papagalitan?"

"Dami mong tanong, umuwi ka na lang, bilisan mo" natataranta niyang bulyaw.

"Bibisita? 'Di ba taga rito din sila? Ilang bahay lang ang pagitan?" nagtataka kong tanong

"Pake mo ba, trip nga nila eh at paano mo nalaman? Stalker!"

"Nasabi lang ng kapatid ko at hindi din ako stalker"

"Psh! Uwi" sigaw niya

"Oo na, eto na, Wag kang excited. Hindi naman kita isusumbong, eh"

"Isusumbong? Tungkol saan?"curios niyang tanong with matching kunot noo pa. Ang gwapo talaga.

"Hmmn na..... bakla ka"

"What!? Uuwi ka o sasabunutan kita? Ano mamili ka" seryoso niyang tanong. Muntik na akong matawa sa tinanong niya. Mapaghahalataan talagang bakla.

"Oo na uuwi na nga diba?" natatawang sabi ko

"Yoi"-siya

"Minikui"-siya

"Nani?" Oh di 'ba alam ko rin mag japanese, pero basic lang.

"Psh! Uwi"

"Eto na" napapadyak sa sahig kong sabi. Kanina pa 'to  para na akong bata kung pauwiin niya. Pero hayaan mo na gwapo naman.

Mabilis kong hinanap yung bag ko. Baka masabunutan pa ako nang wala sa oras at mahirap na baka maabutan din ako ng parents niya dito sa bahay ng baklang yon. Baka ano pang sabihin.

Pipihitin ko na sana pabukas ang door knob ng may nagsalita sa likod ko . 

"Sino ka?" tanong niya. 

Shet naabutan pa yata ako. Putang ina! Kuso!.

THE DAREWhere stories live. Discover now