Chapter 13

206 11 5
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na ingay na nanggagaling sa cellphone ko. Bwsit! Demonyo!.

Tumingin ako sa wall clock at alas dos pa lang ng madaling araw. Kung sino man ang tumatawag isa siyang malaking istorbo.

Inis kong inabot ang aking cellphone na nakapatong sa lamesa sa gilid ng aking higaan. Binuksan ko ito at Bumungad sa harap ng screen ang pangalan ni Alexis, mabilis ko itong sinagot.

"Bw*sit kang babae ka, ba't ang tagal mong sagutin, kanina pa ako tumatawag." Ang ganda nang pamungad niya saakin at ano daw?  ako pa ang bwisit ngayong kahit siya naman ang nangbulabog sa beauty rest ko.

"Gago! Anong problema mo? Tignan mo nga 'yang oras."

"Ikaw dapat ang tatanungin ko niyan eh. Gaga ka. Nakalimutan mo na ba?." Naiinis niyang wika. Siya pa talaga ang may karapatang mainis, ako na nga itong nabulabog ang napaka gandang tulog.

"Ang alin?."

"B-Byahe tayo mamaya sa Ilocos."

"Oo nga pala 'no, nakalimutan ko. Sorr-" Ang bastos niya talaga, pinatayan ba naman ako ng tawag.

Kailangan ko pang gisingin yung mga kapatid ko. Baka masarap pa ang tulog nila.

Lumabas ako ng aking silid patungong kwarto ng kapatid kong babae, pinihit ko ang doorknob at mabilis na pumasok sa loob. Gising na pala siya at naka bihis na. Ready nang umalis.

"Ate, gising ka na pala. Bakit hindi ka pa naka ayos?." nagtatakang tanong niya.

"Gaga! Bakit hindi mo ako ginising?."

"Nakalimutan ko. Sorry na ate." paglalambing niya saakin.

"Yung masungit nating kapatid gising na ba?."

"Kanina pa. Naka online na nga sa facebook kaninang pagkagising ko."

"Pupunta ba si Tita Marga mamaya?. Walang kasama si mama." wala ang mga katulong namin ng isang linggo dahil pinag bakasyon muna ni mama lahat sila.

"Oo, ate. Magbihis ka na kaya, anong oras na oh."

Pagkabalik ko sa aking kwarto ay nag ayos na kaagad ako baka magalit pa si Alexis pag natagalan na naman ako. Ang yayaman ng mga kasama ko pero mag co-commute lang kami, masyado talaga silang kuripot. Wala daw pang gasolina pero may pamasahe. Ayaw lang kasing magasgasan sasakyan eh.

Mabilis kong sinuot ang paborito kong faded ripped skinny jeans at simpleng damit na babagay sa suot ko at nag lagay na rin ako ng liptint  para naman may kulay ang lips kong maputla.

Nang matapos akong magbihis ay nilabas ko na ang mga damit na dadalhin ko. Nandoon na rin ang dalawa kong kapatid, si Jenny ay nag se-selfie at ang bunso naman ay busy sa pagkalikot ng kanyang ipad. Napailing nalang ako, kanina pa yata sila dito sa sala, tulog pa si mama, hindi na namin siya gigisingin dahil 'yun ang gusto niya.

Napatingin ako sa aking pambisig na relo malapit nang mag alas tres, baka papunta na dito yung inarkila nila Alexis na magsusundo samin at maghahatid sa terminal ng bus. Kahit na may kanya kanya naman silang sasakyan ayaw nilang gamitin dahil gusto nilang maranasang mag commute, mayayaman kasi.

Si Izach! Naalala ko nanaman siya. Baka hindi pa gising ang baklang yun.

Ma text nga.

Ako: Hey!.

Naghintay ako ng ilang minuto bago siya mag reply.

Izach: What?.

Ako: Naka bihis ka na?.

Izach: Yes.

Pagka receive ko ng message niya siya namang pagdating ng sundo namin. Bumusina ito.

"Let's go guys." My brother said.

"Jairus, did you call tita?." I asked.

"Yes."

"Okay"

Pagpasok namin sa loob ng van nakita ko silang lahat, pati ang mga kaibigan ni jenny kasama ang kapatid ni Izach. 

"Daanan natin si Zach." I said.

"Of course."- Alexis.

Himala tamihik silang lahat habang binabaybay ang daan patungo sa bahay niya. Nag text ako sa kanya kanina na maghintay sa labas ng kanyang  bahay.

Pagkadating namin sa harap ng bahay niya ay nandoon na siya nag hihintay saamin.

"Hey, babe." Pabungad kong bati ng makapasok siya dito sa loob ng sasakyan at syempre ako ito si maharot tabi kami.

"Tss! Annoying" Bulong niya pero narinig ko naman.

"Hey babe!, where's my kiss?" I playfully asked.

"Kiss your ass." Inis niyang wika. Nagtawan naman ang mga tao sa loob ng sinasakyan namin. Pero ang kapatid niya seryosong nakatingin sa kanya.

"Ouch. You wounded my heart." Panloloko ko. Pero may naramdaman din akong sakit sa sinabi niya. Nagbabago na siya, hindi na siya yung Izach na kilala ko dati, para na siyang hindi bakla. I wondered why. He's so cold.

Hindi niya ako pinansin at walang kibong nakatingin sa labas ng bintana. Malapit na kami sa terminal nang biglang tumunog ang cellphone niya. May tumatawag, nang makita niya kung sino ito ay mabilis niyang sinagot.

"Hello, babe?"

Para akong tinakasan ng dugo.

Babe?.

'yon ba yung babaeng kasama niya dati sa mall.

Nakita ko silang nakatingin lahat ng malungkot saakin. Parang may alam sila. Nagtatanong akong tumingin sa kapatid niya, ngunit malungkot lang niya akong nginitian.

"I will, babe. For you." He is so happy.

Ohh shit! Bakit ba ako nasasaktan?.
Mahal ko na ba talaga siya?.

"Good bye. I love you" wika niya.

Mariin akong na pa-pikit. Gustong ko ng umiyak pero wala naman akong karapatan. Ang sakit, akala ko bakla siya?. Parang mas gusto ko na lang na bakla na lang talaga siya kesa maging straight, kung hindi din naman ako ang magugustuhan niya. Yes, I'm so selfish.

"We're here." anunsyo ni Alexis.

Nagpahuli ako sa pagsakay sa bus. Ayaw kong makita nila na nasasaktan ako ng ganito. Ayokong kaawaan nila ako.

"Baba na po ako, kuya" paalam ko sa driver. Tumango naman siya.

Pag pasok ko sa loob ng bus magkatabi ang dalawa kong kapatid, si Zach katabi ang kapatid niya at Si Hannah at ang boyfriend nito. Ang malanding Alexis naman ay naka upo sa tabi ng isang lalaki. Habang ako naman ay walang  katabi. Naupo ako sa tapat ng upuan nila Calvin. Bale mag-isa ko lang sa left side nila at sa likod ko naman ang dalawa kong kapatid.

Napatingin naman ako kay Calvin at Mariin silang nag uusap na magkapatid.

"Bumalik na siya, kuya?." narinig kong tanong ng kapatid niya.

"Yes."

Hindi ko na sila pinansin at matutulog na lang ako. Wala rin naman akong katabi.

Unti unti na akong hinihila ng antok, marahil dahil na rin sa pag iyak ko kanina.


THE DAREWhere stories live. Discover now