"Sino ka?"
Sh*t naabutan pa ako ng pamilya niya, malaking kahihiyan ito.
Kahit natatakot ay dahan dahan akong humarap sa nagsalita sa likod ko at laking gulat ko sa aking nabungaran.
"Ate Jerra?"
"Ryden?" sabay naming tanong at nakaturo sa isa't isa.
"Anong ginagawa mo dito, ate?" nagtataka niyang tanong.
"May diniliver lang. Sige alis na ako" pag dadahilan ko.
"h'wag muna ate, papakilala muna kita sa kuya ko" nakangiti niyang wika.
"Kilala mo siya, Ryden?" nagtatakang tanong ni Zach nang maka lapit siya sa pwesto naming dalawa. Ang bilis naman ata niyang maka punta sa kinatatayuan namin, wala pa akong narinig na footsteps.
"Oo, kuya. Siya yung kasama naming pumunta sa tagaytay"
"Tagaytay? Anong ginawa nyo doon?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Namasyal lang" simple kong sagot habang dahan dahan na binubuksan ang pinto.
"Namasyal? Ba't 'di niyo ako tinawag?" hindi makapaniwala niyang sabi. Tatawa na sana ako kaso mukha siyang seryoso kaya H'wag nalang.
"Luh? Anong alam namin na gusto mo palang mamasyal"-ako
"Oo nga naman, kuya"
"Pshh"
"Uuwi na ako, bye!" paalam ko.
Lalabas na sana ako ng kabahayan ngunit mabilis na sumigaw si Zach.
"Stop!"
Lumigon ako sakanya at pinukol ng nagtatanong na tingin.
"H'wag ka munang umuwi" seryoso niyang wika.
Baliw ba siya? Kanina lng pinapa uwi niya ako.
"Nande?" nag tatakang tanong ko.
"May pag uusapan pa tayo"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay niya. Problema kaya non?
"Kuso!" malakas na sigaw niya ang narinig ko sa loob ng kanyang bahay.
Walang pumapasok na taxi dito sa loob ng village nila kaya nilakad ko nalang hanggang labasan para maka sakay lang ng taxi pa uwi sa bahay.
Pagka dating ko dito sa labas ng village pumunta na agad ako sa waiting shed para maghintay ng taxi. Mga ilang minuto na rin ang lumipas pero wala pa ding dumadating.
"Ang tagal naman ng sasakyan sheez!" naiinip kong bulong.
"Traffic"
"Ahy! Animal ka!" gulat kong sigaw sabay lingon sa nagsalita sa aking likuran. Oh shet ang pogi, kamuka ni Captain America. Naka red na polo tapos shorts na hanggang tuhod. Shet howt.
"Mukha ba akong animal?" hindi makapaniwala niyang tanong
"Sorry!, nanggugulat ka eh" nahihiyang sabi ko
"Okay lang, traffic kaya mahirap mag hintay nang dadaan na taxi"
"Ah! Mag grab nalang kaya ako?" tanong ko. Mukha na ba akong feeling close sa lagay na ito?
"Subukan mo, baka maipit din sa traffic"
"h'wag nalang pala, maghihintay nalang ako"
"Sige, kung yan ang gusto mo"
"Saan ka ba pupunta?" nagtataka kong tanong. Shez! Ano bang pinag gagagawa ko. Please self refrain from talking to strangers. Pero kasi ang gwapo talaga ih.
"Wala, taga diyan lang ako sa Saito village"
"Ano palang ginagawa mo dito?"
"Sinabihan lang kita na traffic"
"ohhhkay, thanks" baliw ba 'to? Mag papakapagod para lang sabahin ako na traffic o sa ganda ko lang talaga?.
"Sige, mauna na ako" paalam niya t'saka dumiretso na papasok sa village nila na pinanggalingan ko din. Nakalimutan kong tanongin pangalan niya shezz!
Hindi nag tagal may dumaan ng taxi at mabilis ko naman itong pinara baka maunahan pa ako
"Saan ka po bababa?"tanong ni manong driver
"Diyan lang sa pangalawang kanto, kuya"
"Sige"
Nang makababa ako ng taxi ay mabilis akong pumasok sa bahay namin dahil sa naririnig kong ingay galing sa loob. Pagka-pasok ko sa loob ay nagulat ako sa aking nadatnan, hindi ko alam na uuwi pala siya ngayon
"Jerra! I miss you" naka ngiti nyang sabi sabay mahigpit akong niyakap "dalawang taon hindi kita nakita" sabi niya
"I miss you too, papa" naka ngiting wika ko
Humiwalay na si papa sa aming yakapan "Halika Jeng, upo tayo" tawag sa akin ni papa.
"May boyfriend ka na ba, Jeng?"tanong niya pa.
"Wala pa po" sagot ko
"Ikaw Jenny?"
"Wala pa po, 'pa" nahihiyang sagot ng kapatid ko
"Anong wala, ano mo si Ryden?" patay malisyang tanong ko kunware, laglagan na dis.
"Hindi ko siya boyfriend, ate, pinsan lang siya ni Michaella" mablis niyang sagot.
"Nasan pala si Jetro?" tanong ni papa
Palagi nalang wala yung kapatid kong yun. Saan nanaman kaya nag sususuot yun
"Nasa kapitbahay lang yun, Mahal" sagot ni mama. Gustong gusto ko ng masuka dahil sa tawagan nila, ang porny(corny) lang kasi eh.
"Uuwi tayo sa cebu bukas" deklara ni papa
"Yes!" sabay naming sigaw ni Jenny, matagal tagal narin yung last na punta namin sa cebu, dalawang taon narin ang nakalipas, nasa abroad kasi si papa kaya hindi kami maka punta sa lugar kung saan siya lumaki.
"Mag ready na kayo ng mga dadalhin nyo, dalawang linggo tayo doon" masayang sabi ni papa
"Yon ohh!" sigaw ni Jenny sabay takbo papunta sa kwarto niya.
"Mag i-impake na ako 'ma, 'pa" paalam ko at mabilis ding pumasok sa aking silid.
"Dalawang linggo din kitang hindi makikita Zach" bulong ko sa'king sarili.
YOU ARE READING
THE DARE
RomanceThe first time she saw him, she was fascinated by his angel like face and well muscled body Until she found out that.... He is a GAY Wait! What? will you prevent yourself from falling? What if one day you will feel that you're already in love? "Wh...