Chapter 7

258 22 13
                                    

Ngayon ko lang nalaman na CEO pala ng Saito Inc. ang baklang 'yon. Kilala ang Saito Inc.  dahil sa taas nilang magpasweldo at puro professionals din ang karamihang natatanggap doon.

Gusto ko nga sanang mag apply kahit secretary lang, kaso hindi natuloy dahil ayaw pa ni mama na magtrabaho ako, hindi ko nga alam kung bakit ayaw niya pa. Matagal naman na akong tambay lang sa bahay.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang bakla, kung hindi lang siya nagsalita ay kanina pa sana ako nalunod sa aking iniisip dahil sa sobrang lalim.

Oo hindi ko tinupad yong sinabi niyang wag na akong bumalik dito sa condo niya, bakit sino ba siya sa tingin niya? Mayor?.

"Ha?" nagugulohang tanong ko .

Nakita ko naman ang iritasyon sa mukha nya bago sumagot

"Ang sabi ko, may nakita ka bang lalaking lumabas dito sa condo ko kahapon bago ka pumasok?"

"Meron. Pinsan mo daw sya, ang gwapo niya bakla! Kyah!"

"Tss. Whatever, wag kang lumapit sa kanya" seryoso nyang wika.

"Bakit naman? Sayang din yon bakla gwapo pa naman "

"'Wag ka na nga lang magtanong bruha. Bwesit ka at isa pa ayaw kita para sakanya."

Hmmmn. Sungit!. May dalaw siguro

"Sino bang nag sabi na type ko yong pinsan mong 'yon?"

"Malay ko. Alam ko naman 'yang ugali mo, basta gwapo go kana"

"Hoy! Grabe ka sakin, ah!, ganon ka rin naman eh. Nabubuhayan yang mga mata mo pag nakakakita ka ng gwapo"

"Tsk! Mas grabe ka kaya" pairap niyang sabi

"I know right!" maarte kong wika.

"Bakit ba palagi kanalang nandito? Wala ka bang trabaho?" seryoso niyang tanong sakin .

"Wala" simple ko namang sagot

"Sabi na nga ba, mag hanap ka na nga lang ng trabaho mo para hindi kana makapunta dito"

"Ayaw mo ba talaga akong pumunta dito? E di sige maghahanap na ako ng trabaho bukas na bukas din" seryoso kong sabi habang naka tingin sakanya. Nag angat siya ng tingin at diretsong nakatingin din saakin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. He looks so serious.

"Mabuti naman"

"Diba may kompanya 'yong pinsan mong yummy?" naka ngiti kong tanong, Yummy na ang tawag ko kay Zaydem dahil parang ang ganda ng katawan niya kahit hindi ko pa nakikita, feel ko lang.

"Meron. 'Wag mo sabihing gusto mong magtrabaho doon? Sinasabi ko sayo wag kang lapit ng lapit sakanya" hindi maka paniwalang tanong niya dagdagan mo pa nang pag-iling ng ulo. Seryoso nga siya sa sinabi niya dating na 'wag daw akong lalapit sa pinsan niyang iyon.

"Edi wag. Hindi muna ako magtratrabaho sa ngayon, chill muna para pag trip konang magtrabaho ay tuloy tuloy na" Nqkahinga naman siya ng maluwag sa sinabi kong hindi muna ako mag tratrabaho, dahil siguro akala niya totohanin kong magtrabaho sa pinsan niyan yummy.

"K"

"wag mo akong ma k-k diyan, ha!" naiinis kong sigaw. Ayoko pa naman sa lahat ay yung sinasagot ako ng maikli. Baka maingudngod ko pa siya diyan.

"Edi L, arte nito eh. Hindi naman maganda" pang aasar niyang wika.

"Letse! Ang ganda ko kaya" Maarte kong sabi sabay flip ng hair sa mismong mukha niya.

"Yuck! Gross!, 'wag mo ngang ilapit lapit yang hair mo saakin, ang tigas, parang steelwall" nandidiri niya kuno'ng sabi .

Letse! Ang arte.

"For your information, I always used conditioner"

"Hindi halata"

"Huh! Do you want proof?"

"Where?"

"Where's your shower room?"

"hahaha! Siraulo, maliligo ka sa harap ko?" hindi makapaniwala niyang tanong

"Oo, ano gusto mo?"

"'Wag na! Alam ko namang hindi ka talaga naliligo eh"

"Epal mo. Tara nga sa kusina, pag luto mo ako ng adobo"

"Ano ako katulong mo?" Tanong niya.

"Ipagluto mo lang naman ako, eh"

"Ayoko nga" -siya

"Pwes! Pupunta ako sa bahay niyo at sasabihin kong beks ka" mala demonyo naman akong tumawa habang siya namumutla na. Niloloko ko lamang siya na sasabihin ko sa parents niya na isa siyang sirena,gusto ko lang talagang kumain dahil gutom na gutom na ako.

"Oo na, ano bang gusto mo?" napipilitan niyang tanong, takot din naman pala ang ate niyo ehh. Tinaasan ko kuno siya ng kilay

"Napipilitan ka lang yata eh?sabihin mo lang"

"Tss! What do you want?"

"Adobo" Mabilis kong sagot

Naglakad na siyang papuntang kusina kaya sumunod narin ako.

"Ang cute ng lakad mo beks"

"Damare"

"Pshh! Alien"

"Minikui"

"What?"

THE DAREWhere stories live. Discover now