Habang ako'y nag aayos para sa gaganaping party dito sa bahay namin, di 'ko namamalayang nakapasok na pala ang isa kong kaibigan.
"Hey! Sis." pukaw nya sa katahimikan.
Napatingin naman ako sakanya at pinukol ng maarteng look.
"Why? Tangina mo ba't hindi ka pumunta kanina dito, ha?" Anong akala nya hindi ko makakalimutan 'yong promise nya na tutulong siyang mag aayos dito sa bahay namin. No way! Hindi ako makakalimutin, bata pa ako at fresh na fresh, single and ready to mingle.
"Hehehe! Sorry, sis, busy kasi ako eh. Pumunta naman si Hanna kanina kaya okay lang." Alangain itong tumawa habang ang kamay ay naka peace sign sa harap niya.
"Letche! Umalis naman agad 'yong bruha na 'yon eh."
"By the way you look so beautiful... pero mas maganda nga lang ako."
Wow! Ang epal huh, napaka kapal ng mukha. Ang dyosa dyosa ko kaya tapos sasabihin niya lang na mas maganda siya? As in WOW, huh.
"Gago. Atleast ako tunay na babae, hindi gaya mo na may lawit." pangloloko ko sakanya at pinipigilang hindi tumawa, dahil naiinis nanaman siya.
Oo Bakla siya, dyosang bakla, kabogera ang ganda niya. Ang kapal ng kilay at ang tayog ng ilong. Parang model sa ka sexy-han. Maganda ang hubog ng katawan. Lalaking lalaki. Wish ko lang ma inlove sana siya sa isang babae dahil sayang ang lahi. Hindi naman siya yung tipong ladlad na ladlad, hindi rin siya nagsusuot ng damit pambabae.
"Hmmp! Sabunutan kita diyan eh." nagtatampo niyang sabi na may kasamang inis at panggigigil.
"Oo na nga ang ganda mo pati 'yang suot mo bagay sayo."
Naka suot siya ng black polo shirt na nakabukas ang dalawang botones sa taas na naka tuck-in sa slacks. Ang manly lang tignan.
Ako naman ay naka A-line off shoulder grey dress with side split.
"I know." proud niyang sabi habang wina-wave ang kamay na parang miss universe.
"Yucks! Hindi mo bagay, pang miss Gay kalang diyan sa may Plaza eh and You know that I'm more beautiful than you."
"Oh! Dream on bitch"
"You dream on" Sagot ko.
"Tara na magsisimula na ang party pa-special ka, bakit ikaw ba ang may birthday ha?." Iritadong wika niya.
"Hindi." simple kong sagot at ginawaran siya ng nakakalokong ngiti.
--
Kami ay mariing nanunuod sa nagaganap sa stage nang napukaw ang tingin ko sa isang lalaking napakakisig na naka upo sa isang table malapit sa unahan.
Hindi maalis ang tingin ko sakanya
Parang may magnet ang maamo niyang mukha. Ansarap panggigilan ang sarap paghahalik—— ano ba 'tong naiisip ko?."Do you know him?" kalabit ko sa aking kaibagan sabay nguso sa lalaking gwapo, bagay sakanya yung tux. niya.
Kahit ano ang pwede mong isuot basta formal.
Tinignan nya naman kung sino yon.
"Hindi. Bakit type mo?" tanong niya na. Hindi rin maalis ang tingin kay Mr. Poging-soon-to-be-jowa-ko. Oo soon to be jowa ko ang tawag ko sakanya dahil iyon ang nafe-feel ko.
Syempre joke.
"Hindi, a." sagot ko at nag iwas ng tingin sabay baling sa stage.
"Nasan pala si Hannah?" tanong niya.
"Malapit na daw"
Wala pang limang minuto ng dumating si Hannah kasama ang jowa nito.
"Ayan na siya, oh" turo ko sa kanila.
Papalapit sila sa p'westo naming dalawa habang magka hawak ang kamay na naglalakad.
"Hello, girls" bati nilang mag jowa nang makalapit na sila saamin.
Tsk! Siya na ang may'rong jowa!. Ako na ang wala!.
"Hello"
"Halo~"
"Let's all welcome Ms. Jenny Krington the debutant." napukaw ang paningin naming lahat nang ipakilala ng pinsan naming si Karina na siyang tumatayong emcee ng party ang kapatid ko.
Ang ganda ng kapatid ko ngayon, talagang nagmana saakin. Bagay na bagay sakanya ang gown niya para siyang prinsesa. Color peach gown at may flower na design.
---
Patapos na ang party ng lumapit sa pwesto namin sina Jenny at ang mga kaibigan nya.
"Hi mga ate at kuya" pagbati nya at nakipag beso beso sa'min.
"Hello, baby. Happy birthday! " bati ko.
"Ate, naman hindi na kaya ako baby," wika nya.
"Para sa akin baby parin kita" sabi ko naman.
"By the way si Janella, Erica at Michaella nga pala, ate," pagpapakilala nya sa kanyang mga kasama.
"Hello, I'm Jerra. Siya naman si Alexis, Hannah at si Zechariah"
"Hmmn. Ate, si kuya Vann Izach Saito nga pala pinsan ni Michaella." pagpapakilala niya sa gwapong lalaki.
"Sis, 'di ba siya 'yung gwapo kanina na tinatanong mo." bulong ng bakla sa tabi ko.
Siya iyong gwapings kanina. Shemay! ang gwapo nya talaga, lalo na sa malapitan at ang name ang cute.
"Oo." mahinang sagot ko, 'yong kami lang makakarinig.
"Hello I'm Jerra Alisha." pagpapakilala ko with matching shake hands pa. Tsansing na toh!.
Ohmyghad inabot nya ang kamay ko at Haler ang lambot Shete naman ohhh nakaka inlove.
Kyah!.
Hindi ko namalayan na ang tagal ko na palang hawak ang kamay niya habang naka titig sa gwapo niyang mukha.
"Hey! Let go of my hand" nagulat nalang ako sa kanyang paghila dito.
Hmm... Arte! Sarap tadyakan
Sungit. Buset. Gwapo pa naman.Woah ba't ang talim ng tingin nya? Inaano ko ba siya?
"Heheheheh, sorry Mr. Gwapong-soon-to-be-jowa-ko" ohh shets ano ba 'tong pinag sasabi ko?nakakahiya!
"What?!" gulat niyang tanong.
Dyosa kong bunganga naman ehh, pinapahiya mo ako at sa soon to be jowa ko pa.
"Ahh w-wala, sabi ko ang gwapo mo." kinakabahang paliwanag ko. Kung ano-ano nalang lumalabas sa pretty mouth ko
"Tssk!. " tinitignan niya ako ng matalim.
"Sige ba-bye muna at goodnight nalang." dali-dali kong paalam sakanila at baka mapatay ako ng Izach na yun, shete gwapo pa naman kaso mukhang tigre kung tumingin parang gusto akong laplapin, este lapain pala.
Nakahiga na ako sa aking kama ngunit hindi parin mawala wala sa isip ko ang mala anghel na mukha ng Izach na yun parang galing siya sa langit.
Kanina pa tapos yung party.
Hmmnn. Vann Izach Saito, huh?
Zach nalang tawag ko sayo baby.Humanda kana baby Hahanapin kita bukas. Ipapa lasap ko sayo ang tinatawag nilang langit at sisiguraduhin kong hahanap hanapin mo yon nang sagayo'y hindi mo na ako makakalimutan, pero joke lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/164202587-288-k736539.jpg)
YOU ARE READING
THE DARE
RomanceThe first time she saw him, she was fascinated by his angel like face and well muscled body Until she found out that.... He is a GAY Wait! What? will you prevent yourself from falling? What if one day you will feel that you're already in love? "Wh...