Chapter 10

221 18 4
                                    

Kadadating lang namin galing sa mahabang bakasyon sa cebu at heto ako nasa harap nanaman ng bahay ni Zach. Pinihit ko pabukas ang pinto at laking pasasalamat ko ng ito'y bumukas, gusto ko siyang i-surprise kaso ako ang na-surprise nang madatnan kong may naka upo sa kanyang sofa pagkapasok ko

"Sino ka?" tanong ko. Nagulat siya sa biglang pagtanong ko kaya't mabilis siyang tumayo

"Yumiko castillo" formal niyang pakilala. Kumunot naman ang aking noo habang tinititigan siya.

"Ms. Castillo, let's go" narinig kong sabi nang nagsasalita habang palabas ng kusina

"Yes, sir" sagot ng babae na nasa aking harap

"Ohh Hello, Ms. Krington" bati ng nagsasalita kaya nilingon ko naman ito.

"Hello, Zaydem" naka ngiti kong bati din dito.

"We have to go" sabi niya at baling ng tingin kay Yumiko, naintindihan naman nito ang gusto niyang sabihin kaya nang naka alis na sila ay mabilis akong lumapit kay Zach.

"Hello Zach, I missed you" naka ngiti kong sabi, inirapan niya lang ako at naglakad palayo.

"Zach baby~ may pasalubong ako sayo"

"Pake ko"

"Binili ko pa 'to para sayo"

"Sino bang nagsabing bilhan mo 'ko"

"Trip ko lang"

"Tsk!" lumapit ako sakanya at tumabi ng upo

"Binili ko'to para sayo, Zach" wika ko sabay lahad ng mga binili ko galing sa cebu.

"Ano naman 'to?" naiinis niyang sabi, pero kinuha naman niya.

"Buksan mo"

Dahan dahan niya itong binuksan na para bang nag iingat dahil baka may maruming laman ito pshh arte. Nang tuluyan niya na itong nabuksan ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi ngunit mabilis din itong nabura nang makita niya ang damit na may nakalagay na I <3 CEBU

"Bakit may naka lagay pang paangalan mo dito? Ang ganda na sana" l naiinis niyang sabi.

"Para palagi mong naaalala na ako ang nagbigay niyan" naka ngiti kong sabi.

"Siraulo"

"Ikaw na nga itong binibigyan"

"E di salamat" napipilitan niyang pasasalamat

"Welcome, Uwi na ako mag si-six na nang gabi" paalam ko

"Mabuti naman" bulong niya

------

Pagkadating ko palang sa aming bahay ay sinalubong na agad ako ng tanong ng aking ama "Saan ka galing, Jeng?"

"Sa kaibigan ko, 'pa. Binigay ko lang po yung binili kong pasalubong para sakanya"

"Matulog kana pala dahil ihahatid niyo pa ako bukas sa airport" malungkot na sabi niya

Babalik nanaman si papa bukas sa Japan dahil may emergency na nangyari sa company na pinag t-trabaho'han niya doon.

"Suge po, pa. Matutulog na ako" paalam ko

"Sige"

Pagkapasok ko sa aking silid nakaramdam kaagad ako ng pagod kaya humiga na ako kaagad, inaantok na ako kahit 6:38 palang kasi pagod ako sa byahe namin kanina.

---
Pagkagising ko sa umaga mabilis akong nag ayos at naligo dahil ngayon na ang balik ni papa sa japan, matagal nanaman bago siya babalik. Nang matapos akong maligo ay bumaba na kaagad ako para kumain ng almusal, nakita ko naman si Jairus na abalang nakasilip sa kabilang bahay.

"Hoy! Anong sinisilip mo dyan?" danong ko sabay silip din.

"Ahy! Silip" gulat niyang sigaw.

"Wala, ate. Tara na sa kusina kanina ka'pa namin hinihintay" mabilis niyang tanggi. Tumango naman ako at sabay na kaming nagtungo sa kusina.

"Good morning, Everyone" masigla kong bati at binigyan sila ng halik sa pisnge.

"Good morning too. Jeng. Upo kana para makakain na kasi nine ang flight ko" - papa

"Sige po papa, mami-miss po kita" malungkot kong wika

"Ako din po"-si Jenny

"Mami-miss ko'din naman kayo"

Binalingan ko ng tingin si Jairus dahil hindi man lang siya nagsasalita at ayun nakatingin nanaman sa kabilang bahay. Ano kayang meron don?

"Jai, ano bang tinitignan mo doon?" nagtataka kong tanong.

"W-wala ate, k-kumain kana lang. Pakialamera" Nauutal na wika niya. mabilis ko naman siyang binatukan, sabihan pa akong pakialamera nag tatanong lang naman ako, lakas din nitong kapatid kong to.

"Aray ko naman, ate" daing niya ngunit hindi parin maalis ang kanying tingin sa kabilang bahay.

"Mama, ano pong meron diyan sa kabilang bahay?"tanong ko kaya lumingon silang lahat saakin,

"May bagong lipat" sabi niya, kaya naman pala kanina pa tingin ng tingin ang kapatid ko.

"Babae po ba yung anak, ma?" patay malisya kunwareng tanong ko.

"Ah! Oo. Ang gandang bata" Kwento ni mama

Napatingin naman ako sa kapatid kong patay malisyang kumakain.

"Type mo yung bagong lipat?" nanunukso kong bulong dito kaya mabilis siyang nag iwas ng tingin saakin

"Hindi ah" umiiling na tanggi niya.
Hindi daw pero kanina pa tingin ng tingin sa bagong lipat.

"Okay, sabi mo eh" patay malisya kong sabi at pinagpatuloy ang pagkain.

"Hindi ko nga gusto sabi eh!" napipikon niyang bulong sa tenga ko sabay apak sa bagong linis kong kuko sa paa.

"Ouch!" malakas na daing kaya napatingin silang tatlo sakin at tinaponan ng nagtatakang tingin.

"Wala"

Pinipigilan namang tumawa ng katabi, kahit gustong gusto ko nasyang kutusan ay hindi ko magawa.

"Hintayin mong umalis sila, lagot kasakin demonyo ka" asar talo kong bulong sa tenga ng kapatid kong demonyo.

"As if naman matatakot ako" mapang uyam niyang sagot. Sarap manakal ng demonyong bunsong kapatid.

"Sabi mo eh"

"Of course" he said

"Wag mo akong ma engli-english diyan"

THE DAREWhere stories live. Discover now