"Hmmn. Where are we?" He asked while busy roaming his eyes around. Nang matapos tignan ang paligid, siya naman ang pinag diskitahang titigan nito.
"Dunno!. Nag stop over tayo, do you want to go outside or you wanna stay here?" Mataray niyang tanong, ayaw niyang ipahalata dito na naaapektuhan siya sa klase ng tingin nito. Tagos na tagos parang binabasa lahat ng himay himay ng kaluluwa niya.
"Susunod na lang ako" sabi nito sabay iwas ng tingin sakanya, naramdaman din ng binata na nababalisa siya.
"Okay!" walang ka ngiti ngiting tugon niya at pumihit na upang lumabas ng bus. Pupuntahan pa niya ang babaeng kasama niya. Nag tungo ito sa CR ng karenderya.
"Ba't parang ang tagal mo ata sa CR?. kanina pa kita hinihintay" tanong niya na naka kunot noo. Kanina pa ito sa pinuntahan, sinabing nitong iihi lang at mag aayos pero nasa sampong minuto na ang naka lipas bago naka balik.
"Duhh!, andami kayang tao tapos meron pang epal na lalaki sa labas. Nakaka irita siya ang lakas ng boses makipag usap sa cellphone tapos tinignan pa ako ng masama tumingin lang naman ako sa kanya" mahaba at mabilis na lintaya nito, bakas sa kanyang itsura ang labis na inis, nanggigigil parang gustong manakit.
Napatawa naman ng mahina si jerra "Ang cute mo naman mainis, nakaka gigil" wika niya at mahinang pinisil ang mapupulang pisnge nito.
"Ouch!, Jerra" naka ngusong daing naman ng dalaga. "Let's go inside. I'm starving na" maarteng ani nito habang pinapaikot ang mga mata.
"Ngayon o lang naisipan?kanina pa kaya ako nagugutom." Mataray na wika ng dalaga at humalukipkip sa harapan ni Jillian.
Tapos na silang kumain at paakyat na ng bus dahil aalis na ang sasakyan patungong Ilocos. Nang maka upo silang dalawa ni Jillian ay bigla nalang itong humagikgik ng mahina na siyang ipanag taka niya. Ano nanaman kayang pumasok sa isip nito.
Tinignan niya ng mariin ang katabi ngunit inosente itong bumaling sa kanya.
"What?" Inosenteng tanong ni Jillian habang pinipigilang tumawa.
"Anong nakakatawa?" Mataray niyang tanong at pinataas ang kaliwang kilay.
"Tignan mo kasi 'yong lalaki oh" Naka ngiting wika nito at inginuso ang nasa kabilang parte ng bus.
tinignan naman niya ang itinuturo nito. si Zach na natutulog habang bahagyang naka awang ang mapupulang labi na para bang nang aakit. Nag iwas siya ng tingin dito at ibinaling nalang sa may bintana.
"Type mo no?" Mapang asar nitong wika sa kanya, marahil ay nakita nito ang naging reaksyon niya kanina.
"Oo, kaya kung may balak kang agawin siya, wag mo ng ituloy dahil may iba ng laman ang puso niya" Mapait niyang lintaya at iniiwasang hindi magawi ang tingin sa dalaga.
"Siya ba 'yong tinutukoy mo kanina?"
"Uhh-mm h-hindi a-h" Nauutal niyang kaila ngunit hindi naman naniniwala ang kausap dahil masyadong halata ang naging reaksyon niya.
"'Wag ka nang mag kaila. Halata kaya na siya 'yong tinutukoy mo"
Ayaw man niyang aminin, wala na siyang pagpipilian pa dahil hindi siya nito tatantanan hanggang hindi niya nasasabi ang totoo. Magaan na ang loob niya kay Jillian kahit na kakikilala pa lamang nila kaya hindi na siya nag dalawang isip na mag k'wento dito.
"Unang kita ko palang sa kanya n'ong debut ng kapatid ko, nagustuhan ko na 'yan eh kaso ang sungit niya kaya napag planohan kong gulohin siya kinabukasan ng party, nalaman ko 'yong address niya sa kapatid ko kaya pinuntahan ko agad siya. Naging close naman kami pero hindi niya alam na may gusto ako sakanya. Nag sho-shopping kami ng kaibigan ko n'ong nakita ko siyang may kasamang babae, tapos ang sweet nila. Bago kami umalis sa manila tumawag pa 'yong babae, ang sakit lang eh. Marinig mo 'yong taong gusto mo na may ka I love you-han na iba" Mapait siyang ngumiti dito.
"Ouch!. That's okay, ipapakilala nalang kita sa mga friend ko pagdating natin ng Ilocos, for sure magugustuhan mo sila" Wika ni Jillian na pinapagaan ang loob niya. Buti nalang at meron ang nasabing dalaga para may mapag k'wentuhan siya ng problemang kinikimkim niya.
"Thank you, Jillian, gumaan ang loob ko nong na kwento ko sayo ito"
"You're always welcome"
YOU ARE READING
THE DARE
RomanceThe first time she saw him, she was fascinated by his angel like face and well muscled body Until she found out that.... He is a GAY Wait! What? will you prevent yourself from falling? What if one day you will feel that you're already in love? "Wh...
