Hindi mawala-wala sa isip ko ang nagyari sa bar kagabi, ang mapusok naming paghahalikanpakshet naman ohh! Nakakahiya yon.
Pero infairness ang lambot ng labi niya. Ang sarap pang humalik
Naalala n'ya pa kaya 'yon? Sana naman hindi na, ang alam ko lasing na kami pareho kagabi kaya nga niya ako nahalikan, pero pag hindi 'yon lasing malamang nagsuka na siya sa harap ko pa mismo, kasi nga pareho kami ng tipo, mga lalake.
Bigla naman akong nakaramdam ng gutom kaya bumaba muna ako para kumain. Mahirap ng magka ulcer.
"Manang, ano pong ulam?" tanong ko sa aming kasambahay na si Manang Letty.
"Adobo" matipid niyang sagot bago umalis sa harap ko para pumunta sa garden naming rose karamihan ang tanim, ang hilig ni mama magtanim ng mga flowers pero rosas ang pinaka marami. Favorite niya kumbaga.
Malapit na akong matapos kumain nang pumasok ang kapatid kong babae dito sa kusina, ang lawak ng ngiti sa labi.
ano naman kaya ngini-ngiti-ngiti nito?
"Why are you smiling?" nagtataka kong tanong.
"Nothing, ate" aniya.
Ano nanaman kaya ang trip ng babaeng 'to? Ngiti ng ngiti na para bang baliw.
"Hoy! Ano bang ngini-ngiti ngiti mo dyan, ha?" naiirita kong tanong sa kanya.
"Natulog ka ba sa bahay ni kuya Vann Izach, ate?. Grabe ka! You've just met nilalandi mo na agad" sabi niya na may kasama pang mapanuksong ngiti. Gusto kong matawa sa sinabi niyang nilalandi ko ito. Kung alam niya lang sana na hindi tatalab ang gagawin kong paglalandi sa lalaking 'yon.
"Hoy! Makapagsabi ka ng nanlalandi ako. Oo natulog ako nga don" kung alam mo lang.
"Sabi na nga ba, e. Ano ate masarap ba?".
"Anong masarap?" naguguluhan kong tanong.
"'Yong ano ate hihihi, 'yong ano".
"Ikaw ah, kung ano anong tinatanong mo". Alam ko na 'yang ibig niyang iparating. Inirapan ko siya at tinapos na ang pagkain.
Kids nowadays, kung ano ano nalang nasasabi at mga nalalaman.
Tumayo na ako kaagad at hinugasan ang aking pinag kainan. Kahit na may katulong kami hindi kami pinalaking tamad ng mga magulang namin, kaya naghuhugas kami ng plato pagkatapos kumain, Dahil baka magalit si mama. Laking probinsya pa naman.
Gusto ko nga sanang magbakasyon sa probinsya nila mama sa Ilocos kaso walang kasama. Busy ang mga bakla sa kanya kanya nilang landi.
Naalala ko pa nong huling punta namin do'n. May nakilala akong lalaki. Si Carl, ang bait niya, masipag na gwapo pa, kapitbahay siya nila mama. Palagi niya kaming ipinapasyal sa mga beach at sa kanilang taniman ng palay. Maganda doon refreshing.
Hindi lang puro beach at bukid ang pinupuntahan namin dati, meron ding historical places like Calle Crisolog sa Vigan City.
Maganda ding tumira sa province.
You can breathe fresh air, ang sarap sa pakiramdam, hindi gaya dito sa manila puro pollution ang nalalanghap. Hindi healthy. Madaling mamatay.Nagtungo na ako sa aking silid para matext ang mga bakla, actually si Pauline lang na dating Paul ang bakla sa'ming magkaka ibigan pero bakla o sis ang tawagan namin sa isa't isa.
To: Beks Pauline
Hey! May ginagawa ka?.Limang minuto muna ang lumipas bago siya nag reply.
Frm: Beks pauline
Meron, kasama ko jowa ko. Bye! Busy ako.'di kayo na ang may jowa pshh. Si Hannah nalang ang ite-text ko.
To: Beks hannah
Pst! arats.Aayain ko nalang siyang mamasyal.
Frm: Beks hannah
Next time nalang. Busy ako.Ughh! Magkasama siguro sila ni legion, ang boyfriend niya. Pinatay ko ang aking cellphone at itinabi sa aking higaan dahil wala din naman na akong gagawin, busy ang mga bakla. Pag ako nagka boyfriend "Who you" sila sa'kin.
Kesa sa magmokmok dito sa boring kong kwarto sasama nalang ako sa lakad ni Jenny. Lumabas ako sa aking silid at pumunta sa sala para sabihin sa kapatid ko na sasama ako sa lakad nila.
"Jenny, sasama ako sa lakad niyo" I said while walking towards her.
"Sige, Ate. Bihis ka na pupunta na kami" magalang naman niyang sagot saakin.
"Okay, wait for me"
---
Nandito kami ngayon sa tagaytay, 'di ko nga alam kung ba't kami nandito. Sumama lang talaga ako kaya.
"Let's eat guys, my treat" sabi ng gwapong lalaki, yung nag drive.
May kamukha siya, I feel like I saw that face before but I can't figure out where.
"You sure?" tanong ng kapatid ko
"Sure yan, Jenny, wag ka ng maingay tara nalang" sabay sabay nilang sabing tatlong magkaka ibigan. Tignan mo nga naman paglibre talaga, ang bilis bilis nila.
"Tara na nga" natatawang aya ni jeynny.
Pumipili na kami ng o-orderin sa isang mamahaling restaurant dito sa tagaytay. Libre ng gwapong lalaki, hindi ko alam ang name.
"Sino 'yang lalaking yan?" bulong ko sa katabi kong si Janella.
"Si Ryden Akioh Saito ate" bulong niya
"Saito? Kaano ano ni Vann Izach?" curios kong tanong.
"Kapatid, Ate"
Kung sinuswerte ka nga naman. That's why he looks so familiar kapatid pala ni Izach.
YOU ARE READING
THE DARE
RomanceThe first time she saw him, she was fascinated by his angel like face and well muscled body Until she found out that.... He is a GAY Wait! What? will you prevent yourself from falling? What if one day you will feel that you're already in love? "Wh...