Chapter 11

210 20 1
                                    


Dalawang araw na mula noong flight ni papa papuntang Japan, sobrang boring na naman nang buhay ko kaya't napagdisesyon kong ayain ang mga kaibigan ko na magbakasyon sa probinsya nila mama sa Ilocos. Noong tinanong ko naman ang aking ina kung gusto niya bang sumama, ang tungon niya ay hindi niya daw kami gustong maka sabay, ang arte lang! Kaya next vacation na lang siya uuwi.

"'Yang mga kapatid mo na lang ang isama mo" pahayag niya. Naisip ko din yun, kapag sasama si Jenny ay sasama din yung mga kaibigan niya tapos iimbitahan ko din si Zach

"Sige po ma" pag sang-ayon ko

"Ako na magsasabi sa kanila, anak" nakangiti niyang saad t'saka nagtungo sa aming sala kung nasaan nanggagaling ang malakas na inagay nila Jenny.

Nang nawala na sa paningin ko ang aking ina ay mabilis kong kinuha ang aking cellphone at dali daling tinawagan si Zach, wala pang isang minuto sinagot na niya kaagad ito

"Who"s this?" pambungad niyang tanong .

"The one and only Jerra the kawaii"

"Pshh! Where did you get my number?" he asked with a cold voice.

"To your so-handsome-brother, almost three weeks ago "

"THAT BASTARD! What do you want?" pabulyaw n'yang tanong. Talagang 'tong baklang 'to kahit kaylan sigaw ng sigaw parang palaging may dalaw.

"Tara sa Ilocos bukas, tatlong araw lang naman kaya mag impake ka na"

"I'm not coming"

"Sama ka na. Susunduin ka namin bukas mga four ng madaling araw. Bye,  baby~"pinal na sagot ko sabay patay ng tawag para hindi na siya maka tanggi pa.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?"

"Ay! Putspa" gulat kong sigaw sabay hawak sa aking dibdib "Bakit ka ba nanggugulat, ha!?" naiirita kong tanong, ang sarap pumatay.

"Ampanget mong magulat mukhang unggoy" Tumatawa niyang sabi. Inirapan ko siya at mabilis na hinila ang kanyang buhok "ouch! My hairlalu" maarte niyang sigaw. Naawa naman ako dahil para na siyang iiyak.

"Alam mo bang kakapaayos ko lang ng hair ko?" naiinis niyang sabi sakin sabay irap at ayos ng hindi naman magulong buhok niya. Masyado lang siyang OA sarap sapakin eh, yung magkakaroon siya ng black eye at mamamaga bibig niya para tumigil muna ang sex life niya. You know what I mean. Napa ngiti nalamang ako sa mga iniisip kong kabaliwan.

"Share mo lang?" panlolokong tanong ko, gusto ko siyang mainis yung tiping maiistress talaga siya.

"Ansama mo! Yayayain lang sana kitang bumili ng gagamitin natin bukas sa Ilocos, eh!" nagmamaktol niyang sabi.

"Ay ganun? Wait lang pala magbibihis lang ako" wika ko. Nagtungo sa aking silid at mabilis na nagbihis ng simpleng short at t-shirt.

Ang bilis lang talaga niya. Kasasabi ko lang kanina, wala pa ngang isang oras ang nakalipas bago ko sila tinext lahat.

---

Kasalukuyan kaming bumili ng mga pagkain na dadalhin namin bukas sa pagpunta namin sa Ilocos nang may nakita akong pamilyar na pigura ng isang lalaki malapit sa pwesto namin ng kaibigan ko, sinundan ko ito at hindi pinansin ang pagtawag saakin ni Wendy, malapit na ako sa pwesto nila nang marinig ko ang sinasabi ng lalaki sa kasama niyang babae, pamilyar ang boses ng lalaking ito parang narinig ko na.

"Where do you want to go, honey" malambing na tanong niya sa kausap at kasabay ng pagbaling ng tingin nito sa banda kung nasaan ako nakatayo ay siya rin sanhi ng pagkawasak ng puso ko. Ano bang nangyayari saakin, bakit ko ba ito nararamdaman tanong ko saaking isipan. Izach.

"Umuwi nalang tayo, baka hinihintay na tayo ni Lucio" sagot ng babae

Mabilis akong umalis doon para hindi na niya ako makita pa, bakit may pa honey-honey pa siyang nalalaman kung bakla naman siya. Malakas ang kutob ko dati na hindi talaga siya bakla, pero bakit nagpanggap pa siyang isang bakla sa'kin. Okay lang naman sa'kin na aminin niyang lalaki talaga pero bakit kailangan niya pang itago, kung ano man ang kanyang dahilan malalaman at malalaman ko rin yun.

"Saan ka nanggaling" nagtatakang tanong ni Wendy. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala ako sa pwesto namin kanina, masyado akong nalunod sa kakaisip sa nakita at narinig ko kanina.

"Nag CR lang, najejebs ako eh" pabiro kong tugon at sinabayan ng pekeng tawa. Nakita ko sa ekspresyon ng kanyang muka ang labis na pagkadiri kaya hindi ko mapigilang tumawa ng malakas kahit na maraming tao sa paligid na nakatingin sa akin, marahil siguro nagtataka kung bakit ako tumatawa ng malakas o naiirita dahil na istorbo ko ang pamimili nila kaya't tumingin ako sakanila at humingi ng dispensa.

"Mag bayad na tayo at maka uwi na. Mag-aayos pa ako ng gamit ko bukas" nagmamadali niyang sabi habang tumitingin sa paligid, parang may tinataguan ang baklang-wig-ang-buhok.

"Akala ko ba bibili kapa ng swimsuit mo" nagtataka kong tanong at tinignan din ang paligid "H'wag na " sagot niya. Nagiging aligaga siya sa mga sumunod na minuto kaya't hinila kona siya papuntang cashier para makabayad na.

----

Palabas na kami ng mall nang may lumapit sa aming babaeng subrong ganda mahaba ang wavy hair niya at maypagka red pero bagay sakanya, maliit lang ang height niya, mga nasa 5'2. Ang ganda din ng mga mata niyang singkit parang yung kay Izach din,  inshort ang cute niya parang barbie.

"Hey! Alexis baby~" matinis na boses niyang sabi at humalik sa lips ng bakla, nagulat ako sa ginawa niya pati nadin ang kasama ko

"Eww~. Ano nanaman" marahas niyang hinila ang braso nito. Bakas sa muka ng babae na labis siyang nasasaktan.

"Nasasaktan siya" nag-aala kong awat dito pero parang wala siyang naririnig dahil mas hinigpitan pa nito ang kapit sa braso ng babae. Naiinis na ako kaya't pikon kong inalis ang kamay nito sa pagkakahawak

"Bakit ba kasi ayaw mo sa'kin" mangiyak ngiyak nitong tanong sa kaibigan ko ngunit tumawa lang ito ng sarkastiko

"Sino kaba para magustuhan ko. Bakla na ako simula palang, palagi ko yang sinasabi sayo pero ang tanga tanga mo, hindi mo alam umintindi"

"Babaguhin kita, gagawin ko ang lahat magbago ka lang, mahalin mo lang ako"

"Hindi yan mangyayari at Pwede ba, Xianna, wag kanang magpakita sa'kin. Pagod na ako sa tatlong taon mong paglapit lapit saakin at isa pa may boyfriend ako, sinisira mo lang ang relasyon namin" malamig niyang wika at umalis sa harap namin ng Xianna na tinawag niya. Binalingan ko ito ng tingin at hindi na ako nagulat nang makita ko siyang umiiyak habang nakatanaw sa papalayong bulto ni Alexis a.k.a Wendy.

"Are you okay, miss" nag aalalang tanong ko

"Yes. Simula ngayon hindi ko na siya guguluhin" she mumbled

"Ahm. Sorry sa mga sinabi niya"

"Ayos lang, sanay na ako. Pagod na ako kaya oras narin siguro para tumigil na ako" wika niya habang nakangiti saakin.

Alam kong pilit lang yun pero sinuklian ko rin siya ng isang matamis na ngiti.

"Please! Wag kang sumuko" hindi ko alam kung bakit ko 'yon nasabi, basta iyon ang gusto ko.

"Hindi ko maipapangako. PAALAM" sabi niya at tuloyan ng umalis


THE DAREWhere stories live. Discover now