Chapter 16

152 8 0
                                        

Nang tuluyang tumigil ang sinasakyan nilang bus sa Vigan City, mabilis siyang tumayo sa kinau-upuan niya at naka ngiting tumingin kay Jillian.

Hinihintay nilang maka baba ang mga pasahero bago sila lumabas dahil masyadong makipot ang pasilyo ng bus, isang tao lang ang pwedeng mag kasya.

Napa tingin siya kay Zach sa katapat na upuan. Naka upo ito at naka ngiting nag ce-cellphone. Sa isip ni Jerra malamang ka text nito ang babae'ng nakita niya sa mall dati.

"Hoy! Naka tingin ka nanaman sa kanya" Wika ni Jillian habang naka harap sakanya "Tara na, naka baba na silang lahat" patuloy pa nito at hinila ang kamay niya palabas ng bus. Kukunin pa nila ang mga gamit sa compartment ng bus.

"Sige, Jerra. Una na ako" Naka ngiting paalam nito sakanya pagkatapos nilang kuhanin ang mga gamit sa gilid.

Naglakad na ito patungo sa itim na fortuner na nakaparada sa gilid ng terminal at nag hihintay dito sakanya. Napa-kaway siya dito nang tumingin ito sa bintana ng sasakyan bago umarangkada paalis.

Naka ngiti siyang nag lakad habang hawak ang bag niya patungo sa mga kaibigan niyang naghihintay nang sasakyan.

"Mag t-trike tayo?" Tanong niya nang makarating siya sa tabi ng mga ito.

"Gurl, sa tingin mo alam namin? 'di kaya kami taga rito" Maarteng wika ni Wendy habang hawak ang cellphone at ang bag naman nito ay nasa kanyang likod.

"Okay! Mag lakad na lang tayo tutal malapit naman na dito yung bahay" Sabi niya at nagsimula nang maglakad palabas ng terminal, nasa likod naman niya ang mga ito naka sunod.

Habang naglalakad ay napatingin siya sakanyang likod, muntikan na itong matawa dahil sa mga itsura nila. Pawis na pawis.

Nagpapasamat naman siya dahil wala pang nagrereklamo sa mga ito kahit na mag ki-kinse minutos na silang naglalakad sa kalsadang patungo sa kanilang barrio. Hindi ito ang national high-way. Nasanay na silang magkakapatid na lakarin ang daan papuntang Family House ng mama niya dahil sariwa ang hangin at maganda ang tanawin na madadaan mo. Malapit sa dagat ang family house at ang bahay naman ng isang tita niya ay apat lang na bahay ang agwat. Ang mga ito na ang nag lilinis.

Inilabas niya ang kanyang iphone sa pocket ng kanyang jeans at isinalpak ang earphones at pumili ng magandang kanta tsaka ito ipinatugtog na mahina lamang upang marinig niya pa ang mga ito kung may mag reklamo man.

Nagulat naman siya nang merong brasong umakbay sa balikat niya. Ang bigat nito isama mo pa ang backpack niya.


"What the-- Alexis ang bigat mo bakla at ang asim mo na kaya pwede lumayo ka sakin" panloloko niya dito, hindi naman ito maasim, ang bango pa nga nito lalaking lalaki kahit hindi pusong lalaki.


"Ako maasim? Ang kapal ng mukha mo, te. For your information nag Nivea kaya ako. Bigyan pa kita" naka irap na wika nito. Ang pogi pa naman sayang nga lang ang genes. Ang tangos ng ilong at ang ganda ng hazel brown eyes nito. Mestizo'ng mestizo.

Tinawan niya lang ito at nagpatulo ulit sa paglalakad. Sa 'di kalayuan ay may namataan siyang maliit na tindahan, tumakbo siya dito. Nang maka dating ay napatingin naman siya sa mga kasamang tumatakbo na rin.


"Tallo man nga Coke ken walo nga supot tas straw, Manang" aniya sa nagtitinda t'saka imiabot ang bayad. Alam niyang mag salita ng Iloco pero unti lang dahil hindi naman siya matagal na tumira dito.


"Mygash! So hot! I'm thirsty na, Jerra girl" Wika nito habang nag-papay-pay gamit ang case ng ipad.


"Kaya nga bumili na ng coke, 'di ba?"


"Bruha ka kasi, eh. Sabi mo malapit lang, tignan mo nga ang haggard na namin" Reklamo nito at animo'y batang ngumuso sa harap niya. Bale naka harap silang lahat sakanya at siya naman ay naka sandal patalikod sa tindahan habang kinukuha pa ng ale ang binili niya.


"Kaya nga, girl. You know it's so mainit na, my precious skin it's almost sunog" Maarteng sabi ni Hannah habang naka hawak sa balikat ng nobyo.


She should've considered that this is the first time that they're out for Ilocos. Hindi pa sanay ang mga ito sa mahaba at mainit init na lakaran, mga anak mayaman pa naman.


Tumingin siya sa gawi ni Zach. Abala ito sa pag pupunas ng pawis sa leeg, ang hot lang tignan parang gusto yata niyang siya nalang ang gumawa noon para dito. Isang minuto siguro ang lumipas nang mag angat ito ng tingin sakanya kaya't mabalis niyang binawi ang tingin sa baklang Wendy sa harap niya, pero ang bakla naka upo na sa bangko at kasalukuyang nag kumakalikot sa cellphone.

Muntikan na niyang maka-limutan ang dalawang kapatid, wala ba naman kasing imik sa whole duration nang paglalakad nila. Magka tabing naka tayo ang dalawa sa may hamba ng tindahan habang naka tingin sa tindera na iniaabot ang binila sa kapatid ni Calvin.

Lumapit siya dito at tinawag ang mga kasama para mag salin na sa plastik ng mga ito, para matansya nila kung gaano kadami ang kanilang gusto. Sayang pa naman pag hindi naubos.

"You don't like, Zach?" Tanong niya sa binata dahil man lang ito nag salin. Hindi ba ito nauuhaw.

"I don't drink Softdrinks. Just water"

"Okay! Wait i'll buy you one" Naka ngiting turan ni Jerra dito bago pumunta sa harap ng tindahan at bumili ng isang tubig na naka plastic bottle.

"Here" Bigay niya sa hawak na tubig. Kinuha naman nito at diretsong ininom, pag katapos ay inilagay sa plastic na basurahan na naka sabit sa haligi ng tindahan.


Iniwan niya ito sa pwestong kinakatayuan nila dahil inilabas na naman ng binata ang cellphone, marahil ay kakausapin na naman ang babae'ng nakita niya noon sa Mall.


"Tara na, painit na nang painit" Anyaya niya sa mga kasama. Anong oras na rin, mas lalo ng tumatagingting ang araw.

"Okay. let's G, bitches" Malanding turan ni Alexis at nag patiuna na ng umalis.


Kasalukuyan nilang nilalakad ang daan patungong family house. Malapit lapit narin. Nasa harap silang tatlo nila Hannah at Alexis. Kanina pa ngawa ng ngawa ang dalawa.

"Kita mo 'yan, Hannah?" Turo ni Alexis sa baka na naka tali sa ilalim ng punong mangga.

Tinignan naman ito ng dalaga, itinaas nito ang kilay kay Alexis, "Of course, ano sa tingin mo sa'kin bulag? Boba!".


"Mag ka-mukha kayo" Natatawang ani nito.

"Mas mag ka-mukha kayo. Ay wrong, kambing ka pala"


Napailing iling na lang siya sa mga kaibigan, kahit saan talaga sila magpunta walang pag babago sa ugali. Napatingin naman siya sa dalawng kapatid na naglalakad sa likod niya, naka harap si Jenny sa Cellphone at si Jairus Gavin naman ay naka headphone at ipad.

"Jai, you okay?" Tanong niya sa masungit na kapatid. Gwapo ito, makapal ang kilay, matangos ang ilong, mapupula ang heart shape na lips at ang buhok na medyo maypagka kulot, parang ang kanya din.

Nag taas ito ng tingin sakanya "Yes, ate" Maikling sagot nito bago ibinalik ang tingin sa ipad.

Napailing naman siya, ang sungit talaga ng kapatid niya.










THE DAREWhere stories live. Discover now