Chapter 14

211 11 5
                                    

Mabilis na nag-mulat ng mga mata si Jerra nang maramdaman niyang may umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Isang babaeng may mapusyaw na balat na medyo kulot na buhok, napaka ganda nito.

Paano kaya ma-achieve ang ganitong kulay sa isip isip niya.

"Hi!" Bati nito sakanya habang winawagayway ang kamay sa harap ng mukha niya.

"Hello!" She greeted back.

"Can I sit here?" The beautiful lady asked.

"Of course" Wika niya, nginitian niya ang babae dahil mukha naman itong mabait pero kapansin pansin sa mga mata nito ang labis na lungkot.

"Thanks, by the way I'm jillian keith " Pag papakilala nito.

"Jerra"

"Saan ka pala pupunta, Jerra?"

"Sa Ilocos Sur, mag babakasyon" she answered

"Wow!, Sa Ilocos Sur din ko pupunta. San pala kayo do'n?"

"Vigan, kasama ko yung mga tropa ko at mga kapatid" sagot niya. Mukha naman kasing mabait ang babae kaya hindi siya nag dalawang isip na sabihin ang pupuntahan nila.

"Wow!, sa Vigan din ako. Pumunta lang ako ng manila dahil sa utos ng daddy ko, may pinaayos siya sa company namin at nag babaka sakali din ako na baka makita ko 'yung lalaking ilang buwan ko ng hindi nakikita" mahabang pag kukwento nito. Naka ramdam siya ng kaunting lungkot sa huling tinuran ng katabi. Baka mahal na mahal nito ang naturang lalaki dahil ramdam niya ang kalungkutan sa kwento nito.

" Jerra, nasubukan mo na'bang masaktan ng sobra dahil sa pesteng pag-ibig?. Pag pasensiyahan mo sana ako dahil Feeling close ako sa'yo, ha". At marahang tumawa ito.

"Oo naman. Nasubukan ko nang masaktan dahil sa letseng pag ibig na 'yan, kani-kanina nga lang. Sobrang sakit sa puso na marinig mong may ka 'I love you' han 'yung taong mahal mo" pagtatapat niya dito. Humarap naman sakanya si Jillian ng naka awang ang bibig, hindi ito maka paniwala. Nababasa niya ang simpatya sa mga mata ng dalaga.

"The man that I love the most left me, he didn't even say any word to me before he left. He left me hanging." wika nito habang malungkot na naka tingin sa itaas.

"Masyado na tayong malungkot. Itulog na lang natin 'to" suhestiyon niya.

"Mabuti pa nga"

Nagising siya nang maramdamang huminto ang sasakyan, kumukulo narin ang kanyang tiyan dahil sa gutom. Tinignan niya ang oras sa pambisig na relo, it's already 6:30 in the morning.

"Kakain ka?" Jillian asked while busy browsing on her phone.

"Oo, gutom na ako, how about you? You can join us" suhestiyon niya, wala naman kasi itong kasama. Nag stop over ang sinasakyan nilang bus sa isang karenderya sa Tarlac.

"Sige, sabay na ako. Ang hirap pa namang mag isa" Wika nito na naka ngiti sa kanya ngunit ang mga mata ng dalaga ay nababakasan ng lungkot.

Tinignan ni Jerra ang kanyang mga kasama upang ayain nang kumain ngunit natutulog pa ang mga ito kaya't ginising niya ang mga ito. Nang magawi ang tingin niya kay Calvin hindi maiwasang mapangiti ng malungkot. Kung sa'akin ka lang sana

"Hey!, Zach"

Dahan dahang nag bukas ang kanyang mata. Napalunok naman si Jerra dahil sa nasaksihan. Ang hot kasi nito, ang sarap halikan... ang mga mata.

---
Marupokhzz is real😂

THE DAREWhere stories live. Discover now