Haist! Panibagong araw panibagong landi nanaman. Ang ibang mga kabataan ngayon ay prino-problema kanilang mga lovelife na kesyo daw ipinagpalit na sila ng mga jowa nila o ano pa man. Isa lang ang masasabi ko "Walang forever". Oo na bitter na kung bitter, pero wala akong pake.
Naalala ko noong highschool student palang ako eh hindi uso ang ligawan para saakin dahil puro pambubully ang inaatupag ko pero mini-maintain ko naman ang matataas na grade ko. Gusto kong maging proud sakin sila mama, kahit puro kabalbalan ang alam ko noon.
Palagi pang napapatawag si mama sa guidance dahil saakin, masyado kasi akong bully at warfreak pero buti nalang at nagbago narin ako magmula ng tumungtong ako ng college.
Hindi nga ako nambubully pero marami naman akong lalaki. Papalit palit buwan-buwan, kapag nagsawa sa isa hahanap ulit. Ganyan ako noon.
Ahy hindi pala ako ang naghahanap dahil kusa na silang lumalapit. Pinapatulon ko lang sila dahil boring eh.
Sa ganda ko ba namang 'to! Sinong hindi magkakagusto?.
Isa sa mga motto ko ay "Manlalaki ka lang habang nabubuhay".
ЖЖЖ
Trip kong pumunta ngayon sa bahay ng baklang 'yon kaya pagka-baba ko palamang sa taxi ay dumiretso na ako sa gate niya at binuksan, naka bukas ang gate niya kaya mabilis akong naka pasok. Nasa harap na ako sa pintuan.
Kakatok na sana ako ng bigla nalang itong bumakas at iniluwa ang isang napaka gwapong lalaki.
Hmm. Sino 'to? Jowa nya? Baklang 'yon. Inunahan pa ako.
Woah! Para akong nagyeyelo sa mga titig nya, ang cold. Halatang suplado ang kuya niyo. Saan niya kaya ito napulot?
"Hi!" nahihiya ko kunyaring bati kasi nga dalagang pilipina, eh.
Hinagod niya muna ng tingin ang kabuoan ko bago sumagot
"Hello"
Ahy! Sabi na nga ba't suplado ito.
"Boyfriend ka ba ni Zach?"
"What the... Anong boyfriend ? Anong tingin mo saakin pumapatol sa lalaki?" halatang nagulat siya sa tanong ko kaya nahiya naman ako.
"Sorry! By the way I'm Jerra Alisha Krington" pakilala ko.
"Zaydem Saito" simple nyang sagot. Ano daw, saito? Nagpakasal naba sila at Saito rin ang baklang yon?. Ay oo nga pala hindi siya pumapatol sa mga lalaki. Dahil ako ang papatulan niya at ready na ako sa possibility na yon.
"Ano ulit surname mo?"
"Saito, miss, Pinsan ni Zach. Got to go, may pupuntahan pa ako" pormal niyang sabi at mabilis na nag lakad palayo sa kinatatayuan ko.
Tinignan ko na lamang ang papalayong bulto ng kanyang katawan.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay ng baklita ay nabungaran ko siya sa sala na nanonood ng TV.
"Hi, Zach." masiglang bati ko sakanya.
Halata naman na nagulat siya. Sino ba naman ang hindi? Focus na focus siya sa panonood tapos may bigla nalang sisigaw.
"Ano nanaman ang ginagawa mo dito, bruha?"
"binibisita ka. I miss you na kasi eh "
"Epal nito. Wala pa tayong tatlong linggong magka kilala feeling close ka na agad" aniya
"Shut up! Walang hiya hiya kapag ako"
"Alam ko"
Napa iling nalang siya at itinutok muli ang mata sa TV.
"Sa kapal ba naman ng face mo" mahina niyang sabi pero narinig ko parin.
"Anong makapal? Sa ganda kong 'to? Maraming nasisilaw" proud ko pang sabi.
"Dream on, Alice Bungisngis"
"Anong!? Hindi Alice pangalan ko, 'no!, it'sAlisha" naiinis kong bulyaw sakanya, tawagin ka ba namang Alice Bungisngis? Sinong hindi maiinis.
"Parehas lang yon, tignan mo nga yang hair mo parang alambre, hindi ka yata nagsuklay nang ilang buwan" natatawang niyang wika.
Hay*p na 'to, lakas makapang lait, ha! Kala mo naman kong sino, porket gwapo.
Kung hindi kalang sana gwapo matagal na kitang ingingodngod sa sahig
"Letse ka!" Nang-gagalaiti kong sabi at dire-diretsong lumabas ng unit niya, anim*l siya uuwi nalang ako baka mangodngod ko pa siya at hindi ko na iisiping gwapo siya.
"Hoy! San ka pupunta?"
"Uuwi na"
"Buti naman. Wag kana ring bumalik" natatawa niyang sigaw.
"Talaga, sabi mo, eh!"sabi ko at mabilis na umalis sa bahay niya.
YOU ARE READING
THE DARE
RomanceThe first time she saw him, she was fascinated by his angel like face and well muscled body Until she found out that.... He is a GAY Wait! What? will you prevent yourself from falling? What if one day you will feel that you're already in love? "Wh...