Chapter 4

278 31 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa nararamdaman kong marahas na pag alog  ng hinihigaan ko.

Shit lumilindol na ata!

Napahawak ako sa side table habang naka pikit. Mahirap na baka mahulog pa ako sa bed. Inaantok pa naman ako, hindi ako makatayo.


"Letse naman oh!. Kanina ka pa ah"

Bakit parang may boses lalaki?. Wala bang lindol? Shete nakidnap pa yata ako.

"Wag po kuya, maawa ka po bata pa ako. Ang dilim!" natatakot kong maka-awa sa kidnapper.

"Anong kuya! It's ate. Hoy gumising kana diba sabi mo mag ba-bar pa tayo"

"Kuya ang dilim. Bulag na yata ako" kusang lumabas sa bibig ko marahil narin siguro naalimpungatan ako sa pag tulog

"Niloloko mo ba ako, bruha? paano hindi magiging madilim. Naka pikit ka kaya boba"

Parang kilala ko kung kaninong boses yun ah.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nasilayan ko ang mala adonis nyang mukha.

"Gwapo "aabutin ko na sana ang mukha niya ngunit mabilis niya itong tinampal.

"Yucks! Hindi tayo talo, noh! At pwede ba wag ka ngang maharot diyan. Hindi pa tayo close kakakilala lang natin kagabi" nandidiri niyang wika.

"Wala akong pake kong hindi pa tayo close. Tara na nga, ang mahalaga magiging akin ka" pilya kong wika sabay kindat.

"Ew! manahimik ka diyan baka ma sakal pa kita" nandidiri niyang pahayag sabay parang tangang naghihilamos.

"Arte" bulong ko.

Habang kami ay papasok sa loob ng bar hindi ko maiwasang malungkot sa aking naiisip para sa mga mahihirap na pinipilit na kumayod maitaguyod lang ang kanilang mga pamilya, pero kami nagwawaldas pa bar-bar na lang ang gawain.

Inaamin kong badgirl talaga ako, palaging nakikipag away nong nag-aaral palang kumbaga isa akong bully at warfreak pero wag kayo nag bago na ako noh! Dati lang yun.

Hindi ko maiwasang titigan si Izach, ang magaganda niyang mga mata na para bang nangaakit at ang kanyang mga labing kaysarap halikan.

Pucha naman oh! Halikan talaga self?

"Anong tinitignantignan mo dyan?" masungit nyang tanong. Kagabi pa'to masungit sa'kin.

Baklang toh! Napakasungit daig pa ang may dalaw.

Hindi ko nalang siyang pinansin at nagpatuloy nalang sa pag inom ng inorder kong mojito at ang kay Izach naman ay martini.

"Tara sa dance floor" pa aaya ko dito, hilo narin ako marami na'rin ang nainom ko.

Habang nagsasayaw namalayan ko nalang na sobrang lapit namin ni Izach sa isa't isa , ramdam ko narin ang pagtama ng hininga nya sa aking tenga. Para bang nang aakit.

Napa tingin ako sa mga labi nya na para bang nang-aakit na matikman, kayat walang sire-siremonyang siniil ko ng ito mainit na halik. Hindi ko inasahang tutugon siya. Mapupusok kaming naghahalikan sa gitna ng dancefloor at hindi alintana ang mga taong nag sasayawan sa paligid. His kisses trailed down to my neck and slightly biting and sucking my skin,
Napaungol ako sa sarap ng kanyang ginagawa. 'I want more' sigaw ng isip ko.

Sobrang hilo na ako at hindi ko na alam ang nangyayari sa aking paligid. unti-unti akong nawalan ng malay.

----

Naalimpungatan ako dahil sa tumatamang liwanag sa aking mukha

"Ughh! Sakit sa ulo" sobrang sakit ng ulo ko na para bang binibiyak. Bakit kasi naparami ang nainom ko, yan tuloy.

Naramdaman kong umuga ang higaan. Tumingin ako saaking tabi at napatda sa aking nakita. Oh my gosh! ba't nandito sa silid ko si Izach? Hindi ito pwede, may nangyari ba saamin? Tinignan ko ang aking katawan kung may suot pa akong damit, laking pasalamat ko at kompleto pa.

"Hoy! Gising bakla"

"Ugh!" pag ungol nya ..shete bat parang nang aakit. Landi mo self

" Hoy! Gising na at ng maka alis ka na dito sa aking silid" aligaga kong pag gising sa kanya, haller baka makita sya ni mudrabells.

"Shut up will you?, kwarto ko 'to, tignan mo nga kasi. Puro ka kasi salita eh" hanep, inaantok pa yan pero nagsusungit na agad.

Tinignan ko naman ang paligid at laking gulat ko ng hindi ko pala ito kwarto. Ang gaga ko talaga, papagalitan ako nito eh.

Dali dali akong umalis sa kama at. Dumiretso sa cr para mag ayos. Pagkatapos kong maghilamos ay nag paalam na ako sakanya "Alis na ako, beks" sigaw ko.

Huhuhu ano nalang ang sasabihin ko kay mama, kahit ganito ako mabait naman ako sa mga magulang ko.

Alam kong nag aalala na sila saakin kagabi pa ako hindi naka uwi , baka ano pang sabihin nila.

Nang nakarating sa aming bahay dali dali akong tumakbo patungo sa aking silid , para hindi na nila matanong kung nasaan ako kagabi. Malapit na ako sa hagdan ng may nagsalita sa likod ko "Ate! Where have you been?" tanong niya.

"What the!......"

Hindi ko na siya pinansin at dirediretso na akong nagtungo sa silid ko. Alam ko namang hindi ako isusumbong ng kapatid kong yun .. Partners in crime ika nga niya. Pag siya ang may pupuntahan ay kina-cover ko siya para hindi mapagalitan ni mama, ganon din naman siya saakin. Sino pa bang magtutulungan kung hindi kami din lang naman.

——————

Hi readers.

Kung meron man
HAHAHA.

Pls vote po.
Thanks.

THE DAREWhere stories live. Discover now