Prologue

55 8 0
                                    

"Welcome to Mystery Chasers!"

"Ngayong miyembro ka na nito dapat lang na sumunod ka rin sa mga rules na ipinapatupad ng samahang 'to"

"Una sa lahat bawal ang pakikipagrelasyon sa kung sinoman na nasa loob ng samahang ito at nasa labas. Ibig sabihin hindi pwede ang magmahal oras na nasa samahan ka na dahil maaaring iyon ang magpahamak sa'tin"

"Alam ko iyon dahil napagdaanan na iyon ni mommy noon"

~**~

"Ikaw?"

"Sino bang akala mo?" Ngisi niya na lalong ikinatakot ko.

"Hindi 'to maaari paanong---"

"Bakit kilala mo ba kung sino-sino ang nakakaharap mo?'


~**~

" Ngayon Syna, mamili ka ng isa sa kanilang dalawa. Sino ang gusto mo maligtas?" Nangangatog ang tuhod ko sino ba sa kanila ang pipiliin ko? Hindi ko makita kung sino ang Siya sa dalawang kaharap ko.

"Mamili ka!" Sabay hataw sa dalawang taong nasa harap ko.

"S-Syna, save him please! Sabi ng lalaking nasa kaliwa na duguan na rin dahil pareho silang nakagapos.

" No! Siya ang piliin mo. Siya ang mas nararapat maligtas. Piliin mo siya at umalis na kayo sa lugar na ito" sabi naman ng lalaking nasa kanan at hinang-hina na. "

~**~

Napaluhod na lamang ako habang lumuluha. Ngayong wala na siya pa'no na ako? Nasagot nga ang mga katanungan ko pero ngayon wala ka na. Sinuntok ko ang mga bermuda at doon binuhos ang galit ko.

"Sorry" kasabay ng malakas na pag ihip ng hangin ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.

"Hindi ko alam kung dapat ko pa ba ipagpatuloy ang nasimulan ko kasama siya. Bakit ko ba hinayaang linlangin ako ng mga mata ko" Pinunasan ko ang mga luha ko. Kahit ilang beses pa ko lumuha hindi naman na mababalik sa dati ang lahat. Unti-unting nadudurog ang puso ko. Bakit kailangang madamay ang mga taong wala naman talagang kasalanan ?

Tumayo ako at tumakbo palayo. Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan at ang mainit na tulo ng mga luha ko.
Hindi ko na rin alam ang dapat na gawain ko para maiayos ang lahat. Hanggang sana nalang lahat.

Hanggang sana.


----

This is a work of fiction. Names, characters, events and incidents are purely products of the author's imagination. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

~**~

Godbless everyone!

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon