''Mananatili ka sa puso ko, maria... ngayon hanggang bukas, at sa darating na panahon...'''
Isang panaginip, pero malinaw na malinaw sa pandinig ko ang mga katagang sinasabi ng lalaking nasa harapan ko, blurred pa rin ang muka, pero malinaw na malinaw ang boses..
''Maria, te quiero mucho..''
Kasabay ng mga salitang yan.. ay kasabay rin ng pag mulat ng aking mga mata... at gaya ng mga nag daang araw, may luha ako sa aking mga mata, ang sakit sakit nang nararamdaman ko...
''Athena,''
Gulat akong napatingin sa may amba ng pinto, at nakita ko si sir jd na may dalang pagkain..
''Sorry, nagising yata kita'' ang nakangiting sabi ni sir.
''Okey lang sir, kamusta na nga po pala ang lola nyo?''
''Okey na sya, and sorry nga pala sa nangyare ha, napag kamalan ka nyang si lola maria...''
''Maria?'' pag tatanong ko kay sir,
Maria?, hindi ako pwedeng mag kamali, yan ang pangalan na binabanggit ng lalaki sa mga panaginip ko...
''Oo, si lola maria ang kapatid ng mommy ni lola josefina, sobrang close kasi sila, kaya nung namatay si lola maria ay sobrang naapektuhan si lola, kaya palagi nyang kinukwento saamin ang masaklap na pinag daanan nito.'' ang mahabang paliwanag ni sir...
''Sir, sa tingin nyo po, bakit po napagkamalan ako ng lola nyo na ako si maria?''
''Hindi ko din alam athena, sa ngayon kumain ka muna''
Hindi ko alam kung bakit pero, iba ang pakiramdam ko sa lugar na to,.... sana sa lugar na to ay masagot na ang lahat ng mga katanungan ko.....
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
OUR UNTOLD LOVE STORY
Historical FictionMeet Athena Mae Montemayor a simple but intellegent girl, isang babaeng matalino at mahilig magbasa nang historical fictions novels, first love na nga ata nya ang history.... what if one day makita nya ang ang bagong prof nila?... makasalubong nya...