''Te amo Maria, desde hoy adelante, to prometo que mi coraz'on te portenece .''
'' Te amo juan, hasta el emenecer y la puesta del sol de mi vida''
'' Adios''
Mga salitang naririnig ko gabi gabi, ni hindi ko nga alam ang ibig sabihin nyan, pero kada magigising ako sa madaling araw may mga luhang pumapatak saaking mga mata.
Mga panaginip na mag uumpisa sa may puno at may dalawang taong nakatayo, isang babae at isang lalaki, parehas blurred ang mukha, at mag tatapos sa isang puno ulit kaso, yung babae nalang ang nakatayo, habang sumisikat ang araw nandoon lang sya at umiiyak.
Sabado ngayon, madaling araw, nagising nanaman ako dahil sa mga panaginip, ewan ko ba, pero parang parte na yon nang buhay ko.
Lumabas ako nang kwarto para sana uminom nang tubig. kaso nakita ko si papa na nag iinom at umiiyak.
Awa ang una kong naramdaman, miserable si papa at alam ko kung ano ang dahilan, o mas tamang sabihin na sino.
'' Pa, tama na po iyan lasing na kayo'' pag awat ko kay papa
'' Thena, bakit kaya tayo iniwan ng mama mo?''
''Pa naman, may iba nang pamilya si mama, kaya hayaan na natin sya , papa, pleased tama na yan umaga na, tama na po, halika na ihahatid ko na po kayo sa kwarto nyo.''
Iyak, iyak ng iyak ang papa ko habang inihahatid ko sya sa kwarto nya, nakakaawang tignan si papa.
________________________________________________________________________________
Dear diary, ang sakit sakit makita nang taong iniidolo mo na sobrang miserable nang dahil sa taong nagbigay nang buhay mo. nang dahil sa taong sinabihan nya nang '' till death do us part'' nang dahil sa nanay ko.
BINABASA MO ANG
OUR UNTOLD LOVE STORY
Fiksi SejarahMeet Athena Mae Montemayor a simple but intellegent girl, isang babaeng matalino at mahilig magbasa nang historical fictions novels, first love na nga ata nya ang history.... what if one day makita nya ang ang bagong prof nila?... makasalubong nya...