Agad na ipinadala ito ni maria kay eduardo, ang kanilang kutsero, humantong ang alas dose nang madaling araw at hindi naman sya nabigo may bumato sa kanyang bintana at doon nga ay nakita nya ang sinta.
Muli syang pumasok sa loob nang silid para ikandado ang pinto para na rin masigurado na tulog na ang lahat, agad nyang inihagis ang isang mahabang lubid sa kanyang bintana at doon umakyat si diego.
Pag kaakyat nito ay agad na pinatay ni carmina ang ilaw nang kanyang sild para hindi mapasnin nang kanilang mga katulong na may ibang tao syang kasama.
Agad syang niyakap ni diego nagulat nalamang sya nang maramdamang basa ang itaas na bahagi nang kanyang bistida, doon nya lamang napagtantong umiiyak ang kanyang sinta hindi narin nya napigilan at umiyak na rin sya, niyakap nya ito nang sobrang higpit na para bang sinasabi nya na '' Mahal na mahal kita juan''.
''Maria, wag kang mag papakasal kay menandro, hindi ko naman sinasadya yung nangyare kanina, patawad'' nag mamakaawang sabi ni diego sa kanya.
''Ikamamatay ko, parang awa mo na'' bumuhos pa lalo ang mga emosyong nararamdaman nya nang makita ang lungkot at sakit sa mga mata nito.
''Oo, naman mahal ko, bakit ko sya papakasalan sya ba si diego perez?, alam ko naman na hindi mo ako magagawang lokohin kaya't pinapatawad na kita, ipag patawad mo ang inasal ko kanina.'' nakangiti ngunit may mga luhang sabi nya.
Sa totoo lang, hindi nya alam, hindi nya kayang mangako kay diego na hindi sya mag papakasal kay menandro sapagkat, hindi nya alam ang kayang gawin nang kanyang ama , kapag nalaman nito na sya ay may kasintahan na, ayaw nyang mapahamak si diego.
Noong gabi ding iyon ay doon natulog si diego magkayakap sila sa dilim at payapang natulog, na para bang walang malaking problemang humaharang sa kanilang pag mamahalan.
Maagang ginising ni maria si juan, sapagkat alam nya na maya maya pa ay kakatok na ang kanyang inang. Sinabi rin nya kay diego na mula ngayon ay si menadro na ang mag hahatid at sundo sa kanya, agad naman itong naunawaan ni diego.
Sumikat ang araw at dumating na rin ang pinakaayaw nyang sitwasyon ang makaharap si menandro.
''Maganda ang araw binibini, ngunit mas maganda ka kumpara dito'' nakangiting sabi ni menandro, hindi nya alam kung bakit pero sa sinabing iyon ni menandro ay naalala nya si juan.
'' Ano naman ang maganda sa araw?, GINOO!!'' may diing sabi nya kay menandro
Subalit tinawanan lamang sya nito na para bang nang aasar, na lalo pang nakapag paasar sa kanya.
''At ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko ginoo!!?'' nakakunot noong sabi nya rito
''Ipag paumanhin mo binibini ngunit napakaganda mo parin kahit ikaw ay naiinis'' nakangisi paring sabi nito.
''GINOO!!, alam mo maaga pa ang pasok ko kaya pwede bang tayo na?'', nanggigigil na sabi nya.
Habang nasa kalesa ay hindi sya mapakali sa pagkat panay ang tingin sa kanya ni menandro.
Nang makarating sa kanilang paaralan ay agad na binuksan ni menandro ang pinto nang kanilang kalesa inialay nito ang kanyang kamay subalit tinanggihan niya ito nang napatingin siya sa pintuang bayan nang kanilang eskwelahan ay nakita nya si diego na malungkot at nasasaktan na nakatingin sa kanya.
Agad siyang pumasok sa kanilang eskwelahan at pinilit na hinabol si diego nang may biglang humila sa kanyang mahabang buhok.
''Perre no sabes que diego, es mio, hombe ledron te odi zorra''
BINABASA MO ANG
OUR UNTOLD LOVE STORY
Historical FictionMeet Athena Mae Montemayor a simple but intellegent girl, isang babaeng matalino at mahilig magbasa nang historical fictions novels, first love na nga ata nya ang history.... what if one day makita nya ang ang bagong prof nila?... makasalubong nya...