Chapter 9

40 2 0
                                    

Chapter IX: RECRUIT


"Boys?"

A smiling Mrs. Aniston knocked at the slightly opened door of their room.

B2 closed the book he's reading and asked his mom with a bland look. That familliar smile. He knew what's coming.

Nginitian lang siya nito bago dumiretso sa kama nila at umupo doon.

"B1, busy ka, anak?" tanong nito kay B1 na nasa may study table at abala sa pagtapos ng isang report na ipinagawa ng VSC president dito.

Matipid na ngiti ang ginanti rito ni B1 at nagpatuloy sa pagta-taype sa laptop nito. "Opo, Ma, pero patapos na ako."

B2 went for the door and closed it.

Siya man ay di sanay na abala si B1 sa ibang bagay maliban kung para sa pamilya nila.

"He has been busy, and the school year had just started."

Umupo siya sa tabi ng kanilang ina. "I'm suggesting he quits VSC."

Pinalo siya ng ina sa braso. "Anong klaseng suhestiyon 'yan? Sinusuportahan mo dapat ang kapatid mo sa mga ganyang bagay."

"Mom, I'm supportive enough."

He whined tss-ing, not of what his mother had said but because she got used to hurt him physically.

Dagdag niya, "I went with him touring this transferee around Vindleton."

Yes. Aloof with strangers especially with girls, he was being overly supportive enough.

"Anyway, Mom, what is it this time?"

A smile crawled on his mom's face. Kinuha nito ang kanyang kamay at ikinulong sa mga palad nito dahilan para mapaatras siya.

His brows met.

"Nung isang gabi, nung dumaan ako sa harap ng office ng papa niyo, naring ko ang pangalan ko. Tapos tawa ng tawa pa ang papa niyo," salaysay ng ina nila na parang tinedyer. "Sabihin mo, B2, anong pinag-usapan niyo noong isang gabi?"

"How come did you hear your name?" he retorted.

"Nasa may pintuan kasi ako," paliwanag ng ginang na umayos pa ng upo.

B2 patiently listened to his mom.

"Papasok sana ako ng office ng dad mo, pero nung bubuksan ko na yung pinto, e, narinig ko ang pangalan ko, kaya hindi na ako tumuloy--"

"So you eavesdropped at the door, instead," sighed B2.

Kinurot siya ng kanyang mama sa pisngi sa kanyang sinabi.

"Mom!" reklamo niya. "You're giving me a bruise."

He mend his cheek and watched his mom sat on his chair.

Sunod nitong kinulit si B1.

"B1, anak."

"Ma."

"Nakuwento ba sa'yo ni B2?"

"Ang alin, Ma?" tanong ni B1 habang abala pa rin sa laptop nito.

"Yung tungkol sa pinag-uusapan nila sa opisina ng papa niyo. Yung tungkol dun,"pangungulit ng ginang na nakapatong ang dalawang palad sa mesa at nakayukong sumusilip sa mukha ni B1.

Huminto si B1 sa ginagawa at matamang tiningnan ang ina. Inalala nito.

"Ah!"sabi ni B1. "Pupunta daw kami ng golf club sa sabado o kaya naman sa linggo."

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now