Chapter 4

54 3 2
                                    

Chapter IV: COULDN'T CARE LESS

Back at their home, B2 pretended to play with his phone in the bed. Ayaw niyang salubungin siya ng tanong ng kakambal sa pagdating nito.

But B2 wasn't spared when B1 asked him the moment the latter arrived. Galing ito sa isang flower shop dahil binilinan ito ng ama na bago umuwi ay dumaan doon upang kunin ang inorder na rosas para sa mama nila.

Instead of answering, B2 let his phone slid on the sheet and closed his eyes. Kanina pa siya nakahilata sa higaan, parang inaantok siya. Katapos kasing mananghalian nagkulong agad siya sa kuwarto at nagpahinga.

Napagod siya kalalakad nung magpasundo sa kanilang driver. Madami kasing paliku-liko sa lugar nila Chloe kaya medyo nalito siya papuntang sakayan.

Naturingan pa naman siyang genius ng klase pero para siyang ligaw na pusa kapag di pamilyar sa isang lugar. Yes, he might be good at anything, you name it: music, writing, sports, academics, etc. Madali kasi siyang matuto at kapag natuto na siya, mastery will be moderately easy. But everyone has downsides even the masters, and B2 is no exception.

He's not good at directions, roads, and streets. Rason marahil para hindi siya nag-aral magmaneho. Kasama naman kasi niya lagi ang kambal na siyang nag-aaral magda-drive at may family driver naman sila.

"Chloe's place," sighed B2 eventually. Kahit gaano pa niya gustong itago iyon sa kapatid hindi pa rin niya nailihim.

"Chloe?" Mula sa pagtatanggal ng sapatos ay napahinto si B1 sa narinig.

B2 shifted on the bed, facing B1 by the door. "The weird girl in our class."

"Kilala ko siya, B2. Ang ibig kong sabihin, paano ka napunta kina Chloe?"

"Long story."

B1 sat on the sofa and looked him suspiciously, smiling, "Gusto mo siya ano?"

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. "Coincidence," palusot niya.

Napakuno't-noo naman si B1. "Ibig sabihin hindi mo sinasadya na napunta ka kina Chloe?"

"Exactly."

Mas lalo nalito si B1 sa kanya. "Ang gulo, hindi kita maintindihan."

"Tss." B2 laid his back flat on the bed. "No one does."

There were still times that he felt like an outcast in his own home. Alam niyang may pagkukulang din naman siya dahil reserve siya masyado sa sarili kaya nami-misinterpret siya. Kaya naman kapag si B1 ang di nakakaintindi sa kanya mas masakit kasi dito lang siya naglalabas ng tungkol sa kahit ano.

B2 shoke it off and got up. "So what's the plan?"

B1 seemed taken aback at what he'd said earlier but chose to ignore it. This time he'd become serious. "Serenade Ma. Kasama tayo."

Bukod sa golfing skills sa ama din nila namana ang inclination sa musika.

He smirked, "And whose idea is this serenade thing, huh?"

"Kay Papa," sagot ni B1.

Hindi pa rin nito makuhang ngumiti sa narinig nito sa kanya kaya hinanda niya ang sarili sa maaaring pag-usisa nito. B2 regretted he had said it.

"Ano sayo, gitara o flute?" tanong nito sa kanya.

"I'll hold saxo this time," sagot niya na tinanguan lang ni B1. He showed a thumb's up. "It'll be a great show."

B1 continued giving him a look that seemed like he was measuring the ocean's depth. "Magbibihis lang ako," paalam sa kanya nito.

"Okay," sabi niya saka ipinikit ulit ang mga mata. "You can find your clothes on the top of the cabinet."

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now