Chapter 40

16 0 0
                                    

052920

Chapter XL: TRADE

Hindi maiwaksi ni B2 sa isipan ang lalaking nakita niya na naghatid kay Chloe. Kapag naiisip niya ang posibilidad na boyfriend ito ng dalaga ay nawiwindang ang kanyang utak. Gusto niyang istorbohin si Chloe at tanungin kung ano ang relasyon nito sa lalaki pero kinalma niya ang sarili. Wala naman din siya lugar para makialam.

"Kahapon ka pa aburido, ah," sita ni B1 sa kanya na may hawak pang towel at pinapatuyo ang buhok. Tinanghali ito ng gising at kakaligo lang.

B2 huffed, "Not today, please."

His reply was a confirmation that something bad happened. So out of curiosity, B1 studied him but eventually said,"Okay."

Pinabayaan na siya nito saka pagkalagay ng tuwalya sa laundry basket ay dumiretso na sa may pinto. Kapag mga ganoong mainit ang kanyang ulo at walang ideya ang kapatid ay binibigyan siya nito ng espasyo para kumalma o huminga.

"Hey," tawag niya bago pa nito mabuksan ang pinto. Mukhang mas kailangan niya ito kumpara sa magmukmok doon. "I'm taking it back."

Agad siya nitong nilingon saka napangiti na parang hindi niya itong pinagsungitan. Umupo ito sa settee saka ibinigay sa kanya ang buong atensyon animo'y isang malaking balita ang kanyang sasabihin. "So ano nga?"

"Let's hit the gym."

Saglit na natigilan ito sabay na ikiniling ang ulo. "Seryoso?"

"I'm serious," sabi niya. Kahapon pa niya iyon pinag-iisipan at kapag sumasagi sa isip niya ang tindig ng lalaki kahapon ay para siyang tinutulak nito na magbuhat ng barbel.

"Dahil kay Chloe ano?" B1 sneered.

He creased his forehead, wondering if his brother could see what's playing in his mind.

Itinungkod ni B1 ang kamay sa baba, "Bilang kuya, makikinig ako."

"Tch."

"Sige na," tawa ni B1.

Napatingin siya sa picture nila ni B1 noong nasa kindergarten palang sila. Nakasabit iyon sa likod nito. Eto na naman ito't pinipilit na mas matanda ito sa kanya.

Binanatan na siya nito ng pang-asar kaya hindi na siya mag-aalala na baka asarin lang sa sasabihin. "I saw her with an older guy, a man...somewhere in his thirties. And he annoyed me. Just because I'm younger, he's belittling me."

"Hmn," B1 examined him like a detective in an interrogation. "Sige sasamahan na kita. Sa inaasal mo mukhang ibang level ata yang karibal mo kay Chloe, eh."

"Tss. Don't even compare me to that old man."

Right. B1 didn't need to rub it more because since yesterday he'd been pointing out anything about the 'old man' that he might be lacking.

Kaya seryoso siya na magpalaki ng katawan. Sa susunod na magkita sila nito wala na itong dahilan para pagmukhain siyang patpatin na hindi kayang protektahan daw si Chloe.

Nahanapan sila ng kanilang papa ng gym kung saan pwedeng exclusive sa kanila ni B1 ang isang kuwarto. Nasasamahan siya ni B1 pagkatapos ng klase pero dala nito ang mga tinatapos na papel sa VSC kaya siya lamang ang nagbubuhat ng mga kung anu-ano. Wala silang fitness trainer kasi ayaw niya. May binigay lang sa kanilang mga program na pwede nilang sundin.

Awat muna siya sa pagpunta kanila Chloe kahit pa kung kailan ilang araw na lang ay bakasyon na nila.

Two days before Christmas and he finally decided to go and see Chloe. Gusto rin niyang makita sila Louie at Tina. Kaso wala ang mga ito roon ng buksan niya ang pinto. Hindi man lang iyon ni-lock bago umalis ang mga ito.

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now