Chapter 17

13 0 0
                                    

Chapter XVII: CONCEIT


B2 had been thinking about the field trip for three days already but a decision wouldn't come to him.

Ayaw na ayaw niyang sumama subalit ayaw din naman niyang biguin ang kanyang pamilya. He wanted to put his mother's mind to ease. Ayaw niyang ma-i-stress ito ng dahil sa kanya.

"May problema ba, B2?" si B1 na hindi niya napansin ang pagdating.

Nakasandal ito sa may bintana't sa kanya nakatuon ang mga mata. Siya nama'y nasa may study table, may hawak na libro subalit sa kaharap na upuan ang tingin.

Bumaling siya rito. "What happened back there?" sabi niya.

"Saan?" tanong naman nito.

B2 thought about it. "Last year's field trip?"

"Ah," B1 nodded, walking towards him. Umupo ito sa silya kung saan nakatuon ang mga mata niya. "Masaya," smiled him.

He, too, nodded. It's B1. Siyempre masaya. What else could he expect?

From his brother he shifted his eyes onto the book and leafed a page. "Did those loud fans bothered you?"

"Hindi," simpleng sagot nito at tumigil ang kanyang mga daliri sa akmang paglipat ulit sana ng pahina.

"I don't beleive you," sabi niya.

B1 laughed at his reply. "Totoo!" He leaned back. "Masyadong masaya yung field trip para sayangin lang nila sa akin. Lahat ng tao nag-eenjoy dun. Kaya nga dapat sumama ka ngayon para malaman mong totoo ang sinasabi ko. Masaya talagang mag-field trip."

Still, B2's not convinced the fangirls would exempt the trip. If he would calculate them, they were always the negative ones who would never lose the minus sign.

"Really?"

"Mas masaya siguro iyon," dagdag ni B1, "kung kasama kita roon."

Tiningnan niya ito. Pakiramdam niya nagkaroon ito ng discussion kasama ang kanyang mga magulang para kumbinsihin siyang sumama siya sa field trip.

Hindi pa rin niya alam. Ang pagsama sa field trip ay parang isang major event sa kanyang buhay na kailangan niyang pag-isipan ng mabuti. Ganun siya kaalangan sa ideya ng pagsama.

"B2," sabi ni B1 at natigil siya sa tinanong nito. Hindi na ito tungkol sa papalapit na trip. "Bakit di na kayo nag-aasaran ni ate?"

Since that incident when he accidentally shouted at her sick sister, he became a ghost to her. And he became distant, eventually. Kapag may gusto siyang itanong kay B1 at kausap ng kanyang ate ito, pipihit siya paalis at pupunta sa kitchen at kukuha ng tubig o kaya'y sa office ng kanilang ama (since open ito para sa kanila magkakapatid pero siya lang ang palaging nalalagi roon). Kapag naman nagkakasalubong sila, deadma ang ate nila, diretso lang ang tingin na parang wala siyang pinagkaiba sa hangin. Buti pa noo'y nagagawa siya nitong irapan.

Pinansin lang siya nito nung nag-sleep over doon sa kanila si Carlo tapos hindi na nasundan. He was fooled. Akala niya ayos na sila hindi pa pala.

"Maybe she's tired of it," sagot lang niya.

Sabi naman ni B1, "Eh, ikaw?"

"Not in the mood as well," paliwanag niya. "It's no fun at all."

"Yun ba talaga?" tanong nito na nagpatunghay sa kanya ng isang bagay.

Tama nga ito. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni B1 nung huling mga araw. Hindi na nga niya rito masabi ang mga bagay-bagay. He was, again, becoming a closed book to him.

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now