Chapter 21

12 0 0
                                    

Chapter XXI: NO OTHER WAY


Iyong araw na iyon ang uwi ni B1 mula sa field trip nito. Ang kanilang ina na sobrang na-miss ito ay nagluto ng paborito nitong tinolang manok nang umagang iyon.

Kahit kunti lang ang naitulog ni B2 ay bumangon pa rin siya ng maaga. Limang araw din niyang hindi nakita ang kambal.

Umupo siya sa may hapagkainan saka pinanood ang ina na magluto at wala rin naman siyang puwedeng maitulong dahil wala siyang alam sa kusina. Doon na lamang siya maghihintay sa pagdating ni B1 imbes na ipagpatuloy ang tulog at baka mahirapan siyang magising sa oras na nasa alarm niya. Pwede rin naman siyang magbasa na lang sa kuwarto kaso mabibigat ang mga mata niya para gawin iyon.

Ang ate nila na siyang dahilan ng kanyang pagkapuyat ay ayun at tulog prinsesa pa rin sa kuwarto nito. Hinintay nitong mag-alas tres bago pumanhik ng kuwarto. Alas tres daw kasi ang katapusan ng gabi.

"B2," tawag ng kanyang ina, nagtatagpo ang mga kilay nito. Katatakip lang nito sa kaserolang pinaglutuan ng tinola. "Ba't ganyan ang mukha mo?"

Yeah. Earlier at the mirror, he told himself not to get into Pryn's watching habit anymore. He looked like he's ill, and he felt groggy. Dalawang oras lang ang itinulog niya ng maayos.

"Pryn was all up last night bothering me." He took the lime tea his mother gave him.

"Nag-away na naman kayo?"

He sipped a little. "No."

"Talaga?"

Tumango siya. "We're like in a ceasefire, mom."

Ngumiti ang ginang sa narinig nito. "That's better. Sa tingin ko malaki ang naitutulong sa'yo ng mga kaibigan mo."

His friends?

"Yeah," sang-ayon niya nang maalala niya ang nangyari sa park. "They're nice."

Tumingin ang kanyang ina sa hawak niyang tasa, "Ubusin mo yan at nang bumuti ang pakiramdam mo." Umiling ito nang dumako ang tingin sa ilalim ng kanyang nga mata. "Sabi ko naman iwasan niyong magpuyat. Nakakasama iyon sa katawan saka nakakapangit ng balat."

This time he took a gulp. Medyo hindi na mainit ang tsaa.

Health-conscious ang kanilang ina at lagi sila nitong pinaaalalahanan na huwag magpuyat. This must be the one reason among many that his mom got great skin, which was luckily inherited by his sister. Kaya siguro wlang pakialam ang ate niya kung anong oras ito matulog kasi hindi naman naapektuhan ang balat. Ang ate lang nila ang matigas ang ulo at walang schedule sa pagtulog. Minsan naiisip niyang hindi naman siya ang pinakasuwail sa kanilang tatlo. Hindi man siya mabait, magalang, at masunurin, siya naman itong magpapaubaya para saluhin ang negosyo ng kanilang pamilya.

B1 arrived and it was an emotional reunion for his mom. Parang isang taong nawala si B1 galing sa ibang bansa at hindi limang araw galing sa field trip.

Sabay-sabay silang nag-breakfast at gaya ng dati may mga pabaong kuwento si B1. Tuwang-tuwa ang kanilang ina sa pakikinig rito malayo sa kanya na tahimik lang sa pagkain. Dati kapag mga ganoong sitwasyon gusto niya na lang umalis at na-a-out of place lang siya. He felt empty and invinsible. Ngayon hindi niya na iyon nararamdaman kahit papaano. Now, he had his own shares of stories to tell. But he couldn't share it yet. Sasarilinin muna niya.

At their room, it was only him and B1.

"I won't ask you 'bout the trip," sabi niya pagkaupo sa kama.

B1 laughed lightly, taking out all the dirty clothes from the luggage onto the laundry basket.

"How was it?" B2, nevertheless, asked. He missed his brother, not only because of the trip; he wanted a conversation with him.

CLOSER NEXT TO YOU (Completed)Where stories live. Discover now